Chapter 10

98 3 0
                                    


-Chapter 10-

April 4 2007

"Pasensya ka na kung iniwan kita na hindi man lang nagpapaalam.ayokong sabihin ang mga ito sa iyo eh.Malalaman mo din naman to balang araw.

Pero wag kang mag-alala para sa ating dalawa naman 'to 10 years from now."

April 5 2007

"miss ko na yung babaeng nagmamake up sa akin."

April 6 2007

"kung katabi lang sana kita dito edi sana di ako nagkakaganito."

Shinuffle shuffle ko pa yung mga letters

January 16 2009

"Bakit may iba ka na? sino yung kasama mong sumayaw sa debut mo? Bakit di ka naghintay? ba't di mo ko hinintay BAKIT? "

March 11 2008

"Tuwang tuwa ako para sayo bea. Napublish ang una mong libro. Matagal mo nang pangarap yun diba?"

November 16 2012

Chemist ka na talaga! Nakita kita kung gaano ka kasayang gumraduate sa dream school natin. Pero nalulungkot ako kasi may kayakap kang iba.. hmm dapat kasi ako yun e."

May 12 2012

"Nakapasa ako sa board exam! Para sayo talaga to Bea! diba gusto mong makapangasawa ng engineer? eto na! engineer na ako! sana makita kita.Wag kang maghahanap ng iba ha? Akin ka lang hintayin mo naman ako please?"

June 5 2013

Lord natatakot akong mawala siya sa buhay ko.

Ganun pala niya ako katagal naghintay. Hindi siya naghanap ng iba.

July 3 2008

Nakita ko din yung diary ko noong high school ako hanggang umalis na siya. Lahat ng nakasulat dito tungkol sa kanya. Bakit nasa kanya to?

Bakit niya ako iniwan?

Akala ko kasi magtatagal tayo. My whole world changed because of you. My heart skips beat everytime hear your name.

I still remember the day you told me that you will always be here by my side until the world stop spinning

and I still can't move on because

I lost you without knowing what is the reason

I still remember the day you told me that you'll never forget me,

but where are you now?

andI always ask God one question, bakit ikaw?

Tinago ko bigla yung kahon at nilagay sa ilalim ng kama niya. Nakita ko din yung gitara niya kaya pinakielaman ko at Bigla nalang siyang dumating. Nakalimutan kong ilagay yung notebook sa silong ng kama kaya sinipa ko muna.

"Marunong ka pala mag gitara?" tanong niya sa akin habang nilalaro niya ang susi ng kotse niya at binato nalang ito sa sofa niya.

"Oo pero kaunti lang." Sabi ko naman habang kinakalabit ang strings ng gitara.

"Akin na." Sabi niya at kinuha yung gitara sa akin at sinimulang istrum ang G-Chord.

Umubo ubo siya at feeling niya inaayos niya yung boses niya.Hay nako Kyle! Kahit anong ubo mo jan,matagal na talagang sintunado ang boses mo.

Mahal Kita, May Option pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon