Picture frame
Pinatunog ko ang doorbell kaya agad itong bumukas.Bumungad sakin ang isang katulong na hindi ko kilala.
Nakataas ang kilay nito. bahagya niyang tinadyak tadyak ang kabilang paa at nkapameywang pa.
Kumain ito ng bubble gum pero tinapon din ito sa sahig.
"Anong satin?"sabi nito at tinaasan ako ng kilay.Kahit hindi pa ako nakapasok ay parang gusto ko ng magback out.Halos lalabas na yung aso sa kanyang ilong.Katakot diba?
"ano po..ah..Ako po yung bagong katulong.Im Yuri alicia curry po"nauutal kong sabi.
"Pasok"Sabi nito at sumunod ako sa kanya.
"Sana magtagal ka dito"Sabi niya kaya agad akong kinabahan.Bumuntong hinga ako ng malalim at sumunod lng sa kanya.
Nasaan ba si manang loyda?
Pagkapasok namin sa mansyon ay napamangha ako sa ganda ng loob. bumungad sakin ang npakalaking chandelier.Makintab na sahig na pwede kanang magsasalamin.Makukulay at malaking kurtina.Maraming mga flower vase na nagsisigawang mamahalin ito.Halos lahat ng gamit ay masyadong mamahalin kaysa sakin.
"Maam siya po yung bagong katulong"Sabi niya at yumuko.Yumuko din ako bilang pagrespeto.
Maganda si maam.Mukhang nasa mid s 40 ito.Nkasuot ito ng cashy dress kulay pink ,satyana na sandal na mukhang 2 inches at iba bang accessories na nag sisigaw na mamahalin ito.
"Magandang umaga po maam.Im yuri alicia curry po just call me alicia for short"Sabi ko at ngumiti."
Tumango siya at ngumiti sa akin.
"You must be the banana cue girl.Right?Alam mo bang gusto ng anak ko ang tinda mo"Tumango tango siya.
"Thankyou po"
"Well.Nice to meet you alicia.By the way im Angeline Colson."
"Nice to meet you din po maam"
"So manang gloria assign her kung anong task niya everyday.Aalis na ako"sabi ni maam at nginitian ako ulit.
Bumuntong hinga ako at napaharap kay manang gloria.Nkataas na nmn ang knyang kilay.What the hell is her problem.?Can she just treat me good.?
Lumakad siya kaya sumunod ako nito.
"Kung gusto mong malamn kung sino ako.Well ako si Gloria Auring ang mayor doma dito.So kailangan you should treat me like im your boss,gets mo?"Napanganga ako sa dami ng katulong.Isa sa kanila ay may ginawa.Nang nmataan nila kami ay agad silang yumuko bilang pag respeto.Ganun ba ka bossy si maam gloria dito?? Naku.May iba ay tinitigan ako na parang tinatanong kong sino ako.
"Opo maam"
"Good.So ang gagawin mo ay maglilinis ng kwarto ni sir,maglalaba ng kanyang damit at mag ayos ayos dito sa bahay thats all.I don't like a weak lazy girl so You should do your works well good or else your fire.Alam mo bang malilintikan ako ni maam pag may mali kayong nagawa."Sabi niya sa malamig na tono.
"I will"Sabi ko at tumango.
"So this is your room"Sabi niya at agad binuksan ang pintuan nito.
Maliit lng ang kwarto.A little bed that enough for a one person. May maliit ding cabinet sa gilid at isang electric fan.
Agad akong pumasok nito at inilapag ang bag.Umupo ako sa kama at bumuntong hinga.
"So this is your uniform.You should always wear this during work"Aniya at inilapag ito sa maliit na table.
"Thankyou"
"Pagkatapos mong mag ayos diyan ay linisin mo ang kwarto ni sir.Dont forget to wear ur uniform.Baka pagkamalan kang magnanakaw"Aniya at umalis.
Agad kong inayos ang mga damit ko sa cabinet.Tinitigan kung muli ang secret box ko na ang laman nito ay ang Kwentas sa lalaking nagliligtas sakin.Pagkatapos ay inilagay ko ito sa ilalim ng cabinet.
Sinuot ko ang uniform na binigay ni manang gloria at nag ayos ng kunti sa aking buhok.
Lumabas ako at agad nagtanong sa mga ibang katulong kung saan ang kwarto ni sir.Sinabi nmn nila agad kaya agad akong pumunta nito.
Kinabahan ako at bumuntong hinga ng malalim. I can do this.Kumatok ako pero walang nagsalita.Kumatok akong muli pero wala parin kaya dahan dahan kung tinulak ang pintuan nito.
Napanganga ako sa kalat ng kwarto
Luminga linga ako sandali baka may tao pero npakatahimik ng paligid kaya pinulot ko nalang ang mga kalat nito.
May damit na nagkalat sa sahig at sa kama.May chichirya din sa coffee table nito.May mga papel na nagkakalat sa study table.Umiling iling nlng ako sa kawalan.Malaki ang kwarto nito.Maraming gamit na sadyang mapamangha ka.Isang king bed size.Flatscreen na tv.Maliit na study table at coffee table.Malalaking kurtina kulay puti ,may banyo at iba pa.
Nakuha ko ang atensyon ang isang picture frame na nkapatong sa table.Isang lalaki na umaakbay sa isang babae.May guhit na ngiti sa kanilang labi.Parang ang saya saya nila sa araw na ito.So siya pala si sir.Hindi ko alam kong sino yung babae.Maybe his girlfriend?? Hindi ko alam.
Kinuha ko ang picture frame at pinunasan ito.Tapos na akong nagligpit sa kalat.Inayusan ko narin ang beddings ng kama.Ang ginawa ko nalang ay nagpupunas ng picture frame.
Nagulat ako ng may biglang bumakas sa pinto na siyang dahilan ng pagkataranta ko at nadulas ng kamay ko ang picture frame at tuluyang nahulog ito sa sahig.Nabasag ang frame nito kaya nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa baba.Oh my god.
"What the hell are you doing here"Sigaw nito sa malamig na tono. kita ko ang galit sa kanyang mata.Agad siyang lumapit sa nabasag na picture at napamura ito.Nanginginig ako sa takot at kinabahan.
"Sorry sir.I did not mean to ruin your things..Its accident.."sabi ko sa nauutal at nanginginig na boses.
"Really??Accident?What a damn excuse"Sigaw nito.
"Im sorry si--"
"Get out of my room"Sigaw niya sabay turo sa pintuan.Nanginginig na ang kamay ko.
"Im sorry sir..Let me clean this first sir-----"sabi ko at akmang linisin ang nabasag na frame pero tinakwil niya ang kamay ko.
"I Said GET OUT"Mariin niyang sinabi kaya tumango ako at agad umalis sa kanyang kwarto.Agad kong sinirado ang pintuan.
Nanghihina ako kaya napasandal ako sa pintuan at dun tumulo ang luhang kanina ko pa pinigilan.Kahit sanay na akong pag sigawan ng aunte ko ay nasasaktan parin ako.
Pinunasan ko ang aking pisngi bka may mkpansin sakin.Alicia kaya mo to.
"Alicia??"Sabi nito sa likuran kaya humarap ako.Ngumiti ako at agad siyang niyakap.
"Manang loyda"Marahan kong sinabi.Akala ko wala na akong masasandalan.
"alicia..Ayos ka lang?"sabi niya sa nag aalalang tono.
"Opo..Akala ko kasi wala kana dito.Kaya nag alala ako" ayaw kong sabihin sa kanyang pinagalitan ako ni sir.
"Ikaw talaga"
Ngumiti ako at sumunod kay manang.At least may kakampi ako at may masasandalan ako.Mabait si manang kaya masaya ako.
.Hindi ko na lng inisip ang nang yari kanina pero may parte sa aking kumirot ang aking puso kaya nalulungkot din ako.