Chapter 11: Cai's birthday
MISE P.O.V
MATAPOS sabihin ni Josh iyon kanina ay hindi na ako maka-tulog ngayon. Iniisip ko kasi yung sinabi niya kanina. Layuan? Bakit?
Kaya ngayon, nag-aalangan tuloy ako kung pupunta pa ba ako ng birthday ng ate Cai niya o hindi. Oo nga pala, nagpaliwanag ang mokong tungkol doon.
-flashback-
"Hindi mo na kailangan ipaliwang iyon, Kyle. Wala naman tayo." Pagdidiin ko. Naka-upo kaming parehas sa bench. Sabado ngayon at gusto niya daw makipagkita sa akin. Naka dress lang ako at tinernohan ng flat shoes. Hinimas-himas niya ang kanyang gilid ng noo habang nakapikit. Badtrip na naman siguro ito.
"Can you let me explain?" Kahit kalmado niya iyon na sinabi, nakakatakot pa din. Nanahimik ako para bigyan siya ng oras para magpaliwanag.
"Ayaw ko lang na masasabihan akong cheater dahil matagal ko ng tapos gawin iyon.." Hinawakan niya ng kamay ko. Mahigpit. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. dub.dub.dub. yan na naman ang kabayong puso ko.
"Yung kasama kong babae kanina, She's my sister-Cai. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin. Sa amerika siya lumaki at nag-aral kasama sina mama at papa." Hinayaan ko lang siya magpaliwang. Umakbay pa siya sa akin habang magkahawak ang kamay namin.
"Nung isang araw lang umuwi sina mama at papa nagulat ako ng kasama nila si Cai." Napatingin ako sakanya habang naka-kunot ang noo.
"Akala ko ba ate mo iyon?" Tanong ko dahil Cai lang ang tawag niya.
"None of your business. I'll call her whatever I want to call." Beastmode na naman siya? Palagi naman.
-End of flashback-
KYLE P.O.V
NANDITO ako ngayon sa bar ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dinail ko agad ang number ni Josh. Ilang rings lang ay sinagot niya na ito agad.
"Go to my bar. Now." Hindi ko na siya pinagbigyang magsalita pa at binaba na ang tawag. Sunod ko namang tinawagan si Dwight Calvin.
"Go to my bar." Ganun din ang sinabi ko kay Dwight at binaba na ang tawag. Wala pang 15 minutes ay nandito na sila. Agad akong tumayo at sinalubong ng suntok si Josh pero agad din akong naawat ni Dwight. Hawak-hawak ni Dwight ang magkabilang braso ko habang si Josh ay nagpupunas ng dugo sakanyang gilid ng labi at naka-upo pa din sa sahig.
Binigyan niya ako ng matalim na tingin kaya binigyan ko din siya ng matalim na tingin. "'Tol, pinapunta mo ba ako dito para umawat sa'yo, huh?" Tanong ni Dwight habang hawak-hawak pa din ang magkabilang braso ko.
Hindi ako lumingon kay Dwight. Na kay Josh pa din ang tingin ko. "Ano bang problema mo? Huh?!" Tanong ni Josh nang makatayo siya mula sa pagkasalampak sa pagsuntok ko sakanya.
Napa-iling ako habang tumatawa ng sarkastiko. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw ko. Nasa VIP room kami kaya kami-kami lang talaga ang tao dito.
Inutos ko din sa mga bouncer na wag na wag na papasok dito sa loob kahit anong mangyari.
"Eh gago ka pala, e!" Saka niya ako sinuntok. Babawi na sana ako ng itulak ako ni Dwight. Kaya napa-upo ako sa sofa.
"Tumahimik nga muna kayo! Hinding-hindi kayo magkaka-intindihan kung hindi mo sinasabi ang problema mo kay Josh, Kyle!" Ngayon ko lang nakitang seryoso at galit si Dwight.
"Alam ko 'yung sinabi mo sa girlfriend ko, Park! Sira na ba tuktok mo, huh?! Gusto mo ba kaming sirain, huh?! Anong problema mo sa amin??!!" Sigaw ko. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti at tinapunan ako ng masamang tingin uli.
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
RandomSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago