Chapter 13: Field Trip
EMMASHEL P.O.V
Nakahanda na ang lahat dito sa loob ng bus dahil sa gaganaping lakbay-aral o field trip.
"Tol! Palit tayo! Tabi ko girlfriend ko." Napalingon agad ako sa nagsalita. Si Joshua. Tumango agad si Dwight at nakipag-palit.
Ito ang pwesto namin ngayon.
Leidelyn-Joshua-Dwight-Ako.
Nasa panghuling seats kami. Pang-animan.
Kinuha ko sa dala kong bag ang headphone ko at sinalpak ito sa magkabilang tenga ko. Gusto ko mag-refresh. Maaga pa.
"Hmm." Napadilat ako ng mata ng may nagsalita.
"Excuse." It's Kyle.. He's not alone.. His with Xyrille again..
"Excuse us.." Pag-uulit niya kaya napatabi ako ng wala sa oras.
Katabi ko si Kyle. Shet! Omyghad! Ganito na ang pwesto namin ngayon.
Leidelyn-Joshua-Dwight-Ako-Kyle-Xyrille
Napatingin ako sa magkahawak na kamay nina Kyle at Xyrille. Sila na ba? Wala pa naman kaming officially fake break up ni Kyle, huh?
Nang maramdaman kong umiinit ang sulok ng mata ko ay agad na akong pumikit para hindi ko na maibagsak ang luha na pinipigilan ko.
"Nag-almusal ka ba bago umalis?" Kahit nakapikit ako, dinid na dinig ko pa din ang pag-uusap nila dahil katabi ko lang si Kyle na katabi niya ngayon ay si Xyrille.
"H-Hindi," Kalma, Mise.
Naramdaman kong may binuksan si Kyle sa bag at nagbukas ng pagkain. Hindi pa ko manhid para hindi maramdaman iyon.
"Here. Eat this," Dali-dali kong hinanap ang headphone ko saka agad na sinalpak sa magkabilang tenga ko kasabay nito ang pagpikit ng talukap ng mata ko.
Ayaw ko marinig. Kahit kailan hindi ganyan ang pinapakita sa akin ni Kyle.
Nagising na lang ako ng huminto ang bus na sinasakyan namin malapit sa gas station. May malapit daw kasing comfort room at food chain dito kaya binaba kami. Actually, sila lang. Hindi ako nac-cr at wala din ako sa mood bumili.
"Tol! Hindi ka ba baba?" Tanong ni Josh kay Kyle. Nilingon naman siya nito at tumango.
"Baba na ako bibili rin kasi ako ng makakain namin ngayon," Saka niya sinara ng bag na inaayos niya at sumunod na kay Josh at Dwight na pababa na din ng bus.
Napalingon ako kay Lyka, ate Mariel at Leidelyn. Ang dalawa kong kapatid at si Leidelyn na pinsan ko.
Oo, iisang bus lang kaming magkakasama pero madami kaming sumama sa field trip. More than 10 bus.
"Halikana! Sumama ka na sa akin Lyka! Naiihi ako at makabili na din ng keychain dito," Sabi ni ate Mariel saka hinatak pababa ng bus ang bunsong kapatid namin na si Lyka.
"Sama ako." Sumunod pababa ang pinsan kong si Leidelyn. Halos lahat ng sumama sa bus na ito ay nasa labas at nage-enjoy.
Napatingin ako sa kabilang upuan ko. May napansin ako.. Nandito pa pala si Xyrille. Naiilang ako. Hindi ako makatingin ng maayos. Sana pala sumama na ako sakanila kaysa makasama si Xyrille na mahal na mahal ang lalaking fake-boyfriend ko.
Binuksan ko ang bag ko at binuksan ang D-patata. "G-gusto mo?" Nahihiyang tanong ko. Nakaka-awa naman kung hindi ko aalukin kasi ako may kinakain ngayon, siya, wala pa dahil na kay Kyle pa ang pagkain niya.

BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
NezařaditelnéSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago