Ilang minuto pa ang lumipas dahil sa pagmumukmok, naramdaman kong may humawak sa aking kamay. Pamilyar ang lambot ng mga kamay na iyon at para bang nabuhayan ako ng loob. Kinapitan niya ang kanang kamay ko, bitbit ko din doon ang sulat. Humarap ako at nakita ko ang mukha ni Camille, nakangiti habang umiiyak. Agad niya akong niyakap. Pakiramdam ko ay kuntento na ako. Siya nga talaga ang kailangan ko. Tiningnan ko ulit ang mukha niya, parang imposible kasi na siya ang kayakap ko ngayon dahil nakita kong umalis ang eroplanong dapat ay lulan niya. Pero hindi ako nagkamali, si Camille nga talaga iyon. Isang mainit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.
"Nagpaiwan ako eh..." sabi niya.
"...tinry ko kung susunod ka talaga dito...sumunod ka naman, uto-uto!" dagdag pa niya habang lumuluha ng nakangiti. Wala naman akong masabi, hindi ko masabi sa kanya kung gaano ako kasaya nang mga oras na iyon habang kayakap siya. Mangilan-ngilang tao naman ang pumaligid sa amin pumapalakpak at nagsisigawan. Pati ang guard na sinubukang humabol sa akin ay napatigil na lang.
-Pack Up-
BINABASA MO ANG
Patunayan
RomanceNoon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Wa...