Kabanata:1

83 12 13
                                    

Kwentas

Kinabukasan ay nagising ako sa boses ng manok.

Pagkagising ko ay bumungad sakin ang isang kwarto na hindi ko familliar.

Nakasoot ako ng bagong damit at nkahiga sa puting kama. Wait.Where am i?? Bakit ako nandito?Sino ang nagdala sakin dito?

Maraming bumabarang tanong sa utak ko na hindi ko alam ang tanging sagot.

Tumayo ako at dinama ang simoy ng hangin.Tinabi ko ang kurtina at binuksan ang bintana.

Naaninag ko agad ang isang matandang babae na nagpapakain ng manok.Siya ba ang nagdala sakin dito? Sinirado ko ang pintuan at agad pumunta sa matanda.

Pagkalabas ko ay namangha ako sa ganda ng paligid.Pinalibotan ito ng mga gulay at bulaklak.Fresh air is wrapped all over my nose.Shit.Grabe ang bango ng simoy ng hangin.

Napansin siguro ni manang ang yabag ko kaya siya lumingon sakin.Agad akong ngumiti nito.

"Magandang umaga po"Sabi ko sabay yuko.

"hija.Naku gising kana pala.Okay ka lang ba?"tanong ni manang sa nag alalang tono.

"medyo po.Paano po pala ako nkapunta dito manang?"curious kong tanong.

"naku mamaya muna natin yan pag usapan.Kumain muna tayo.Alam kong gutom kana"

Maligayang sabi ni manang.Tumango na lng ako at sumunod kay manang.

Tama lng ang laki ng bahay ni manang.Napaligiran Ito ng mga kahoy.

Tinulungan ko si manang sa paghain ng pagkain.Ayaw niyang magpatulong pero mapilit akong tao kaya hinayaan nya ako.

Kahit hindi ko pa masyadong kilala si manang ay alam kung mabait siya.Lagi syang ngumingiti na syang nag pagaan ng loob ko.

"halikana hija kumain na tayo"Tinapik niya ang upuan kaya agad akong pumunta don at umupo.

"ako nga pala si Rosa"saad niya habang naghain ng kanin para sa knyang pinggan.

"anong pangalan mo hija?"

"Yuri  Alicia Curry po" alinlangan kong sagot medyo nahihiya parin ako sa sitwasyon ko.

Tumango si manang at ngumiti na lng ako.Hindi na nagsalita si manang kaya tahimik kami.

Naiilang pa akong kumain dahil sa katahimikan na bumalot samin.God..I want to know everything why im here.Kahit isang katiting ay wala akong naalala.Kailangan kung tanungin si manang.

"Paano po pala ako nkapunta dito manang?" Gusto ko lng talagang malaman thats all.

Ikinuwento nya sakin ang lahat.Malakas ang ulan kagabi kya bumaha.Naabutan lng daw ako ni manang sa labas ng bahay.

Napadpad daw ako habang nkasakay ng bangka  na wala ng malay kaya dinala niya ako sa kanyang bahay.

At dun sumalpak lahat ang ala alang nangyari kagabi.Mabuti na lng at napadpad ako sa mala anghel na ugali.

"maraming salamat po talaga manang"Paulit ulit kong sinabi at niyakap ko sya.Laking pasalamat ko talaga sa kanya kung hindi dahil sa kanya ay nawalan na ako ng buhay.

Hindi ko alam na kahit ilang pagsubok na ang naranasan ko ay nandito parin ako buhay at humihinga pa.

Tama nga sila.If you have trust and have faith in god all is possible to have a good life.

Never lost hope and always remember that god is with us.

"Naku walang anuman."Sambit ni manang at bahagya niyang ginulo ang aking buhok.Ngumiti ako at tumango.

"mag isa lng po ba kayo manang"tanong ko.Tahimik ang buong bahay kaya agad kong tinanong ito.

Asan yung asawa niya?apo?kamag anak??

"Nako patay na ang asawa ko" Nakita kung biglang lumungkot ang mata ni manang pero ngumiti lng sya.Alam kong pinilit nya lng ngumiti.

Nalungkot din ako para sa kanya.Sana hindi nalang ako nagtanong.Parang pinaalala ko lng sya sa nkaraan.

"sorry po"yumuko ako at agad nag apologized sa tanong ko.Mukhang na offend ko yata si manang.

"Ikaw talagang bata ka.Naku ayos lang.Nagsorry ka pa."sabi ni manang at ginulo ulit ang buhok ko.Ngumiti na lng akoh.

"May apo ako hija..Siguro uuwi yun dito mamaya"

"Ganun po ba"tumango nlng ako.

Ilang sandali ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sa min ang isang lalaki medyo magulo yung buhok siguro nagmamadali Ito. hinihingal pa kasi eh.Mukhang magkasing edad lng kami.Agad siyang lumapit samin at nagmano ky manang.

"magandang umaga nay"bati nito at sinulyapan ako tila nagtataka kung sino ako.Agad niyang nilapag ang bag at bumuntung hinga ng malalim.

"Nga pala hija.Si Kite ang apo ko"pakilala ni manang.

"apo..ito nga pala si Yuri alicia curry."ngumiti ako sa kanya at tumango nmn sya.

Nang gumabi na ay napagpasyahan naming  matulog na.Pagbagsak ko sa malambot na kama ay nkahinga ako ng maluwag.Magkatabi lng kami ni manang.Tulog na sila.

Alas dyes na at hindi parin ako nkatulog.Hindi ko alam kung bakit.Parang may bumagabag sa utak ko na dapat kong aalahanin.Kanina ko pa yun inisip ngunit hindi ko makuha.

Hindi ako mapakali parang hindi ako patulugin pag hindi ko maalala.

At dun sumagi sa utak ang lalaki.Ang lalaking nagligtas sakin ng muntik akong malunod.

Kumirot ang aking puso habang inisip yun.Ayos lng kaya siya?Saan kaya siya napadpad?Ba't hindi kami magkasama.?

Yan ang mga tanong na nkapaglungkot sakin.Sana ay ayos lng sya.Lumandas ang luha saking pisngi.Dahil sa kanya ay buhay pa ako.Agad kung pinunasan ang aking pisngi at suminghot.

Naramdamn kung gumalaw ang kama kaya lumingon ako.

"Ayos ka lng hija?"  Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil mukhang naistorbo ko yata ang pagtulog ni manang.

"sorry po talaga.Nagising ko kayo."

"may problema ba?"Tanong ni manang at agad hinawakan ang kamay ko.

Umiling lamang ako at lumandas ulit ang luha saking pisngi.

"May problema ka.Anu yun hija?"Sabi ni manang sa nag alalang tono.

Hindi na ako nag pa tumpit tumpit pa.Kailangan kung malaman.Nagbabasakaling alam niya.

"Manang.May kasama ako nung nkasakay ako sa bangka.Lalaki siya.Siya yung nagligtas sakin nung muntik na akong malunod.

Nagbabasakali po akong nkita nyo sya.Nag alala ako para sa kanya."sabi ko at agad pinunasan ang pisngi.

Malungkot akong hinarap ni manang at tinapik ng marahan ang likod ko.

"Pasensya kana hija.Hindi ko siya nadatnan.Ikaw lng yung nkita ko."tumango na lng ako.

Tumayo si manang at agad tinahak ang closet.May kinuha siya dun at bumalik patungo sakin.

"Nga pala.Nkalimutan kong ibigay sayo" Kumunot ang noo ko ng inilahad sa akin ang isang kwentas na hindi ko familliar.Kulay gold..Kumikinang ito na sadyang sumisigaw na mamahalin.Sa gitna nito ay may inukit na ibang lenggwahe ang ginamit.Hindi to sakin.

"manang hindi to sakin"Kinuha ko ang kwentas at umiling iling.

"Nakita ko yan na nkasabit sa damit mo.Akala ko sayo yan"sabi ni manang na nalilito.

Isa lng ang naisip ko.Alam kong sino ang may ari nito.Ang lalaki.Ang lalaking sumagip sakin ng muntik akong malunod.






Love In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon