Epilogue

142 2 0
                                    

Epilogue

[Lianna's POV]

"Ma!! " pagtakbo namin at hinalikan namin si mommy sa pisngi.

"Oh anjan na pala kayo.." sabi sa amin ni mommy habang inaayos niya ang miryenda sa kusina.

Hindi kami makatiis na sabihin kay mommy ang pangalawang araw namin bilang 3rd year high school, sabi niya kasi ito daw ang pinaka mahirap na year para sa kanila ni daddy noong high school sila. At napagtitiripan kasi namin yung mga kaklase namin at nagpapalit kami minsan ng kakambal ko.Tapos nililito namin sila kunyari, ako si Lianne tapos siya si Lianna baka pati kayo din malito sa aming dalawa.

Basta ako yung may gusto sa nerd at ako si Lianna.

"Ma, alam mo ba meron isang bagong teacher sa school, Grabe ma ang pogi pogi niya sobra ang tangkad tangkad niya ang bango bango pa lagi talagang mapapasunod yung ilong mo tapos hanggang dito niya lang ako sa may balikat niya ako tapos magaling pa sa Math ay mali pala teacher kasi siya sa Math. Grabe Ma! Ang pupungay pa ng mga mata niya. Kung alam mo lang sobrang Mathlord talaga! " sabi naman ng kakambal ko na si Lianne tapos uminom siya ng juice. Makikita mo sa mga mata niya na tuwang tuwa siya kapag kinukwento niya yung teacher namin na 'yon eh grabe naman kung pag-initan kami at hindi lang yon sobrang moody pa. Pero kahit na ganon yon, magaling naman magturo yon tapos Ang dami niyang words of wisdom sa buhay. Dami niyang tips tapos naitatawid pa niya yung mga hugot niya sa lesson namin.

"Alam mo ba ma, may kaklase kami ni Lianne sa school kapangalan din niya si daddy! "

Nginitian niya ako at inilapag ang pinggan sa harap naming dalawa

"So crush mo na?" pang aasar na tanong ko naman sa kanya.

*Flashback*

"Ang pangit naman 'nun pre tignan mo mukhang dead kid yung transferee, nerd! " sabi ng lalaki na nakaupo sa likuran ko habang nagbabasa ako ng libro na ginawa ni mommy noong dalaga pa siya. Hininto ko ang pagbabasa ko at tinignan ko kung sino yung dead kid na sinasabi nila.

"Oh bakit transferee ka ba? " sabi ng lalaki sa akin at sinisipa yung upuan ko paharap

Tumayo ako at sinipa ko yung upuan pausog sa kanila tapos inirapan ko.

"BAKIT MAY SINABI BA AKO? MAY NARINIG KA BA GALING SA BIBIG KO? WALA DIBA? "

"Kambal tama na, unang araw palang natin nakikipag away ka na. " pag-aawat ng kakambal ko sa akin. Unang araw palang sobrang warfreak ko na paano pa kaya kapag tumagal tagal kami ng kambal ko dito baka hindi lang ito abutin ko. Umupo nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa, hindi ko maiwasan na tumingin sa lalaking nerd na ito habang nagbabasa ako, ang lakas ng impact niya sa akin eh.Nakita ko nalang na binubully nalang siya at pinaglalaruan nila yung sa iniinom nilang sago tapos paglalaruan nila gamit ang bibig nila at idudura.

"Lianne, kawawa naman yung kaklase natin na yun oh" sabi ko at tinapik ko ang balikat niya

Nilapitan namin siya at tinanong namin kung okay lang ba siya habang patuloy pa din yung mga kaklase namin na nagbubuga ng sago na papunta sa amin.

"Oo, okay lang ako... " malungkot na sabi niya sa amin.

" Alam mo pwede ka naman naming maging kaibigan eh."

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? hindi ako karapat dapat na maging kaibigan mo."

*End of flashback*

" Oo, Cute kasi siya eh pero may pagka nerdy lang at mukhang weirdo, nakakatakot lang siya kasi hindi yata siya nagsasalita at ni hindi ko pa nga narinig o nakitang bumuka yung bibig niya. Gusto ko sanang maging kaibigan siya kaso nga lang napaka misteryoso niya ma, Pero ayos lang yun ma because I like mysterious guys, Ang love nga, it moves on a mysterious ways, guys pa kaya? Pero kasi kahit na Transferee na nga eh nakakaawa pa din ma,p alagi nalang kasi siyang nabubully pero di siya umiimik "

" Ano yan? Sino yang bagong Kyle ng isa sa mga kambal ko? May papalit na ba sa akin? " Biglang sulpot ni daddy na may dala dalang pasalubong samin. Ibinaba niya ito sa table namin at

" Daddy!! " sabi namin at niyakap namin siya tapos ibinaba niya ang pack bag niya

"Sino si Kyle? " Tanong ni daddy sa akin.

Ang awkward naman nito, sasabihin kay daddy yung crush mo tapos kapangalan pa niya.

" EEEEHHH... basta dad, mukhang narinig mo naman lahat yung sinabi ko kanina eh... hindi lang naman ako ang nagkakacrush sa school si Lianne din naman may crush sa teacher pa namin nakakahiya diba? " nahihiyang sabi ko sa kanya at nagpupumigil na tumawa.

Natawa si daddy sa sinabi ko at tinanggal niya ang salamin niya.

"Alam nyo kambal, di naman masamang magkacrush, it's just normal and you're normal okay? " sabi ni daddy sa amin at tinanggal naman niya ang necktie niya

" Sigurado ka bang mas gwapo yang si Kyle mo kesa sa totoong daddy Kyle mo? " tanong niya sa akin na nakangiti at na para bang nangaasar ang pa ang mukha ni dad tapos sumubo na siya ng tinapay.

"Hindi dad, mas gwapo ka mukha kasing nerd yun eh. " sabi ko naman habang ngumunguya

Nagkatinginan si mommy at daddy at sabay pa silang natawa na para bang nagpipigil ng tawa mukha kasing may tinatago silang kababalaghan na nangyari sa kanila noong teenager sila.

" Edi papuntahin ninyo dito minsan." sabi naman ni mommy na nagpipigil pa ding tumawa at umiinom ng juice.

"Eh kamusta naman 'tong isa kong kambal? " sabi ni daddy habang inakbayan niya si Lianne

"Daddy alam mo ba may crush ako na teacher yun at ang ang gwapo grabe ang tangkad! Siguro hanggang dito niya lang ako oh " sabi ni Lianne at tinuro yung balikat niya.

"Weh pero may lumapit na gwapo sa'yo kanina yung varsity player ng basketball sa'tin, Nakuu tumigil ka nga!" sabi ko at binatukan ko ang kakambal ko.

"PSSST. Wag kayong ganyan.. kambal na nga kayo nag-aaway pa kayo. " pagsasaway ni mommy sa amin at hinahawakan niya yung likod naming dalawa ng kakambal ko.

"Ano 'tong nasa likod nyo mga anak? Bakit madumi? " pagtatanong sa amin ni Mommy

Nagkatinginan lang kami ni Lianne at natawa para ding sinasabi ng mga mata niya na

"Ikaw na magsabi ayoko mag explain kalokohan mo din naman yan. "

"Kasi mommy may binully kanina na kaklase namin tapos ayun natamaan din kami ng sago na dinudura nila. " pag-eexplain ko kay mommy

Nakakagulat lang kasi medyo malabo na yung mata ni mommy pero nakita niya pa din niya yung stain na yun. Naalala ko kasi nung medyo bata bata pa kami narinig ko na may possibility pa daw na hindi na makakita si mommy kapag medyo tumanda siya. Pero ayokong mangyari yun kasi hindi na siya makakapagsulat ng mga kwento at ayaw naming mangyari yun.

*-*

Hinatid kami ni Daddy ko sa School at nakita ko na nagiisa si Kyle sa isang upuan at mukhang nagmumuni muni siya. Hindi ko nalang muna siya pinansin at doon pa kami binaba ni daddy eksakto lugar kung saan siya naka upo.

"KYLE!!"

"Tinatawag mo ba ako 'nak? " nagjojoke na tanong ni daddy sa akin.

Biglang napalingon siya sa akin at nagwave ako ng kamay ko at tinititigan niya lang ako. Finifigure out niya siguro kung sino ako. Bumaba na si Lianne sa sasakyan kasi may nakita na naman siyang gwapo at sinundan ito ng tingin.

Nakita ko din na papalapit sa amin si Kyle.

"Lianna?" Sabi niya sa akin

"Someone's calling you Lianna, I'll talk to you later. Ipakilala mo naman sa akin yan."

Iba yung boses ni Daddy, parang seryoso siya kaya wala akong magawa kung hindi ipakilala si Kyle kay daddy. hinila ko bigla yung kamay niya at sinabi ko na

"Halika dali!" sabi ko sa kanya at nakita ko pa sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa kamay namin na hinawakan ko

"Dad, si Kyle po. kaibigan ko." sabi ko kay daddy na nanginginig pa.

-The End-

#gl7|b

Mahal Kita, May Option pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon