Chapter 9

75 1 0
                                    


-Chapter 9-

"BEATRICE!"

Tinangal ko yung mask at goggles ko at nilingon ko kung sino yung tumawag sa akin.

"Oh Sir Ed.Pasensya ka na kung nag leave ako ha. "

"Wala yun. Saka nga pala eto nga pala yung mga bago nating empleyado. Sila yung magaayos nung iba nating Machinery. Gusto ko lang na makilala mo sila." sabi niya at ibinigay ang clear book sa akin.

"Daming pogi sir ah!" sabi ko naman habang tinitignan yung mga mukha ng mga bagong empleyado sa clear book at tumawa.

"Naku ako pa! Magaling akong kumuha ng ganyan, Just leave it to the expert." sabi niya at bigla niya akong hinampas at tinulak ng malambing tapos natawa tawa.

Si sir Ed sjya yung nagrurubbing rubing dito atsaka yung namimili din ng mga bagong empleyado. Sobrang lalim ng boses niya pero pusong mamon siya. Alam na ninyo ang ibig kong sabihin. Confirmed by me!

"Akin na. Tignan mo to pogi. Kaso bukas pa ata siya magiistart.Bagong lipat kasi dito sa Manila, Baka nga kapitbahay mo pa balita ko kasi kumuha daw siya ng condo jan." sabi sa akin ni sir Ed habang binobrowse yung clear book.

"Eto!" sabi niya at nilagay ang hintuturo sa clearbook.

"Ayan?" sabi ko na nanlaki yung mata ko at tinuro ko yung mukha.

"Oo kanina lang nag apply yan eh.Pogi at qualified naman siya sa mga qualities na kaylangan ng kompanya natin kaso sa kabilang departnent nga lang sa machinery. Di mo siya makakasama.A ctually nandito siya kanina... hmm... Di ko nga lang sure kung nandiyaan pa siya. Bagay pa naman kayo girl, Sana magkaroon kayo ng chance na magkakilala kayo." Sabi ni Sir Ed at habang tinitignan ang overlooking sa building.

"KILALA KO TO!" sabi ko at biglang tinuro yung mukha na nasa clearbook, halos malukot lukot na nga yung clear book na hawak ko ang ligalig ko kasi.

"Kaano ano mo?" biglang lingon sa akin si sir Ed.

"Ex ko." sabi ko naman pero nasa isip ko malapit nang maging asawa wait lang kayo.

"Ay bongga Small world? Ano to for the 2nd time? A second chance? Second time around? At bakit naman kayo nagbreak?" sabi niya sa akin at biglang takip ng ng dalawang kamay sa bibig niya.

"Basta sir long love story. Kwento ko sayo later libre kita lunch." Sabi ko naman.

"Ay nagkabook signing ka lang nanlibre ka na. Aha! sige asahan ko yan ha!" sabi niya at tinuro ang pointy finger niya sa'kin tapos sinarado ang pinto.

Pagkadating ng lunch kinwento ko na nga kay Sir kung anong nangyari sa amin ni Kyle lahat lahat. Pati yung nangyari na din doon.

"Ay bongga beh second chance na talaga para sa inyo yan." sabi naman niya habang hinihimas himas niya yung tiyan niya. Mukha kasing busog na busog siya.

"Ihahanda ko na ba ang barong ko or gown sa kasalang magaganap? Hmm.. wait.. what do you prefer ba? Gown or tuxedo? Kasi.. hmm.. you know what I can't blame myself ang gwapo ko din kasi minsan. And Tatalbugan ko ba ang dream gown mo na Vera Wang?" sabi niya sa'kin at kumuha siya ng toothpick. Ano ba naman 'tong si Sir! Parang nasa Carenderia lang!

"Wala pa nga eh. Di naman ako tinatanong." sabi ko naman habang ngumunguya.

"Uy tara na pala masyado nang napapasarap yung kwentuhan natin dito. Salamat pala sa lunch Bea. See you around." Sabi niya sa akin tapos tumayo siya at umalis.

Mahal Kita, May Option pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon