Chapter 8

83 2 0
                                    


Chapter 8

[Bea's POV]

Pagkagising ko ng sobrang aga mga 7am Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kagabi.

-Flashback-

"Hawakan mo yung kamay ko" sabi niya at inalok yung kamay niya

"Para saan?" sabi ko naman at bigla niyang kinuha tapos hinawakan ng mahigpit yung kamay ko

"Ipikit mo lang ang mga mata mo" sabi niya at biglang pinikit yung mga mata niya. Nawiwirduhan ako sa kanya ngayon. Kakaiba yung kinikilos niya. Pero sinakyan ko nalang yung trip niya. Wala akong nakikita dahil ipinikit ko yung mga mata ko.

"Nararamdaman mo ba yung heartbeat ko?" sabi niya sa akin.

Dinilat ko yung mga mata ko

"Oo naman! di lang nararamdaman. Naririnig pa." papilosopong sabi ko sa kanya at bigla nalang akong napangiti Bigla nalang niyang hinablot at nilagay yung kamay ko sa dibdib niya habang nakapikit.

"Beatrice, Alam mo hanggang ngayon...ikaw pa rin ang mahal ko." Dinilat ko yung isa kong mata, nakita ko na nakapikit pa din siya tapos biglang tumulo yung luha niya tapos humahagulgol na.

-End of flashback-

Napapailing nalang ako sa kilig paggising ko. Naligo na ako at nagayos at lumabas ng kwarto.

"Oh gising ka na pala." at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"At nakaligo ka na din....pala.. Teka lang ha.. di pa luto tong omelette." sabi niya sa akin at nginitian ako tapos umiwas siya sa talsik ng mantika na niluluto niya.

"nagmamadali ka ba? umupo ka muna." Dagdag pa niya. Umupo ako at hinintay yung niluluto niya. Nagmunimuni at tumunganga.

"Ako dapat gumagawa niyan eh." sabi ko naman at tumingin ako sa kanya.

"Saka na. Kapag asawa na kita." Nakangiting sabi niya sa akin

"So gagawin mo akong yaya?" sabi ko naman at papalapit siya sa akin at nilapit yung mukha ko sa mukha niya.

"Uyyyy gusto niya ako maging asawa.." sabi niya habang napangiti. Kinilig naman talaga ako don. Napangiti din ako saglit at inilayo yung mukha niya sa mukha ko

"Tumigil ka nga! Ang dami mong alam." at bumalik siya sa niluluto niya

Pero deep inside talaga kinikilig na ako. Yung tipong nangingiliti na yung mga paro paro sa tiyan mo. Naalala ko tuloy si mommy, sabi niya kasi bihira nalang daw talaga yung mga lalaking nagpapantasya na makasama yung babaeng gusto nila. Bihira na din daw yung mga lalaki na iiyakan ka at handang talagang magpakatanga sa'yo. Karamihan kasi sa lalaki talaga ngayon manloloko pero hindi ko naman nilalahat. Kapag daw nakahanap na ako ng lalaking ganun yung nagpapantasya tungkol sa future ninyo, iniyakan ako atsaka ginagawa ang lahat para sa akin, naiintindihan ako kahit na yung moodswings ko di talaga mapredict palagi.Wag ko na daw pakawalan yung tao na yun at wag nang maghanap ng iba pang option. Eto na din siguro yung pangalawang pagkakataon sa amin ni Kyle.Ayoko nang palampasin to kung eto nga yung pangalawang pagkakataon.

May narinig akong tunog ng kaldero na sobrang lakas at gumulantang sa'kin

"Huy! bat ka tulala jan? nag-iimagine ka no? ikaw ah!" sabi niya sa akin na nakangiti na parang kinikilig din siya

"Ahh.... wala ano... kasi.... iniisip ko yung ano... kung papasok ba ako bukas." sabi ko naman ng pautal utal.

"San ka ba nagtatrabaho?" sabi niya habang nilagay na sa la mesa yung pagkain.

Mahal Kita, May Option pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon