-Chapter 6-
Hindi ako umimik at direderetso lang ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinapansin pero sa totoo lang kasi oo lahat ng sagot ko sa kanya. Hindi ko kasi masabi ang gusto kong sabihin sa kanya kasi singhot ako ng singhot ng sipon ko. Bumalik na ako sa book signing event at hindi ko namalayan ang oras, 1:30 na pala at baka hinahanap na nila ako. Hinahanap ko kung saan yung event banda doon pa pala sa dulo.
"Direderetsuhin mo lang yan."
Sabi niya habang tinuturo yung daanan nagmumukha tuloy siyang security guard.
Nagmamadali pa din akong naglalakad at ayokong tignan siya kasi baka mag-usap na naman kami...
"Basta nandito lang ako kung kaylangan mo ako di kita iwan lagi mo yang tatandaan."
Mas binilisan ko yung paglalakad ko kaysa sa normal kong lakad at hanggang sa natatanaw at narating ko na yung event at nakikita ko na din yung upauan ko at ako nalang talaga ang kulang
"Bea bakit ka late?" sabi sa akin ni Amy habang nag iistapler ng mga papel at biglang nagpamewang sa akin tapos tinaas niya yung kilay niya isang kilay niya. Hindi ko nga yun kayang gawin eh.
"Ah... ano.. sa totoo lang kasi.. masama pakiramdam ko. Pero okay lang! go with the flow. Sorry.. sorry talaga ah... uhm... balik na ako sa upuan ko ha?" Habang kinakapa kapa ang leeg at noo ko.
"Oo yun oh. kanina pa nga may nag aabang sayo." Sabi naman niya sakin na nakangiti tapos tinuturo na yung mga tao.
Hinawakan ko yung kamay niya at sinabing...
"Naku! sorry talaga Amy ha. Promise di na to mauulit sorry talaga."
"Okay lang eto naman." Sabay tulak sa akin.
Habang nag bobook signing ako ay nakita ko pa rin si Kyle na nasa isang sulok. Nung napalingon ako kung saan siya nakaupo bigla niya akong kinindatan Pfftt galing talaga magpakilig ng lalaking ito pero ayaw niya talaga ako tantanan sa pagpapakilig nakakamatay at nakakakilig na kasi deep inside.
Pagkatapos ng book signing ay pumunta ako sa Burnham Park. Parang feeling ko ako lang yung taong hindi masaya na pumunta dito. Feeling ko ako lang yung walang lovelife na pumapasyal dito. Walang kaholding hands. Matagal tagal na din akong di nakapunta dito. Dami kong nakikitang masasayang tao dito. Sobrang priceless ng mukha nila at hindi matutumbasan ng kahit anong bagay. Umupo ako sa isang tabi, may nakita akong bato at pinaglalaruan ko yung bato gamit ang mga paa ko.
Naisip ko na pano kaya kung gumawa ako ng bagong kwento tapos hindi naman happy ending? O di kaya ituloy ko yung isang libro na ginawa ko. Lagyan natin ng part two yung kwento. Parang kami ni Kyle, may part two ata kami. Pero di pa rin kami yung magkakatuluyan dun syempre. Pwedeng mamatay siya o kaya mabulag o maputulan ng paa ng kamay, mabingi maging pipi o ng kahit ano pa tapos biglang iiwan para maiba? Eh basta parang gusto ko talaga siya patayin sa kwento na yun. Di ko rin talaga alam kung bakit. Napailing nalang ako bigla at naimagine ko yung sarili ko na pano kaya kung magpasa ako sa publishing house ng ganung klaseng kwento. Bakit kasi patuloy pa din akong nabibitter, eh 7 taon nang nakakaraan yun? Bakit ba kasi hindi ko kasi matanggap na hanggang dito nalang talaga kami at hindi happy yung ending namin?
-imagination-
"Ms.Bea bakit naman ganun po yung ginawa ninyong story? Ang ganda na sana eh at mukhang first time ninyong gumawa ng ganoong kwento karamihan kasi sa kwento mo nakakakilig yung ending Kaso bigla kong pinatay yung lalaki. Bakit may galit ka ba sa mga lalaki? May time ka pa ba para baguhin yung ending?"
![](https://img.wattpad.com/cover/47378837-288-k629739.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, May Option pa ba?
RomanceNaniniwala ka ba sa tadhana? eh sa Second Chances? Iniisip mo ba kung deserve niya nga ba talaga yung pangalawang pagkakataon na yun? may mga bagay pa kaya na maibabalik katulad ng nararamdaman mo sa isang tao noon?