Bago umuwi ay umupo muna kami ni Camille sa bench ng hallway. Tinitigan namin ang orasan na parang may hinihintay. Ang saya ko talaga noong araw na 'yon. Parang panaginip at ayaw ko nang maistorbo sa pagtulog. Katabi ko siya at nakasandal ang ulo niya sa aking balikat. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan naming magtagal sa hallway na iyon.
"Camille may problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman, bakit?"
"Eh kasi 30 minutes na tayong na'ndito, ayaw mo pa bang umuwi?"
"Ayoko pa eh, gusto pa kaya kitang kasama..." sagot niya.
"Eh may bukas pa naman eh, pwede naman kitang tawagan mamaya..." Natahimik siya sandali, pagkatapos ay nagtanong.
"Paano kung wala na ako bukas?..."
"Ha?" Napatigil ako at tumingin sa kanya.
"Wala, haha...maka-react ka naman..."
"Bakit nga?" tanong ko.
"Joke lang 'yon, tina-try ko lang kung mamimiss mo 'ko."
"Alam mo naman ang sagot diyan eh..." sabi ko. Natahimik ulit kami.
"Pa'no 'yan pag wala ako sa tabi mo? Tatanga-tanga ka pa naman." Napangiti na lamang ako at tumayo.
"Sira ka talaga, halika na nga. Uwi na tayo. Nagdidiliryo ka na diyan eh." Tumayo naman siya agad, lumabas kami ng gate para sumakay ng jeep. Pansin ko na naging tahimik na siya noong hapong iyon. Parang ang dami na niyang iniisip. Kahit sa pagsakay namin ng jeep, kahit magkatabi na kami ay tahimik pa rin siya.
"Ok ka lang diyan?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman bakit?"
"Wala lang, ayan na nga ba sinasabi ko..." sagot ko.
"Ano?"
"Naiilang ka na eh..." sabi ko.
"Ano ka ba, it's not about us...'wag kang mag-alala." Sumandal muli siya sa akin.
Nakauwi naman kami ng maayos. Pagkauwi ko ng bahay ay nabasa ko ang text niya, nakauwi na daw siya.
"Ganda ng ngiti mo ah..." Napansin ako ni mama habang nagbabasa ng text. Tiningnan ko lang siya at pumasok sa kwarto.
Pagkatapos kong kumain ay agad ko siyang tinext.
'Kumain ka na ba? Para mahimasmasan ka na...kung ano-ano na kasing sinasabi mo kanina...' agad din naman siyang nagreply.
'Kumain na ako 'no!,.adik,.nasa katinuan pa ako,.haha,.'
'Talaga lang ah...hmm...gala naman tayo ulit...' yaya ko sa kanya.
'Sige,.bukas ano?' sagot niya.
'May pasok bukas...sabado na lang kaya?'
'Gusto ko bukas na,.' reply niya.
'Madami pa naman tayong oras eh...bakit ka nagmamadali?...'
'Ikaw nagyayaya tapos aangal ka,.haha' sagot niya.
'Hmm...e 'di bukas sige...' Ilang minuto ang nakaraan bago siya ulit magreply.
'Roy,.may sasabihin ako,.' Agad kong naisip ang mga sinabi niya kanina bago kami umuwi kaya tinanong ko siya.
'Ayan ka na naman...tungkol ba yan kanina?'
'Medyo,.nevermind,.haha,.basta bukas ah,.' reply nya.
'Ano nga 'yon?' tanong ko sa kanya pero hindi na ako nakatanggap ng text. Nakatulog na lang ako sa kahihintay.
'Good morning Cams...breakfast ka na...see you...' text ko sa kanya pagkagising ko. Agad akong nagbihis, nag-almusal at nag-ayos para sa pagpasok. Tiningnan ko ang celphone ko pero wala siyang text. Nakarating ako ng school, nakita kong wala ang relo sa hallway. Napakamot ng ulo at bahagyang nagtaka. Umakyat ako ng hagdan at pumasok sa room. Pagbukas ko sa pintuan ng room ay nakita kong nagtuturo na ang aming propesor. Wala pa rin si Camille doon, hindi na talaga siya nagtanda. Ang dami na nga niyang absent at late ginawa pa rin niya.
"Good morning sir..." bati ko sa prof at pagkatapos ay umupo. Napansin ko naman ang isa kong kaklase na tinuturo ang upuan ni Camille, parang malungkot ang mukha niya, nagtaka naman ako sa inaasta nilang lahat. tiningnan ko ang upuan ni Camille, sa ilalim ay nakita ko ang notebook niya. Akala ko inuwi niya iyon kahapon. Kinuha ko iyon at ipinatong sa aking armchair.
"Iniwan yan ni Camille kanina...sabi niya ibigay daw namin sa 'yo..."
Nauna na pala siyang pumasok pero bakit iniwan niya lang ang notebook niya? At bakit hindi siya pumasok?
Binuklat ko ang notebook niya, may sulat na nalaglag mula doon. Nakalagay pa sa itim na sobre, binuksan ko iyon at doon ay nakita ko ang isang sulat na may talulot pa ng puting rosas.
Froylan,
I don't know where to start, I'm so happy being with you. Gusto kong malaman mo na mahalaga ka sa akin, alam kong mahal mo ako at ganoon din naman ang nararamdaman ko sa 'yo. Ang gusto ko, ingatan mo 'yang sarili mo. Try mo namang makipag-interact sa iba. Gusto kong magkaroon ka ng maraming-maraming kaibigan. Mag-iingat ka palagi. Wag ka nang tatanga-tanga at torpe ah? Think positive and be happy. Sorry kung nadamay ka sa problema ko. Sa totoo lang masayang-masaya ako that day na pinuntahan mo ako sa bar at iniligtas ako. Hindi ko makakalimutan yon.
I'll be flying to L.A. at 11:30 here in NAIA 3. My mom wants to see my dad at gusto niyang doon na kami tumira. Ayoko na rin namang suwayin pa sila. I'm sorry Roy. I should leave, goodbye.
With Love,
Camille
Parang gumuho ang mundo ko nang mabasa ko iyon. Mangilid-ngilid na luha ang nakita ng mga kaklase ko. Tinitingnan lamang nila ako at parang alam nila kung ano ang aking pakiramdam ng mga oras na iyon. Dali-dali kong tiningnan ang aking celphone upang malaman ang oras, 10:35. Agad kong pinasok sa aking bag ang notebook ni Camille, tumayo at tumakbo palabas ng room bitbit ang kanyang sulat.
"Roy saan ka na naman pupunta ha?! Get back here!" sigaw ng aming prof habang ako'y tumatakbo sa hallway.
Tumakbo ako palabas ng school, hindi ko ramdam ang pagod ng mga sandaling iyon. Ang gusto ko lamang ay makita si Camille kahit sa huling sandali. Lumabas ako ng gate at sinubukang maghanap ng taxi. Pinalad akong makakita ng isa ngunit may kaagaw pa yata at nalintikan pang maunahan. Nakakita ulit ako ng isa pero ang kaagaw ko ay nagmamadali na rin. Pinalad akong makasakay sa pangatlong taxi na pinarahan ko.
"Boss sa NAIA 3 po pakibilis lang..." sabi ko sa driver. Wala akong pakialam kahit ikutin ko pa ang buong NAIA ay gagawin ko makita ko lang siya. Unti-unti namang nagbabalik ang mga alaala niya sa akin simula nang makilala ko siya hanggang sa mga pangyayari kahapon. Ayokong matapos lang ang lahat sa ganito. Paulit-ulit ko ring binabasa ang sulat niya sa akin. Ayoko talagang mawala siya. Sana lang ay mabigyan pa ako ng pagkakataon para masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Napansin ko ang pagbagal ng takbo ng taxi dahil sa dami ng sasakyang dumadaan.
"Boss pakibilis na lang, paki-overtake na lang po kasi may hinahabol ako...baka hindi ko maabutam..." sabi ko sa driver.
Agad naman niyang hinarurot ang sasakyan. Patuloy naman ako sa pagtingin sa oras sa aking celphone kahit hindi ko alam kung tama nga ba ang oras na iyon. May ilang minuto pa bago mag-11:30. Maya't-maya ang tanong ko sa driver kung malapit na ba kami.
"Malapit na po kaso baka maipit tayo sa traffic papasok doon," sabi niya. Sinubukan kong tawagan si Camille pero nakapatay na ang phone niya.
BINABASA MO ANG
Patunayan
RomanceNoon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Wa...