Prologue

86 9 0
                                    

Paano kung niyaya ka ng crush mong magkunwa-kunwaring nagkakagusto kayo sa isa't-isa?

Syempre crush mo eh, papayag ka talaga.

Pero yung masakit eh para saan nga ba 'yun? Para raw kahit papano, maramdaman man lang niyang 'magustuhan' ng taong 'gusto' niya.

Masakit. Syempre. Habang tumatagal, mas lalo kang nahuhulog sa kanya, sa mga pagpapaasa niya sayo. Sobrang sakit.

Hanggang dumating ang pagkakataon na mas naging malapit siya sa taong mahal niya, ang dating nagcha-chat, nangsi-seen na at ang dating nagte-text, hinu-who you ka nalang.

Pero kahit ganon, umaasa ka pa rin na kahit konti may nararamdaman din siya para sa 'yo.

Pero ano nga ba ang laban mo sa taong mahal niya? Ilang taon na kayong magkakilala ngunit ilang taon nga ba niyang minahal ang karibal mo ngayon?

Aanihin mo naman kasi ang panahon na kasama mo siya kung kaibigan lang ang turing niya sa 'yo sa panahong minahal niya siya?

"Xizyl, Wag mo sanang totohanin. Diba kunwari lang? Dapat sana hanggang dun lang. Parang iniiba mo kasi eh."

"Don't worry. Hindi yan magiging totoo. Ano ka ba? Joke lang nga."

"I hope. Kasi hanggang doon lang talaga."

Simula nun, iniiwasan na 'ko ni Dale. Kahit alam ko namang may pinagkakaabalahan siya. Ang taong mas importante sa akin.

A/N: The prologue might not be catchy, try reading the story po. Don't judge. Salamat~

Aasa Sa WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon