Chapter 3

110 3 0
                                        

"Kung di lang kita bestfriend niligawa--"

"Ha? anong sabi mo?" sabi ko naman at nagpamewang ako sa harapan niya.

"Wala penge nga akong kopya neto. Wallet size lang. Please Please Bea..." Habang hawak hawak niya yung picture frame. Ang weird niya minsan eh.

"Baliw! Akyat na tayo." sabi ko naman at binitawan na niya din yung picture frame namin tapos tinignan tignan pa din niya yung paligid ng bahay.

Habang pa akyat kami nakasalubong namin si kuya. Mukhang may pupuntahan na naman eh.

"Kuya Ry si Kyle kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa.

"Uy tol musta? una na ako ha?" Sabi ni kuya at Kinamayan niya si Kyle at umalis na at mukhang nagmamadali.

"Hello po kuya good afternoon." Sabi naman ni Kyle kay kuya sabay ngiti.

Siniko ako bigla ni Kyle at bumulong sakin na sinabi niya na ang gwapo daw ni kuya. Sana din daw magkaroon sila ng time na mag bonding. Pagkadating namin sa kwarto nag-review kami gunawa ng mga reviewer o kaya mga given na pwede naming masolve. Tinignan ko si Kyle, pursigido talaga siyang mag-aral ang seryoso niya talaga.Willing na willing talaga siya pumasa. Nagulat ako kasi bigla siyang tumingin sa akin at umiwas naman ako ng tingin.

"Sakit na ng mata ko." tinanggal niya ang salamin niya at tinakpan niya yung mga mata niya ng kamay niya.

"Uy okay ka lang? sige, ipahinga mo muna yan." sabi ko naman. Higa ka muna dito sa kama ko.

"Patingin pala ako ng cellphone mo." dagdag ko pang sabi.

Tinignan ko yung cellphone niya may snake atsaka space impact pa. Inexplore ko pa yung cellphone niya grabe naaliw ako halos di ko na mabitawan. Habang siya naman ganun din siya sa cellphone ko ayaw din niyang bitawan.

"Wag mong sabihin sa akin na magpalit tayo ng cellphone Bea, malulugi ka." Sabi niya habang nagpipicture siya sa cellphone ko.

"Uy grabe siyempre hindi ah! may sentimental value sa akin yan eh." sabi ko naman at nilalaro ko din yung phone niya.

"Ahh... ganun ba sige picture nalang tayo dito." Sabi niya sa akin at niready na niya yung camera tapos finlip niya ito

Pumayag naman ako. Para kasing yung friendship namin may sentimental value na rin. Nagpicture kami sa cellphone ko siya yung may hawak ng cellphone ko. Nakangiti kami sa unang picture

"Patingin!" Inagaw ko agad sa kanya yung cellphone at sinave ang picture namin.

"Lima pa!" sabi naman niya tapos inagaw naman niya yung phone ko sakin.

Nagpicture ulit kami yung pangalawang picture pareho kaming naka belat. Ang pangit ko talaga psh at ang cute cute niya talaga. yung pangatlong picture naman pinisil niya yung cheek bones ko. Siyempre sa pang apat ako naman yung pumisil ng cheek bones niya. At yung sa pang lima naman na picture grabe! hindi ko akalain na nakatingin siya sa akin pero ako sa camera ako nakatingin.

"Tama na nga Kyle!" sabi ko.

tumingin siya sa akin at sinabing "Bakit naman?"

Nagtaka ka pa. Psh.

"Kasi sobra na." sabi ko.

"Joke lang!" dagdag ko pa sabay tawa.

"Akala ko ba masakit mata mo?" Sabi ko pa sa kanya.

"Oo pero pag nakikita kita hindi na." bigla niya nalang akong hinead lock pahiga.

"Pakiss nga bes" sabi niya sakin habang naka pout na.

Mahal Kita, May Option pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon