Chapter 12: Xyrille Monique Faith Villarama
MISE P.O.V
NATAPOS ang party kagabi ng hindi ko nakita si Kyle at Xy ba iyon ng buong gabi. Hindi nga ako nakapag-paalam kay Kyle dahil hindi ko nga siya nakita.
“Nakita mo na si Kyle?” Napalingon ako.
“Kagabi ko pa hindi nakikita.” Sagot ko kay Josh.
“Hindi ba kayo nagsabay-sabay?” Dugtong ko dahil nagtatakha lang ako dahil araw-araw naman silang magkakasabay.
“Itatanong ko ba sayo kung kasabay ko?” -___-
“Psh!” I rolled my eyes.
Bumalik kami sa kanya-kanyang upuan ng dumating ‘yung teacher namin. “Good morning class, kailangan ninyo ng kaparehas para sa activity na gagawin natin. Ano ang activity? Mag-iinterview lang naman kayo sa isat-isa parang iyon ang magiging journal ninyo sa akin.”
“By pair, Isang babae at isang lalaki dapat. Okay, ito ang mga magiging partner ninyo...” He stopped.
“Aguilar at Aldaya..”
“Ayieeh!” Hiyaw nila dahil yung dalawang yun ay nali-link sa isa’t-isa.
“Armildez at Banico.”
“Damasen and Cruz, Emmashel.” Watdapak?! Natahimik at napahinto ang klase ng bumukas ang pinto ng room.
Ang niluwa nito ay si Kyle with.. Uh, Xy?
Magkahawak ang kamay nila ng dumating sa classroom. “Mr.Damasen, why are you late? And who’s that?” Turo ni Sir doon sa katabi ni Kyle.
“Wag ka na magtanong.” Saka siya pumasok ng klase with his blank expression. Bumalik siya sa dati niyang upuan. Kung dati, dito siya naka-upo.
At... At yung playboy look niya, bumalik. Lahat..
“Ano meron d’yan sa sinasabi mo?” Tanong ni Kyle. Ang bastos talaga nitong mokong na ito! Tumayo ako at lumapit kay Kyle.
“Hoy! Wag kang bastos. Teacher natin ang kinakausap mo.” Sabi ko
“Wag kang mangi-alam!”
“May pakialam ako kasi boyfriend ki—” Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay inunahan niya na ako.
“Then, let’s cool off.” What?! Nasabi niya ba talaga yun sa harap ng buong klase?!! O__O
“Aalis na ako.” Nasa pinto na siya ng huminto siya at binalik ang tingin sa klase. Bumalik uli siya sa upuan niya at hinigit si Xy palabas. Walang nagawa si Xy dala na din siguro ng takot sa itsura ni Kyle. Maski ako, nabigla.
Tahimik akong bumalik sa upuan ko. Bulungan dito, bulungan doon. Psh!
*ringg*
Sa wakas! Dali-dali akong tumayo saka lumabas ng room. Isang hakbang nalang siguro at makakalabas na ako ng room kaso may humigit sa akin. Lumingon ako. “Leidelyn?” Yung pinsan ko pala.
“Ako nga. Ano? Magpapaka-martyr ka d’yan sa peke mong jowa? Huh?” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Hinigit ko siya papasok sa loob ng classroom dahil nasa pintuan kami. “Shut up!”
“Hindi mo tanggap, ‘noh? Na peke ka lang. Na niloko ka lang. Pinaglarua—” Pinutol ko ang sasabihin niya
“Wala kang pake!” Saka ako umalis palayo sakanya.
Dumiretso ako sa forest. Oo, dito nagsimula ang lahat. Mula, sa simpleng asaran sumunod ang mga rules hanggang sa ganito na ang nangyayari.
Kusang tumulo ang kanina pang nagbabanyag mga luha ko. Napaisip ako. Hindi! Hindi dapat ako ganito! I should be happy. Pinunasan ko ang pisnge ko na basa dahil sa luha ko at tumayo.
Bago ako maka-alis ng forest, nilingon ko muna ito at pumikit. Kalimutan na. Dinilat ko ang dalawang mata ko kasabay nito ang pag-alis ko sa forest.
--*
PAGKAPASOK ko sa classroom, naabutan ko si Sir, nanghingi ako ng paumanhin dahil sa nalate ako. Pina-upo naman agad ako.
“Class, Sino dito ang sasama sa field trip na gaganapin sa friday?” Tanong ni sir.
“Sama ka.” Napalingon agad ako sa katabi ko. Kanina walang tao ngayon si Joshua na bigla na lang kabute.
“Ayaw ko,” Dagdag oras ko lang iyon.
“Sige na!”
“Sir, kaming dalawa po ni Mise.” Napatingin sa gawi namin si sir ng isigaw ni Joshua iyon. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Sabi ng ayaw ko eh. Lumapit si sir dito sa amin at ini-abot ang waiver kay Joshua. Dalawang waiver. Psh!
--*
Papunta na ako sa locker ko dahil may naiwan akong damit, pang-P.E ko. Isasarado ko na sana ang locker ko ng makarinig ako ng pag-uusap.
Hindi ko alam kung bakit may pumipilit sa loob ko na pakinggan iyon kahit na alam kong bawal ang makinig ng may usapan na may usapan.
Nagtago ako isa sa likod nitong mga locker. Nakasandal ako habang nakikinig. Familiar ang boses.
“Xyrille.” I know! I know his voice!
“Kyle..” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, feeling ko may hindi magandang mangyayari.
“Mahal kita.. Xy,” Kyle.
Boom! Siya nga.. Siya iyong babae na nakita ko sa isang box na may litrato at may nakasulay na xmfv. Medyo nagmature ang mukha ni Xy ngayon kaysa sa picture na nakita ko sa kwarto ni Kyle.
kaya pala hindi ko agad namukaan si Xyrille dahil medyo bata pa siya nang kuhanan siya ng picture.
Tumalikod na ako at maingat na tumakbo palabas para hindi na makagawa pa ng ingay. Ang sakit sa pakiramdam. Ako ang natalo sa larong ito.
--*
A/N: :)
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
AcakSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago