Chapter 4: School Days

103 5 0
                                    

Chapter 4: School Days

Pang-apat

KYLE P.O.V

PAGKABABA ko ng kotse namin dumiretso ako sa canteen. Nagugutom ako kaya bibili muna ako ng makakain.

Pagkatapos kong bumili pabalik na sana ko ng salubungin ako ng Ex ko. Ewan ko kung anong name nito. Irene yata.

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod. Napangiti ako. Pinaglaruan ko lang siya. Ginamit. Masarap kaso sawa na ako sakanya. Tapos na ako sakanya.

"Balikan mo na ako, K-Kyle.." Umiiyak na siya ngayon. Sentro kami kaya marami ng nakakakita. Hindi pa din ako nakibo hanggang sa mahagip ng mata ko si Mise. Tch.


xoxo

MISE P.O.V

Hayy boring.

"Pimples, zit or spot is kind of acne, and one of the many results of excess oil getting trapped pores. Some of the varieties are pustules or papules. Pimples can be treated by various acne medications prescribed by dermatologist, or purchased at s drug store with a wide variety of treatments... Blah blah blahh..."

Inub-ob ko na lang 'yung mukha ko sa table ko at wala akong ganang makinig. Ano ba yan kasi eh! Puro pimples! Pimples! Ang topic namin ngayon. Wala naman akong pimples! (=_=)

*RINGGGGG*

Hay salamat! Breaktime na. (=_=) Nakakaboring magturo siya! Alam nyo yon? Kasi bigay siya ng bigay ng definition di man lang niya ipaliwanag kung ano ba ibig sabihin nun at kung pano nukukuha at kung mawawala diba! Grrr.~~

Tumayo na ako at pumunta sa upuan ni brian.

"Tara na." Yaya ko sakanya.

"Ikaw na lang." sabi niya

"Tara na kasi brian.. Hmmm, Treat ko! Dali." Bigla naman syang tumayo at kumikinang kinang pa ang mga mata. Sira-ulo talaga toh! Basta pag libre eh noh. (=_=)

"Tara." sabi niya at nauna ng naglakad sa'kin. Tsk!

Pagdating namin sa cafeteria ang daming tao. Alam ko namang madami ang tao sa loob ng cafeteria pero mas madami toh kumpara sa normal.

"Grabe! Di na talaga siya naawa.."

"Hongo nga nge." (oo ng eh) sabi nung isang ngongo.

Dahil na curious ako masyado. Pumunta ako sa loob ng cafeteria. Wow lang ha! Nakipagsiksikan pa talaga ako. (=_=)

"Please lang oh? Isa pang chance. Please?" Rinig kong sabi nung isang babae. I think siya 'yung leader ng pep squad eh at siya rin 'yung isa sa naging ms.campus dito eh. Pero ang tanga niya ha! Di naman sa minamaliit ko siya kaso.. Sa ginagawa niyang 'yan parang ang desperada niya eh. Kasi... Nag mamaka-awa pa siya sa boyfriend niya or should i say EX-BOYFRIEND niya na balikan pa siya eh. Pwede namang humanap ng iba. Diba? Diba?

Mr.Playboy Meets Ms.SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon