Chapter 10: Tropa's
KYLE P.O.V
Pakshet! Hanggang ngayon hindi pa din ako pinapansin ni Emmashel! Isang linggo na nga ngayon, e. Hindi ko matiis! Pero siya natitiis niya ako. Anak ng tinola lang!
"Hoy ulol! Wag 'yang vase na 'yan!" Sigaw ni Dwight ng makita niya ang kamay ko na sobrang higpit ang hawak sa vase at balak na itong itapon kung saan kaya nabitawan ko ito agad.
"Ang dami mo nang nasira, ah! Lagot ka kay Park nito!" Binigyan ko agad ng masamang tingin si Dwight dahil napaka-ingay!
*screech*
Napatingin kami sa pintuan ng tambayan namin. "Yow." Bati ni Joshua Park pagka-upo sa sofa.
Naka-upo kami sa tig-iisang sofa. Kanya-kanya. "Balak mong magbarag, tol?" Napatingin ako kay Josh.
"Oo sana."
"Ulol! Doon ka sa laro na basagan ng plato. Doon mo ibuhos lahat ng sama ng loob mo. Wag dito sa tambayan dahil napaka-expensive ng gamit dito." Hindi na ako magtatakha kung bakit hindi na masyadong tipid magsalita si Josh.
Isang babae lang naman ang nakapagpa-bago sakanya. Yung girlfriend niya ngayon.. Si Leidelyn.
Hindi ko na lang siya pinansin at nahiga kasabay nito ang pagpikit ko. "Mahal mo na ba si Mise?" Napadilat ako ng tanungin iyon ni Dwight.
"Ulol! Ano'ng tanong ba iyan? Alam mo namang wala akong sineseryosong babae, 'di ba?" Sagot ko at pumikit uli.
"Oo at hindi lang ang sagot don, Damasen." Nagulat ako sa pagsabat ni Park.
"Hindi."
"Bakit apektado ka sa paglayo ng pinsan ng girlfriend ni Park, huh?" Dwight's reffering to Emmashel.
"Hindi ko alam." Tipid kong sagot.
---*
Nandito ako ngayon sa next class ko habang nagtuturo ng teacher namin, tinititigan ko si Emmashel na masayang kausap ang katabi niya ngayon. Bumalik na kasi ako sa upuan ko talaga.
Tinignan ko ng masama yung lalaking kausap ni Emmashel nang magtama ang mga mata namin kaya medyo napa-atras siya kay Emmashel. Yeah, tama lang 'yan na dumistansya ka. That's my mine.
Tumayo ako sa kalagitnaan ng klase kaya napatingin silang lahat sa akin. Tinapunan ko sila ng masasamang tingin kasama na 'yung boring na teacher namin. Nababanas ako! Lahat ng kaklase namin napatingin sa pagtayo ko pero parang wala lang kay Emmashel! Hindi niya ako nilingon. Buwisit!
Naglakad ako patungo sa upuan ni Emmashel at hinigit siya sa wrist. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya ng makalabas kami ng room. Oo, walang nagawa ang teacher namin dahil akin kaya tong school na 'to!
Tinapunan niya ako ng masamang tingin. Hinigit ko siya sa wrist niya uli at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa tambayan namin. Walang imikan. Nakadating kami ng tambayan at nadatnan namin ang tropa ko na nandito din.
Binitawan ko si Emmashel at diretsong umupo sa sofa. Bahala siya! Nakita kong umupo si Emmashel sa kabilang sofa katabi ang pinsan niyang si Brian.
"Oy 'tol! Badtrip ba?" Tanong ni Dwight.
"Oo lalo na 'yung teacher namin ngayon na sobrang boring magturo. E, kayo? 'di ba, may klase din kayo?" Tanong ko.
"Oo. Walang kwenta din yung nagtuturo, eh." Sagot naman ni Josh.
"Walang kwenta daw! Walang kwenta para sayo kasi hindi ka nakikinig!" Sabat ni Brian. Yung girlfriend nitong si Joshua Park na one of the boys.
