Chapter 15: Asar talo
MISE P.O.V
"HOY panget!" Binigyan ko siya ng masamang tingin. Sa ganda kong ito?! Sasabihin niya ako ng pangit!!
"Tinatawag mo ba ang sarili mo ha? Ha?"
"Hindi. Ang pangit mo."
"Tantanan mo ako." Sa totoo lang, wala pa ako masyadong tulog gawa nung kagabi. Hindi kasi ako nakatulog kaagad kagabi dahil ang likot-likot ng kupal na iyon!
"Hey, Kyle!" Napatingin agad ako sa tumawag sa unggoy na ito. Xyrille.
"Oh, baby, gutom ka na ba?" Kitang-kita ang pag-alala sa mata ni Kyle nang itanong niya iyon kay Xyrille. Napaiwas agad ako ng tingin.
"Yeah." Sagot ni Xyrille saka ko na lang naramdamang umalis silang pareho sa harapan ko. Shocks!
Ganoon na lang ba iyon? Konting kibot lang ng babaeng iyon sasama agad iyong panget na kupal na si Kyle?!!
Sabagay, walang-wala ako kung ikukumpara kay Xyrille.
Mayaman, maganda, makinis, maputi, inosente, mabait, at matalino. She almost perfect. Hindi tulad ko.
He also broke our ten rules.
--*
"Hey!"
"Ay pangit!"
"Sa gwapo kong ito?" Hinimas-himas niya ang pisnge niya habang kinikislap-kislap ang dalawa mata.
"Yuck! Eww! 'wag mo na nga'ng gagawin 'yan! Nakakadiri ka alam mo iyon?!" Reklamo ko. Ito na naman siya. Ginagawa yata ako nitong past time, eh. Kapag walang magawa, ako trip pero kapag nandiyan na ang magaling na girlfriend, tahimik. Tsk.
"Ano ba problema mo sa gwapo kong mukha ha?"
"'yang mukha mo nakaka-irita!"
"Bakit ba ang sungit mo?" Napataas ako ng kilay. Yung tipong sobrang taas. Nakakainis kasi, eh!
"Eh, ikaw bakit ang playboy mo?!" Balik na tanong ko sakanya.
"Bakit nagseselos ka ba kay Xyrille?" Malayong tanong niya uli sa tanong ko. Natigilan ako.
"Bakit ba tanong ka ng tanong?!" Batong tanong ko sakanya ng naka-recover na ako sa tanong niya.
"Bakit ba ayaw mo na lang sagutin lahat ng tanong ko?"
"Sa ayaw ko eh!" Depensa ko.
"Naasar ka na ba?!" Asar na tanong niya. Balatan kita ng buhay diyan, eh! Nakakainis ka talaga!
"Hindi kasi wala akong pakialam sa'yo!"
"Don't worry, babe. Bestfriend ko lang si Xyrille." He winked.
"Eh bakit sakanya ka lagi nakabuntot?" Tanong ko na siya namang ikina-ngiti ng kupal.
"Ano gusto mo? Sayo? E'di inamin mo rin na nagseselos ka kasi nagtanong ka pa." Sa sobrang inis ko, nilukot ko at ginawang bola ang scratch paper na hawak-hawak ko saka ko iyon binato kay Kyle kaso mabilis niya rin itong sinalo.
Kainis kang playboy ka! Paasa ka! Niligpit ko ang gamit ko saka tumayo, "Ang paasa mo, Kyle." Sambit ko bago ako makalabas ng room namin.
--*

BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
RandomSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago