[Her POV]
"Ate Bea pa-autograph po!" sabi ng isang batang babae at inabot ang isang librong ginawa ko 4 na taon na ang nakakaraan atsaka pati yung libro na kakapublish lang kumpleto niya yung mga libro na sinulat ko.
"Oo naman! anong bang name mo? Ilagay ko dito." sabi ko at kinuha ko ang ballpen sa bulsa ko.
"Bea din po." Sabi niya at parang may hinahanap siya sa bag niya.
"Oh magkaparehas pala tayo! hi Bea! wag ka na maghanap ng ballpen eto na." sabi ko sa kanya at ipinakita ang ballpen ko.
"Matagal ko na po yang naitago siguro grade 6 palang po ako niyan ate. At mabuti nalang at sa wakas nakita na din kita." sabi niya at bigla siyang nag apir sa akin.
Bea,
Thank you sa lahat! madami dami din ang mga ito. Study hard! goodluck sa studies and godbless you ;) *heart*
Ate Bea *with matching Pirma*
"Oo nga nakikita ko sa mga librong ito. Pero maraming salamat Bea ha sa pagbili ng mga libro ko sana nainspire at naenjoy mong basahin ang mga librong ito."
"Oo Ate sa totoo nga lang po gustong gusto ko nga maging katulad mo eh.Parang ang perfect na po ng buhay ninyo at parang wala nang hihilingin pa atsaka bukod sa maganda na mabait na matalino pa! Atsaka naniniwala ako sa happy ending." Sabi pa niya.
"Ikaw talaga Bea! basta magpursigi ka lang at alam kong kaya mo yan. Huwag na huwag kang susuko sa ano mang problema sa buhay. Tandaan mo God is always with you ha?"
"Salamat ate ha, Pwede po bang paselfie? "
Inayos ayos ko yung buhok ko tapos tinapat na niya yung cellphone niya sa amin.
Nanginginig yung kamay niya. Di ko nga alam kung pasmado ba siya eh o kinakabahan lang talaga.
1... 2...3...
"Oh wag kang kabahan. okay lang yan..." sabi ko sa kanya.
"Salamat ate sana makita kita ulit. Balik ka dito ha? A-atsaka pala ate para sa iyo po." sabi niya at may kinuha siya na keychain na galing sa bag niya.
"Oo naman see you soon at maganda ka din! bye! Salamat dito sa keychain ha?!" sabi ko naman sa kanya at sabay wave ng kamay ko habang palayo siya.
Ang sarap talaga sa feeling kapag kilala ka ng mga tao at nakakapag-inspire ka ng mga kabataan ngayon.
Ako nga pala si Beatrice Rodriguez. They call me Bea for short. Hindi ako ganun ka katangkad. I don't like wearing dresses because I feel so uncomfortable. I can still remember when my childhood friend told me that I have brown eyes. Medyo matangos yung ilong ko at may matabang cheekbones lalo na raw kapag ngumingiti. Sobrang hilig ko talaga kumain nung high school ako eh. Ayoko at hindi ako kumakain ng maaanghang na pagkain at umiinom ng softdrinks. Karamihan sa kinakain ko mga matatamis o kaya maalat minsan maasim kung matripan lang ba kumain. Mahilig ako sa street food o kaya french fries pero allergic ako sa manok at hindi ako kumakain 'nun kasi sigurado sa malamang mangangati ako hay! Tama na nga sa pagkukwento tungkol sa pagkain! Baka ginugutom kita eh. At ayun may naalala ako yung isang taong laging nambubusog saakin naalala ko pa 'nun di lang sa pagmamahal pati sa pagkain.
Author na ako ngayon. Hindi ko nga din inakala na mangyayari sa buhay ko kung anong meron man ako ngayon. The best talaga ang mga unexpected blessings na binibigay ni God. Passion ko talaga ang pagsusulat simula pa lang nung bata pa ako. My passion makes me happy that's why I want people read my stories and make them happy too. Nag-iimagine ako ng mga bagay bagay na malabong mangyari at sinusulat ko sa notebook ko. Kasi minsan iniisip ko na HANGGANG DOON NALANG. Gumagawa din ako ng mga kaibigan ko pero nasa isip ko lang sila o kaya minsan nililipat ko sila gamit ang notebook at ballpen ko. They don't exist in real life. At dahil may pagkaburara ako noong bata pa ako at naitapon or itinapon lahat ang notebook ko ng mommy ko dahil makalat talaga ako noon. Nakakapanghinayang lang talaga kasi 5 notebook yun para sa subjects. Although homeschooled ako 'nun my mom wanted me to feel na nasa totoong school ako kaya niya ako binilhan ng maraming notebook. At sa bawat likod ng notebook ko kahit ano mang subject ay may kwento dun. Mga short stories na tungkol sa prinsesa at prinsipe. O kaya yung mga nakakakilig na tinatawag na nilang sparks ngayon. Nandun pa nga yung parang plot na pa-triangle na tinuro ng English teacher ko for how many years para gumawa ng kwento. Hindi ako gumagawa kapag free time ko lang. Gumagawa ako kapag trip na trip ko talaga o kaya may nag pop-out na idea sa utak ko na kahit anong scenario. Wala akong pakielam noon sa mga teachers ko na pumupunta dito sa bahay. Minsan pa nga nagpapanggap akong tulog kapag nasa bahay na yung teacher ko. Para kunyari tulog pa din para lang makapagsulat sa wattpad. Nagkukulong o di kaya'y nagtatalukbong ng kumot.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, May Option pa ba?
RomanceNaniniwala ka ba sa tadhana? eh sa Second Chances? Iniisip mo ba kung deserve niya nga ba talaga yung pangalawang pagkakataon na yun? may mga bagay pa kaya na maibabalik katulad ng nararamdaman mo sa isang tao noon?