(Hay Naku...)

681 48 13
                                    

            Kinabukasan ay pumasok ako, mabigat ang pakiramdam pero nakangiti pa rin. Naalala ko kasi yung mga pinagsasabi ni Camillle kay mama kagabi. Pag naaalala ko ay natatawa ako at iniisip kong kulitan na naman ang kahahantungan ng mga usapan namin. Nagmadali ako sa pag-akyat at pumasok sa room.

"Bakit absent ka kahapon?" tanong ng isang kaklase.

"Ah...wala...tinamad lang, wala naman kasing gagawin eh," sagot ko. Maya-maya pa ay may iniabot siya sa akin, ang notebook ni Camille.

"Bakit nasa 'yo toh?"

"Sabi niya ibigay ko daw sayo pag pumasok ka..." sagot niya.

"Ha? Eh papasok pa naman siya diba?"

"Malay ko, sinundo siya ng boyfriend niya kahapon eh. Ang yaman pala ng boyfriend no'n 'no? May auto...gulat kami kasi akala namin kayo na ni Camille, uupakan nga sana namin eh kaso ang dami nila..." Natahimik lamang ako habang nakikinig sa mga kwento ng kaklase ko.

"Tangek tahimik si Camille kahapon, walang kasama. Wala ka kasi eh. Natatakot naman kaming lumapit, ikaw lang yata nakakapagpaamo do'n..." dagdag pa nito at pagkatapos ay tumawa ang buong klase.

"Quiet!"

Dumating ang aming prof, medyo nakatulala pa ako noon habang umuupo. Agad kong tinext si Camille at tinanong kung papasok ba siya. Nasa kalagitnaan na ng pagle-lecture ang aming prof pero wala pa rin siyang reply. Binuklat ko ang notebook niya, baka sakaling may kasagutan doon sa misteryong iniwan na naman niya. Walang nagbago, ganoon pa rin ang mga nakasulat. Hindi ko nakita ang sagot doon kung bakit hindi siya pumasok. Umuwi na naman ako ng mag-isa noong araw na 'yon. Ilang beses ko siyang tinext pero ilang beses niya ding ini-snob ang mga text ko. Pagkauwi ko ay agad akong nagtanong kay mama kung may tumawag ba.

"Wala eh...hindi pa tumatawag yung girlfriend mo...hinihintay ko nga eh..." napasimangot lang ako.

"Hindi ko girlfriend 'yon...hindi kasi siya pumasok kanina eh..."

"Oh bakit nag-away ba kayo? Hindi pagkakaintindihan? Baka nagtatampo lang 'yon, ganun talaga kaming mga babae, suyuin mo kasi."

"Hindi ko nga siya girlfriend!"

"Aba eh bakit siya mismo ang nagsabi? Baka naman gusto ka niya kaya gano'n..."

Sa inis ay pumasok na lamang ako ng aking kwarto pero paano kaya kung ganoon nga? Paano kaya kung gusto niya din ako? Imposible pa rin eh. Ang labo talaga. Isa pa may boyfriend naman siya.

Umasa akong papasok siya kinabukasan, bago 'yon ay nagtext muna ako sa kanya na papasok ako. Tinanong ko rin kung nasaan ba siya. Pumasok ako ng room, naghintay ako ng text pero wala pa rin. Dumating ang prof, naglecture. Wala pa rin. Nagpa-graded recitation, nagreview ako ng konti. Maya't-maya kong tinitingnan ang celphone ko kung may nagtext ba. Wala talaga, siguro hindi na siya papasok. Nag-aalala lang naman ako. Tinawag na ang pangalan ng katabi ko, by sitting arrangement kasi ang recitation ngayon. Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng celphone ko. Isang message mula kay Camille, sa wakas at nagparamdam din siya. Agad ko iyong binasa.

'Froylan..tulungan mo ako..na'ndito ako sa bilyaran sa labas ng school.'

Nung mabasa ko iyon ay tinawag naman ang pangalan ko para mag-recite. Nakatuon pa rin ang pansin ko sa text na iyon, medyo iba kasi ang style ng text na iyon. Hindi niya din naman ako tinatawag na Froylan.

"Hey...are you with us Roy?" tanong ng aming prof.

"Y-yes sir...uhh...can you repeat the question sir?"

PatunayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon