(Paalam...)

605 42 14
                                    

         Malapit na sana kami sa NAIA 3 pero katulad nga ng sinabi ng driver, traffic nga talaga doon.

"Boss dito na lang...takbuhin ko na lang..." Nagbayad ako ng limang daan sa driver at agad bumaba at tumakbo.

"Sandali sir yung sukli nyo!"

Wala na rin akong pakialam kung magkano pa ang sukli ko sa pamasahe. Ang alam ko lang ay nananakbo na ako noon at patawid-tawid sa highway. Muntik pa akong mabangga ng ilang mga sasakyan. Kahit ang traffic enforcer ay hindi ako napigilan. Nakarating ako sa NAIA pero bago ako makapasok ay chineck muna ang aking bag. Dahil nga sa wala naman silang nakitang bomba doon ay pinapasok nila ako kaagad. Muli akong tumakbo at hinanap ang departure area. May mga gwardya pa bago makapasok sa loob. Siguradong hahanapan nila ako ng Ticket, passport at kung ano-ano pa para lang makapasok. Tiningnan ko muna ang listahan na nakasabit sa malaking board kung anong oras ang lipad ng eroplano papuntang L.A., 11:30 nga ang alis nito at ilang minuto na lang ang natitira sa akin para mahanap ko siya. Tumakbo ako at nilundag ko ang di kataasang bakod papasok sa loob. Bahagya namang nagkagulo dahil nakita ako ng mga gwardiya at sinubukan akong habulin. Bawat pila ay inusisa ko, umaasang makikita ko siya doon. Halos buong sulok ng airport ay nilibot ko makita lang siya pero mukhang bigo ako. Sa dami ng tao ay imposible ko na siyang makita. Ilang minuto na lang din ang natitira bago umalis ang eroplano, baka nakasakay na siya at hinihintay na lamang ang pag-alis nito.

Dumating ang oras na sobrang napagod na ako sa kakatakbo at kakahanap. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa isang malinaw na salamin na kita ang labas ng airport. Isang eroplano ang papaalis at ina-announce naman sa buong gusali ang pag-alis ng eroplanong iyon papuntang L.A. Tapos na ang lahat. Bigo ako, hindi ko na siya nahabol. Wala akong ibang naririnig kundi ang announcer at ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang pagod. Tinitigan ko na lang sa malayo ang paglipad ng eroplanong iyon habang ako'y nakatayo, nakahawak sa salamin, bitbit sa kabilang kamay ang sulat ni Camille habang umiiyak ng tahimik. Sana hindi ko na lang siya nakilala, sana hindi na lang siya dumating sa buhay ko kung aalis lang din naman siya. Wala na akong maisip noong mga panahon na iyon kundi kalimutan siya.



-Pack Up-

PatunayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon