Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung
magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari.
Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot
lang, paulit-ulit. Walang saysay. Pwera na lang noong makilala ko siya.
SBC Publishing.
Available for pre-order
Available na po for pre-order sa halagang P250 lang! 112 pages,cream paper. plus shipping fee.
For more details, please PM SBC or Mr Emmanuel Priel (E.M.Priel)
Pumatak ng 10:20 AM ang relong pinapanood ko sa hallway ng eskwelahan. Naghintay ako ng limang minuto, nakatayo at nakatitig. Limang minuto din ulit ang aking gugugulin sa pag-akyat pa lamang at muli akong uupo sa pangalawang upuan malapit sa pintuan ng classroom. Ugali ko nang maglagay ng bag sa katabi kong upuan hindi dahil sa ayokong may umupo doon pero dahil narin siguro sa ayokong kung saan-saan lang inilalagay ang bag ko.
Second day of classes sa nilipatan kong eskwelahan. Ang una kong reaksyon, boring at hinihiling na sana magkaroon man lang ng bagong kaibigan, kahit isa lang. Pumasok ang prof sabay bati ng 'goodmorning'. Nakibati narin ako kasabay ng iba, "Are there any transferee students here?" tanong ng prof. Ang inakala kong mahigit sa sampung taong magtataas ng kamay, dalawa lang pala. Ako at ang isang mukang bigtime na estudyante sa may gilid na upuan mula sa aking harapan.
Naka i-pod pa habang feel na feel ang corporate na jacket niya. "Pare transferee karin pala?...wala kasing prof kahapon eh noh?" sagot niya sabay abot ng kamay na akmang makikipag-shakehands. Pinanood ko lang ang kamay niya habang nakalutang sa ere. Sa hiya ay ibinalik niya na lamang ang kanyang kamay at humarap sa prof.
Breaktime nanaman. Katulad ng ginawa ko kahapon, mag-isa lang akong kumain ng chicken curry sa canteen. Solo ko ang lamesa at wala ding nagtangkang makisabay at umupo. Babatiin ng ilang taong nakakakilala sa akin at sasabihing kaklase nila ako sa ganoon at ganyang subjects kahit hindi ko naman sila kilala. Ilang minuto ang makakalipas at makakarinig nanaman ako ng mga 'hi' at 'hello' sabay kaway. Muli akong mapapaisip at magtatanong. "Kilala ko ba yun?"
Dalawang subjects pa ang nakalipas, vacant time nanaman. Mahigit isang oras akong magmumuni-muni sa grounds ng school, magbabasa ng mga hindi nabasang text messages na paulit-ulit lang din naman ang laman. Uupo sa bench at manonood ng mga tao habang nag-iisip na sana isang araw may kasama man lang akong umupo at mag-relax sa lugar na'toh.
Natapos ang huling klase, boring. Bago ako tuluyang lumabas ng eskwelahan ay pupunta muli ako sa hallway para tingnan ang oras sabay lakad papalayo. Sasakay ako ng jeep at ngingitian akong muli ng mga taong hindi ko naman kilala.
Pangatlong araw ng klase, ganun parin. Titigil ako sa hallway para makita ang oras na 10:20. Limang minuto kaming magtititigan ng relo. Limang minuto ding gagapangin ang hagdan para makarating sa 4th floor. Muling papasok sa magulong classroom, uupo sa upuan malapit sa pinto at ilalagay ang bag sa katabing upuan.
Saka papasok ang prof, "Goodmorning" sani niya. "Goodmorning sir", sagot naman ng lahat. Sabay babati ang kaklaseng hindi mo malaman kung anong trip sa buhay, "Morning pare..." sabi niya. "Morning din...", sagot ko. Nung mga panahon na yun tamad na tamad ako. Pakiramdam ko inulit ko nanaman yung ginawa ko kahapon, at nung isang araw. Walang bago.
Breaktime, kakain ulit ako mag-isa at ang ulam, chicken curry. Ngingitian nanaman ako ng mga kaklase kong hindi ko kilala, makakarinig ng 'hi' at 'hello' at sabay kaway. Makikinig ng lectures sa dalawang magkasunod na subjects at pagkatapos ay vacant time nanaman.
BINABASA MO ANG
Patunayan
RomanceNoon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Wa...