Chapter 7
[Kyle's POV]
"Oh bakit?" sabi ko naman kay Bea. Pinakita niya sa akin yung dila niya.
"Ay! Singsing" sabi ko sa kanya habang tinuturo ko yung nasa dila niya. Tinanggal niya yung singsing sa dila niya at biglang tumayo sa kinauupuan niya.
"Planado mo to 'ano?" Sabi niya. Tumayo siya sa harap ko at nakapamewang nalang bigla.
"Hindi ah tanong mo pa dun sa nagtitinda. Di mo nga kami nakikitang nag-usap eh." Sabi ko naman narealize ko na parang ang halata ko naman masyado.
"Suot mo nalang mukha namang bagay sa iyo .Akin na nga suot ko sayo." Sabi ko sa kanya. Tinitgnan pa niya ako at mukha pang nagdadalawang isip pa siya kung ibibigay ba niya sa akin yung singsing.
"Wala akong pakielam kung may laway mo pa yan." Sabi ko sa kanya at kinuha ko ang singsing mula sa kamay niya at pinunasan ito.
"Oh... Tignan mo bagay naman sayo eh." Dagdag ko pa. Tinignan niya lang ako at nakikita ko naman sa ngiti ng mga mata niya na masaya siya.
"Nabusog ako. Tagal ko din kasing di nakakain ng ganito... na kasama ka. Salamat ha Kyle." Sabi niya sa akin at niyakap niya ako
Umuwi kami sa bahay at umupo lang siya at mukhang pagod na talaga pero ako hyper pa din ako. Ayoko kasing sayangin yung oras na ito,na kasama ko siya. Ilang taon ko din siyang di nakita, nakausap, nakakulitan at nayakap ng pagkahigpit higpit.
"Tara punta tayo dun oh! Sabi ko sa kanya habang tinuturo ko ang terrace ng bahay." Lumingon siya sa akin ng nakasmirk at sinabing
"Stargazing?"
Umakyat kami ng hagdan habang hawak hawak ko ang kamay niya.
"Akyat pa tayo ng onti dun!"
Sabi ko at hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya habang papakyat kami. Malamig kasi ang simoy ng hangin dito bukod sa malamig na may overlooking ka pang matatanaw. Pareho kaming nakajacket pero parang mas nilalamig pa siya lalo kaya hinubad ko yung jacket ko
"Oh nilalamig ka pa ata." Sabi ko sa kanya tapos nilagay ko sa likod niya yung jacket ko
"Paano ka?" sabi naman niya at gustong tanggalin yung jacket na nilagay ko sa likod
"Sanay na ako ano ka ba, Normal temperature nalang sa akin yan. Wag mo na akong intindihin. Intindihin mo yung sarili mo wag ako." Sabi ko naman at pinatong ko ulit sa kanya yung jacket ko.
Nahuli ko siyang nakatingin sa akin at ang lambing pa ng pagkakasabi niya ng
"Salamat.."
Tapos tinititigan ko pa din siya habang nakatingala siya sa mga bituin. Nakangiti lang yung mga mata niya pati yung labi niya habang nakatingala parang ngayon lang ulit siya nakapagrelax at nakakita ng mga stars.Bigla siyang sumandal sa balikat ko at sinabing
"Inaantok na ako, Salamat sa araw na 'to Kyle ha? Di ko talaga inaakala na magkikita pa rin tayo. Hanggang ngayon kasi ikaw pa din. I still love you Kyle" Sabi niya tapos naka idlip na.
Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko yung sinabi niya na mahal pa din niya ako. Akala ba ninyo babae lang ang may karapatang kiligin? Siyempre unfair yun kami ding mga lalaki kinikilig. Pero sa totoo lang talaga para na siyang bituin kasi sikat na siya bilang writer at ang hirap na niyang abutin di katulad ng dati pero kahit ganun siya sobrang bait pa din niya. She's always keeping her feet on the ground.
Hinayaan ko lang siya na sumandal sa balikat ko at sinasabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin
"Wala yun basta ikaw. Tignan mo nga oh lowbatt ka na. Bigat pa ng ulo mo, Ang talino mo kasi eh. Pero okay lang yan Mahal pa din naman kita. Hanggang ngayon kasi ikaw pa din eh ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na 'to." Sabi ko sa kanya kahit tulog na siya at hinplos haplos ko yung buhok niang sobrang haba at ang bango pa nang bigla nalang siyang nagising.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, May Option pa ba?
Roman d'amourNaniniwala ka ba sa tadhana? eh sa Second Chances? Iniisip mo ba kung deserve niya nga ba talaga yung pangalawang pagkakataon na yun? may mga bagay pa kaya na maibabalik katulad ng nararamdaman mo sa isang tao noon?