Chapter 14: Overnight
MISE P.O.V
“Class kailangan niyo ng maipasa ang project ninyo sa akin ‘yung tungkol sa impormasyon ng isat-isa kung paano niyo pa mas huhubugin ang pagkakaibigan.” Paliwanag si Sir. Napa-isip ako. Ghad! O_O
Si Kyle nga pala ang ka-partner ko dun! Shet naman! Nagulat ako ng tumabi sa akin si Kyle “Hindi ka ba gagawa ng project natin d’yan huh? Sabihin mo lang.” Anak ng tupa naman ‘to oh! ‘yung lang pala. -__-
“Gagawa pero saan tayo gagawa naman?” Tanong ko
“Overnight ka,” H-huh? Napatingin ako agad-agad sakanya nun.
“H-huh?”
“Tss. Mag-overnight ka sa amin at gagawin natin ‘yun kahit hapon ka na pumunta sa bahay at umaaga na kita i-uuwi sainyo.” Paliwanag niya. Papayag kaya si Daddy at Mommy nito?
“Ipapa-alam kita sa parents mo. Don’t worry,” Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Natatakot ako! Mayayardo ako kina dadi at mami lalo na’t lalaki ang ka-overnight ko!
“W-wag..”
“Ge,” Saka siya tumayo at bumalik sa tabi ni Xyrille. Bipolar kang hayop ka! -__-
--*
Natapos ang buong klase na naboringan lang ako at kanina pa ako uwing-uwi. Palabas na sana ako ng classroom ng mahahip ng mata ko sina Kyle at Xyrille.
Psh! Dumiretso na ako sa parking lot para doon intayin ang mga kapatid ko para sunduin kami ni Daddy.
Sa kabila ng paghihintay ko, nakita ko sina Xyrille at Kyle. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sakanilang dalawa. I'm numb.
Sinakay ni Kyle si Xyrille sa kotse ni Xyrille. Parang hindi sabay ngayon huh? Kapag sabay kasi sila kay Kyle na kotse ang laging gamit pero parang hindi yata sasabay sakanya.
“Ate! Kanina ka pa ba?” Napalingon ako.
“Hindi naman at bakit ngayon lang kayo huh?” Tanong ko kay Mariel na kasama na ngayon ang isa pa naming kapatid at pinsan.
“Pabebe kasi si Lyka!” Kantyaw ng pinsan namin na si Leidelyn.
“H-hoy ate hindi ah!” Depensa ng bunso kong kapatid.
Una, ako
Pangalawa si Mariel at ang pangatlo ay si Angelica a.k.a Lyka“Hey,”
“Daddy!!” Agad naming sinalubong ng yakap at halik sa pisngi ang daddy namin.
“So, let’s go?”
“Wait sir.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” Takhang tanong ko kay Kyle habang naka kunot ang noo pero hindi niya ako pinansin sa halip ay hinarap niya ang Daddy ko.
“Sir, pwede po bang mag-overnight sa amin si Emmashel?” Pormal na tanong ni Kyle kay Daddy. Pansin ko, bihira niya akong tawagin sa nickname ko puro Emmashel.
Napatingin sa akin si Daddy, “At bakit?” Saka siya lumingon pabalik kay Kyle. Oha! Kala mo ah! Lagot ka d’yan kay Daddy!
“We have to finish our project as soon as possible and today is my available day to do our partner project.” He explained.
“Siguraduhin mong walang mangyayaring kababalaghan, kiddo.” Seryosong sabi ni Daddy.
“She’s not my type, Sir.” Arrgh!! Ang sarap mong patayin Kyle Nhaijer Damasen!
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
RandomSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago