Sabado nga pala bukas, wala akong pasok. Dalawang araw pa ulit ang hihintayin ko bago magkaroon ng klase. Kahit papaano nagkaroon ako ng dahilan para pumasok, biglang nagbago lahat, dahil lang sa weirdong babaeng yon. At sa totoo lang, gusto ko siyang singilin.
Lunes ng umaga, nagmadali akong pumasok. Hindi ko na tiningnan ang oras sa hallway. Agad akong umakyat sa aming classroom at inilagay ang bag ko sa gilid ng upuan. Maingay ulit ang klase; may mga nagkukwentuhan, kantahan, nagpapatugtog ng mp3 sa cellphone at mga nag-aasaran. Maya-maya pa ay dumating nadin si Camille. Natahimik ang buong klase.
"Parang may dumaan na anghel ah..." sabi ng kaklase naming transferee din.
"Literal na anghel tol..." dagdag naman ng isa.
Nagtawanan ang buong klase pero hindi naman ito pinansin ni Camille. Umupo lamang siya saking tabi at muling naglabas ng notebook at nag-lettering. Gusto ko sana siyang tanungin kung nagbayad ba siya ng pamasahe sa jeep nung biyernes pero nahiya ako. Pinanood ko na lamang siyang mag-lettering ng buo niyang pangalan sa kanyang notebook hanggang sa dumating ang prof.
"Okay class, today we will be having our graded recitation," anunsyo ng aming propesor na ikinadismaya naman ng buong klase.
Agad kong binuklat ang aking notebook para mag-review. Bagamat kaunti ang naisulat ni Camille sa kanyang notebook dahil na rin sa pagiging absent ng apat na araw, nag-review pa rin siya.
"Okay Mr. Santiago stand up..." biglang tumayo ang isa kong kaklase habang nagkakamot ng ulo.
"What is the object that will increase the drive by satisfying the need?!" tanong ng aming propesor. Patuloy lamang na nagkamot ng ulo ang aming kaklase.
"Sit down...ikaw Mr. Villanueva answer my question!" Hindi parin ito nasagot.
Ilang mga kaklase pa ang tinawag pero wala pa ring nakasagot hanggang sa tawagin ang pangalan ko:
"Incentive or goal sir..."
"Good...sit down, ikaw naman Ms. Reyes..."
Nagpatuloy ang graded recitation, napansin kong unti-unting nag-iinit ang ulo ng aming propesor dahil na rin sa mga tanong na hindi masagot ng mga estudyante niya.
"Ano ba yan? Iilan lang ang mga nakakasagot ah...ibabagsak ko kayo." Napuno ng tensyon ang classroom.
"Ms. Vera!.."
Kitang kita ko ang pagkagulat ni Camille nang tawagin ang pangalan niya.
"Define emotion!" pabulyaw na tanong ng aming prof.
Napatayo lamang si Camille, kinakabahan, nanginginig ang mga kamay at namumutla. Sinubukan kong kunin ang kanyang notebook pero nakita kong wala ang sagot doon.
"Can you repeat the question sir..." kabadong tanong niya.
"I said define emotion..."
Sa pagkakataong iyon, binuklat ko na ang aking notebook para ipakita ang sagot. Nilapag ko ang notebook sa kanyang desk.
"Sir, it is the affective state involving a high level of activation, visceral changes and strong feelings.." sagot niya habang pinaglalapat ang kanyang mga daliri.
"Very good Ms. Vera, you may sit down."
Napabuntong hininga lamang si Camille habang umuupo nang biglang:
"Ikaw Froylan! Get ot of my room! Sa susunod na magbibigay ka ng sagot make sure na hindi ko yan makikita ah! Wala kang grade sa 'kin!" Nagulat ang buong klase, napatingin sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Patunayan
RomanceNoon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Wa...