"Tss." Park
"Mga 'tol! Girlfriend ko nga pala.. Emmashel. Emmashel, mga tropa ko." Pakilala ko. Isa-isa naman silang nagkamayan at nagpakilala.
"Welcome ka na sa amin!" Sabay na sabi ni Josh at Dwight. Medyo hiya pa si Mise. "S-salamat," Naka-tungo na sagot nito.
"Wag ka na mahiya sa amin." Sabi ni Josh kay Mise dahil naramdaman din niya siguro nahihiya si Mise.
Tumango-tango si Mise.
Tumayo si Josh at nag-inat-inat sabay hila kay Brian "Papahangin lang kami." Aangal pa sana si Brian kaso nahigit na siya ni Park sa labas.
"May next class pa ako. Bye." Sumunod naman si Dwight sa papalayong sina Park at Brian. Tsk. Ibang klase magpalusot ang mga tropa ko. Tsk. Kahit naman walang klase si Dwight nang ganitong oras.
Mag-uusap pa ba kami?
Tahimik. Walang nagsasalita. Nakikiramdaman kami sa isa't-isa. Hayst.
"Isang tanong, Isang sagot lang, Kyle." Panimula niya. Napatingin ako ng diretso sa dalawang mata niya. Seryosong-seryoso.
"W-what is it?"
"Arte ba 'tong ginagawa.. Natin?" Mahina 'yung huling sinabi niya.
"Ano uli iyon?" Tanong ko.
"Arte pa ba ang ginagawa mo?" I was stunned.
--*
MISE P.O.V
"Arte pa ba 'tong ginagawa.. Natin?" Mahina yung huli kong sinabi.
Sana hindi niya narinig.. Sana.. Sana.. San-
"Ano nga uli iyon?" Tanong niya. Yes!
Napaiwas ako ng tingin. "Arte pa ba ang ginagawa mo?"
Siya naman itong napaiwas ng tingin. "Tss." -__-
May dinukot siya sa bulsa niya at saka inabot sa akin. Napakunot ang noo ko "Ano 'yan?" Saka ko kinuha sa kamay niya.
"Kaya nga inabot ko sayo para basahin mo at makita ang laman 'di ba? Tss." Sungit! Amp! -_-
"Cai's birthday?" Bigkas ko ng malakas sa nabasa ko. Napatingin ako agad sakanya. "Birthday ng kapatid ko bukas. Inaasahan ka nun na pupunta," Diretsong saad niya.
Binalik ko ang tingin sa invitation. "Oh sige.."
--*
Naglalakad ako sa hallway ng salubungin ako ni Josh. Yung barkada ni mokong. "Follow me." Ma-awtoridad nitong utos. Nakakatakot talaga siya.
Siya lang yung tipo na tao na emotionless. Isang word minsan ang lumalabas sa bibig niya. Sa tatlong magbabarkada na sina Josh, Dwight Calvin, Kyle Nhaijer. Si Josh, ang pinaka-mysterious sa lahat.
Sinundan ko siya hanggang sa mapahinto kami sa isang bakanteng room. Madalang lang ang tao na napapadaan dito.
Pumasok siya sa room kaya sinundan ko siya. Nakakatakot talaga siya. Nakapako lang ang paningin ko sakanya.
"Leave.Kyle.Alone." Ma-awtoridad niyang utos. Hindi ako makagalaw at makasalita. Tila ba'y may nakabara sa lalamunan ko ng i-utos niya iyon.
--*
A/N: Yes! :D Wahaha! Next chapter, i-re-reveal ko kung sino si XMFV, huh? :D Salamat! :*
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy Meets Ms.Sungit
RandomSa pag-ibig, hindi mahalaga ang estado ng buhay na meron ka because when love hits you, handa kang isugal ang lahat. Paano iikot ang mundo ng dalawa kung hate na hate nila ang isa't-isa? ©Generose_lago