Chapter 6: Fake Girlfriend
Pang-pito
MISE P.O.V
EWAN KO BA kung ano ang nasinghot nito ni Kyle Nhaijer Damasen kung bakit napaka-sweet sa akin.. O ako lang ang nagiisip ng ganun? Hayy.
Katabi ko si Kyle ngayon na nagsusulat ng lecture namin. Ang bait. Hindi ko siya niyang inutusan. “Ano nakain mong kupal ka?” Bulong ko dahil nandito pa si Ma’am Rhea. Baka kagalitan kami.
Nahinto siya sa pagsusulat at napatingin sa akin. “Huh?” Takhang tanong niya habang taas kilay. Tarayy!
“Nagtatakha lang naman ako dahil hindi ka naman ganyan dati. Tignan mo ayos mo, ang good looking na,” Paliwanag ko. Imbes na mag-ingay, kinuha niya ‘yung scratch paper at doon nagsimulang sumulat.
Pagkatapos, binigay niya ito sa akin. Ang bait *o* Ayaw na mag-ingay? Parang dati lang, siya o sila ng barkada niya ang pasimuno ng away o ingay.
Binasa ko iyon. Magbabago ako para sa girlfriend ko :* ;) Napataas ang kilay ko. Kinuha ko ang ballpen ko at nagsulat
Ang plastik ng drama mo, ah? -_- Saka ko ibinigay sakanya. Tumingin ako sakanya, ayun napangisi ang loko -_- Bigay uli sa akin
Wahahahaha anak ng patola! Exactly! ;) Mamaya, sabay tayo mag-break Ps: Mamaya mo na ako putaktahen
Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Pinuputakte ko ba siya? Wow! Best actor na ang award mo niyan. Hindi na ako nang gulo pa sakanya kundi ay sumulat na lang din.
Tahimik akong nagsusulat ng maramdaman kong may nakapatong sa balikat ko. Lumingon ako para tignan. Napakunot agad ako ng noo. Naka-akbay sa akin ang loko “Tanggalin mo nga ‘yang kamay mo,” Bulong ko pero parang wala siyang narinig. Ugh.
Hinayaan ko na lang tutal hindi ko na rin naman siya mapipigilan. Pamaya-maya, naramdaman ko nalang na bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Natutulog ba ito? Akala ko pa naman magbabago na ito. Ugh!
Hinawakan ko ang ulo niya para angatin sana kaso.. O_O
Hinipo ko ang noo niya at leeg niya. Shit! Ang init-init niya kaya pala kanina pa siya tahimik may sakit pala ang loko.
Inalog-alog ko siya konti kaso taeeee :3 Wala pa ring imik. Huhuhu T_T “M-Ma’am?” Nagtaas ako ng kamay para makita at marinig agad ako ni Ma’am. Hindi kasi ako makatayo dahil nasa balikat ko pa si Kyle. Nang marinig naman iyon ni Ma’am, napatingin siya sa akin.
“S-si K-Kyle po.. May s-sakit.. N-nawalan po yata ng malay,” Sabay turo kay Kyle na nasa balikat ko pa din. Pakiramdaman ko, napakainit na din ng balikat ko gawa ng init na katawan niya. Huhuhu T_T
Nagmadaling pumunta si Ma’am sa amin at nagpatawag na sa kaklase ko ng school nurse para magamot at madala si Kyle sa Clinic.
Hinipo ni Ma’am ang noo ni Kyle “Ang init niya. Nako. Kanina pa ba siya nilalagnat?” Tanong sa akin.
“Hindi ko po alam kasi ngayon ko lang din po napansin,” Paliwanag ko. Pamaya-maya, dumating na din ang school nurse at binuhat si Kyle palabas ng room. Pinapanood ko lang sila na ilabas si Kyle ng biglang..
“Nako, Emmashel! Puntahan mo na. Ikaw mag-alaga sa PRINSIPE MO! Halata namang gustong-gusto mo siyang sundan, e.” Sa lakas ng boses ni Alisah pati teacher namin ay narinig iyon.
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
RandomSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago