Chapter 9.2
KYLE P.O.V
"Mom, Dad.."
Napatingin agad ang Mom and Dad ko sa direksyon kung nasaan kami ngayon "Maupo muna kayo," Sabi ni mama
"Sino nga pala yang kasama mo?" Tanong ni Dad pagka-upo namin ni Emmashel sa upuan dito sa loob ng office room.
Sasagot pa lang sana ako ng.. *SCREECH* Bumukas ang pintuan. "Apo," Napalingon kaming lahat nang dumating si Lola at Lolo.
"Who is she?" Lola pointed at Emmashel direction. Napayuko si Emma kaya medyo pinisil ko ang kamay niya na hawak-hawak ko ngayon.
"E-Emmashel Cruz p-po.." Lumapit ako ng konti kay Mise sa may bandang tenga niya. "Be yourself and trust me." bulong ko.
May kumatok na naman at ang niluwa nito ang maid namin na may dala-dalang maraming klaseng pagkain at nilapag niya ito sa center table pagkatapos ay umalis na.
Napatingin ako kay lola at lolo na nakatingin lang kay Emmashel. Ang girlfriend ko, hindi makatingin sakanila ng maayos. "Lo, La, Tinatakot niyo naman po ang girlfriend ko,eh." Sabi ko at inabot kay Emmashel ang juice na kinuha ko. Agad naman niya itong ininom.
"Hahaha." Tumawang pareho sina lolo at lola. Tss. Hindi ba nila alam na kanina pa kinakabahan ang girlfriend ko sa ginagawa at sa mga titig nila?! Tch. -_-
"I like you for my apo." Sabi ni Lolo
"Yeah me too." Sabat din ni Mommy. Napatingin kami kay Dad na tahimik lang.
"Ako din naman." Sagot ni Dad kaya napatingin ang lahat kay lola na hindi pa nagsasagot. Tahimik. Kinakabahan ako. Si lola kasi ang bahala. Sa madaling salita, kapag ayaw ni lola si Mise, patay tayo d'yan. Arrange marriage ang bagsak ko. Sana.. Sana..
"I like you too for my grandson." Sabi ni lola at saka tumayo sabay alis.
Napatingin agad ako kay Mise. Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. "Narinig mo iyon? Tanggap ka nilang lahat!" Sabi ko pagkakalas ng yakap ko.
"Mahal na mahal kita, Emma!" Sigaw ko.
"Salamat po, tita at tito." Sabi ni Mise na hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Ngumiti lang sina mom at dad. "Welcome! Enjoy." Sabi ni Mom at saka sila umalis ng office room ni Dad. Kami na lang ni Emmashel ang naiwan dito sa loob. Napatingin ako sakanya. Nakatingin din siya sa akin.
"Mahal na mah-" Hindi niya na ako pinatapos pa.
"Jerk! Hindi na natin kaharap ang mga magulang mo kaya hindi mo na kailangan pang umarte na tayo!" Sabi niya atsaka kinuha ng bag niya at sinabit sa balikat niya sabay na umalis.
Napatulala ako sa nangyari at sa sinabi niya..
Why she even not took it seriously? Tss.
--*
MISE P.O.V
Bakit ba kasi pumayag ako sa pesteng 'fake girlfriend' na 'yan! E' 'di sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Ano pa nga bang aasahan ko sa cassanova-ng 'yon? Kahit kailan hindi mag-seseryoso siya. Ginamit niya lang ako para hindi siya bumagsak sa 'Arrange marriage' niyang 'yan! Kung hindi sana ako pumayag... Hindi na sana ako masasaktan ng ganito.
--*
Yeheyt! Part 2. :D Enjoy!
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
De TodoSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago