Nakangiti akong pumasok kinabukasan, makikita ko na naman si Camille at marami siguro kaming mapagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari kahapon. Hindi man siya nagtext simula kagabi ay okay pa rin sa akin. Malaman ko lang na ligtas siyang nakauwi kagabi ay ayos na.
Bitbit ko ang notebook ni Camille habang nagmamadali sa pag-akyat sa hagdan. Pinagtinginan naman ako ng ilang mga estudyante sa bawat palapag na mapuntahan ko. Nakalimutan kong may mga sugat pa pala ako sa mukha, nakangiti pa rin ako. Medyo late na rin ako sa una kong klase, inasahan kong nandoon si Camille sa kwarto at naghihintay sa akin pero pagbukas ko ng pinto ay wala siya. Pinagtinginan lang ako ng aking mga kaklase at prof. Nawala ang ngiti ko, excited pa naman akong pumasok.
"Sit down Froylan!" bulyaw ng aming prof, napaupo naman ako agad.
"What happened to your face?" tanong niya.
"Nasubsob yata sa inidoro kahapon sir...haha..." sabat naman ng isa kong kaklase at muli na naman silang nagtawanan. Pagkatapos ng ilang diskusyunan at paliwanagan ay pinaupo na ako ng aming prof. Mukhang hindi papasok si Camille dahil na rin siguro sa sugat niya sa paa.
Breaktime, mag-isa lang akong kumain sa canteen at ang ulam? Natural, chicken curry. Paborito eh. Binati naman ako ng ilang mga kakilala, parang first week lang sa school. Ang iba kong mga kaklase ay nag-aaya na makisalo sa mesa nila pero tinanggihan ko. Tinext ko na lang si Camille:
'Hope you had your lunch...' lalagyan ko pa nga sana ng 'Miss you...' pero siguro wag na lang. Katorpehan talaga.
Vacant time, parang katulad lang din ng ginagawa ko noon. Inulit ko lang, ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang makisama sa mga kaklase ko. Kinuha ko na lang ang notebook ni Camille at nag-lettering ng pangalan ko.
Uwian time, mag-isa lang akong umuwi as usual. Sayang at ang ganda pa naman ng hapong iyon. Masarap sanang gumala kung may kasama pero wala eh. Sumakay na lamang ako ng jeep pauwi. Tinext ko ulit si Camille:
'Hoy pumasok ka na bukas oh...wala akong kasama eh...'
Bago ako pumasok kinaumagahan ay nabasa ko ang isang message, hindi naka-register yung number.
'Baka makapasok na ako bukas,.Camille toh,.sorry ha,.hindi kasi ako makapagload,.wala yung tagabuhat ko eh,.haha.' Tinext niya siguro ito kagabi at nakatulugan ko na lang.
Nagmadali na naman akong pumasok, late na naman ako. Mali na nga yata talaga ang oras sa celphone ko. Excited ulit akong pumasok ng room pero pagbukas ko ng pinto, wala na naman siya. Naulit lang yung nangyari sa akin kahapon. Pinagtinginan lang ako ng buong klase pati ng aming prof. Dahan-dahan akong umupo sa upuan ko at nawala ang pagka-excited. Napatingin ako sa labas, umaasang male-late lang siya pero nang magpatuloy na ang klase ay hindi na ako umasa. Inilagay ko na lang ang gamit ko sa upuan niya.
May nakisalo sa akin noong breaktime, yung kaklase naming transferee din na si Mark.
"Paborito niyong pwesto ni Camille 'to 'di ba?..." tanong niya, napatingin lang ako.
"Ibang klase ka tol, haha...napaamo mo si Camille, sa totoo lang gusto kong ligawan 'yon eh."
"Mahirap..." sabi ko.
"Hindi ko na nga sinubukan eh...alam mo ba kung ano nangyari sa mukha ko?" tanong ko sa kanya. Napatigil lang siya at saglit na nag-isip.
"Binugbog ka ni Camille? Haha...kala ko ba hindi mo sinubukan?" Patapos na akong kumain ng sinabi niya iyon. Tumayo ako pagkatapos at uminom ng tubig.
"Hindi...binugbog ako ng ex niya kasama ang mga katropa niya..."
Naglakad ako palayo, siya naman ay naiwang nakatulala at sinusubukang tapusin ang pagkain niya.
BINABASA MO ANG
Patunayan
RomanceNoon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Wa...