Prologue:[His POV]
Pinagtatawanan at pinagtitinginan lang siya ng mga kaklase namin...
Tsk tsk tsk.. kawawa naman 'tong babaeng ito palagi nalang napagtitripan. Kung hindi nila hihilain yung upuan kapag uupo siya, Nilagyan pa nila ng mighty bond pagkaupo niya pero tahimik lang siya.
Napaka misteryoso niya kasi ni hindi man lang siya nagsasalita. Sa araw araw na nakikita ko siya wala akong lakas ng loob na lapitan siya. Sa totoo lang, may itsura siya at maganda siya pero hindi nga lang mukhang pala-ayos kasi may pagka-nerdy type nga lang siya kaya lagi siyang nabubully or napagtitripan lalo na nang mga kaklase naming mga lalaki. Kapag naman nagrerecite siya sobrang malumanay ng boses niya para bang bumubulong lang sa hangin.
Gustong gusto ko talaga siyang maging kaibigan at para bang ayokong palampasin yung isang araw na magha-hi ako pero wala akong lakas ng loob na gawin yun. Kaya araw araw ko nalang siyang binabantayan, dumadating pa nga yung pagkakataon na hindi na ako nakakakain ng recess at lunch kasi kapag tinitgnan ko siya, feeling ko busog na ako. Walang segundo na hindi ako tumingin sa kanya pero di naman niya ako napapansin. Oo stalker niya ako. Pero paano naman yung pagtingin ko sa kanya? Hanggang sulyap nalang ba ako Eh kasi naman para bang may sarili siyang mundo palaging sa papel at ballpen nalang umiikot ang mundo niya. Isa din sa hilig niya yung magpaint kasi nakita ko yung painting niya noon na "The Starry Night" Na totoong painting ni Vincent Van Gogh.
Walang tao sa classroom at siya lang mag-isa, sinisilip ko siya sa bintana at grabe ang ganda niya talaga, lalong lalo na kapag naka side view at ang tangos pa kasi ng ilong niya. Tinaas niya yung salamin niya at biglang pinunasan yung mata niya. Feeling ko napagod yung mata niya pero pursigido talaga siya mag-aral. Wala kasi akong ibang nakita kung notebook at papel ang hawak niya. Nang bigla siyang tumingin siya sa bintana at nakita ko pa na nakakunot ang noo niya kaya nagtago ako bigla, di ko alam kung nakita niya ba ako eh tapos nag duck walk na muna ako papalayo sa classroom namin. Ramdam ko talaga, Nakita niya ako kaya kumunot yung noo niya.
Balita ko kasi Home schooled siya at first time lang niyang pumasok sa isang school kaya palagi nalang siyang nabubully kasi bago eh. Sinasabihang bobo pero nakakasagot ng mga tanong ng teacher. Hanggang sa isang araw dumating yung pagkakataon na makilala ko na talaga siya
"WAG!" sigaw ng isang babae na para bang nangihihingi ng saklolo.
Dinikit ko yung tenga ko sa pintuan para marinig kung ano ang nangyayari sa loob ng CR. Wala naman akong masamang intensyon sa kanila.
"Tama na po! Wala naman akong ginagawa sa inyo ah? Bakit ba ninyo ako ginaganito?"
Pagmamakaawa ng babaeng nasa loob at para bang mangiyak ngiyak na. Pero nakapagtataka lang kasi parang di pamilyar sa akin yung boses, parang ngayon ko lang ito narinig.
"HOY ANG INGAY NIYO NAMAN!" sabi ko at kinalampog ko ang pintuan nila at binuksan ito. Nakita ko si Ms.Ganda na nerd! Pero naka sando lang. Siya pala yung binubully dito sa loob ng CR sa sobrang tulala ko sa kanya di ko na nga namalayan na dinuraan niya pala yung kamay ng isa naming kaklase si Stephanie. May pagkawitty din pala siya, kinuha niya yung mga gamit niya at bigla nang tumakbo, Siyempre hinabol ko siya, Hinanap ko siya saanmang sulok ng campus..
Ang bilis naman niya kasing tumakbo eh. Parang natrain ata siya para sa Track and Field.
"NERD! NERD! HINTAYIN MO AKO." Sigaw ko sa kanya na para bang asong hinihingal na.
Hay! lalo pang bumilis yung takbo niya at mukha kasing natatakot siya na maabutan ko siya. Taong kweba ba ito? Bakit parang takot na takot siya sa mga tao? Bigla nalang siyang napaupo sa gilid ng hallway at umiiyak na naman. Para nga siyang batang maliit na nawalan ng candy.
"Wag kang aalis jan! hindi naman kita sasaktan kaya wag kang mag-alala." sabi ko sa kanya habang nanginginig pa yung kamay ko at pipigilan siya.
Binato niya yung case folder niyang color pink para bang nagsilbing pagitan sa aming dalawa. Ang brutal naman nito. Kababaeng tao katurn off pero turn on kasi ang tapang niya. Wala pang babaeng nang ganito sakin.
Ay nagsasalita pala siya! Ang hina naman kasi ng boses niya eh. Hindi ko marinig para lang naman kasi siyang bumubulong sa hangin.
"Jan ka lang at huwag kang lalapit. UTANG NA LOOB! Wala naman akong ginagawa sa inyong masama ah? Bakit niyo ba ako ginaganito? Is this how you welcome your new students? What the hell! Anong klaseng school 'to? Is this a school or a hell? Tell me! " Sabi niya at humahagulgol siya sa pag iyak tapos sumisinga.
Teka lang. Ako yata ang sisipunin ng dugo dahil sa english niya eh. Pero ang malumanay niya magsalita at ang hinhin pa niya.
"Hindi nga ako kaaway eh. Atsaka hindi naman lahat ng nasa paligid mo masasamang tao. Maniwala ka sa akin. Eto nga oh jacket ko, Ipapahiram ko muna sayo at suotin mo na. Halata kasing nilalamig ka na eh." Sabi ko sa kanya at hinagis ko sa kanya
"Pwede na ba nating tangalin 'tong case folder mo? Para kasing pagitan sa ating dalawa eh. " sabi ko naman at tinitigan ko yung case folder. Tinitigan niya din ito at mukhang nagdadalawang isip pa siya kung tatanggalin niya
"Sige tanggalin mo na." Sabi niya sa akin.
Dinampot ko yung case folder niya habang inaayos niya yung jacket ko at hinablot ko ito, Imbis na masuot na niya mukhang sisirain pa niya yung jacket ko. Yung jacket ko kasi parang may bag siya kaya ayun, Mukhang di niya yata alam kung papaano suutin eh.
"Ganito kasi yan." sabi ko habang inaayos niya yung jacket ko.
"Oh! Tignan mo." dagdag ko at inilagay ko sa likod niya.
"Mag-ingat ka sa susunod sa mga babaeng yun ha, Grabe talaga kasi sila mangbully. Tsaka nga pala ako nga pala si Kyle. Sana maging magkaibigan tayo." Habang pinipiga piga ko yung buhok niya tapos pinunas ko sa pants ko yung kamay ko kasi medyo basa tapos inalok ko yung kamay ko sa kanya. Lumingon lang siya sa akin at tinitigan ako ng medyo masama. Pero yung mga mata niya, parang hindi magawang magalit.
"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? hindi ako karapat dapat na maging kaibigan mo."
"Just hold my hand and Trust me." sabi ko at inalok ko ang kamay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, May Option pa ba?
RomanceNaniniwala ka ba sa tadhana? eh sa Second Chances? Iniisip mo ba kung deserve niya nga ba talaga yung pangalawang pagkakataon na yun? may mga bagay pa kaya na maibabalik katulad ng nararamdaman mo sa isang tao noon?