Pagkauwi ko sa bahay nagkulong ako sa bahay at nag foodtrip ako mag isa nang ang pumasok si kuya sa kwarto ko. Napaka pakielamero pa naman niya halos lahat ng nasa kwarto ko papansinin niya.
"Amoy suka na dito ah bea.." sabi niya noong pagkabukas niya yung pinto at inamoy amoy yung kwarto ko.Lumalaki na naman yung butas ng ilong niya at Hawak hawak pa niya yung door knob tapos ang bigat pa naman ng kamay niya.
"Bakit ba? gusto mo?" pagtataray na sabi ko naman habang ngumunguya ng isaw at inalok si kuya.
"San mo nabili yan? Paano ka nakakalabas ng gate ng school niyo o yung gate dito sa bahay?" sabi niya habang papalapit siya sa akin at kinunot ang kanyang mga noo.
"Pinabili ko sa kaibigan ko."
"Sino si Kyle?" sabi niya habang kumuha ng dugo at isinubo ito. Tumango lang ako sa kanya
"Bagay kayo nun." sabi niya habang ngumunguya ng dugo.
"Bestfriend ko lang yun!" sabi ko naman at isinawsaw yung dugo sa suka.
"Bestfriend na may halong landi? Pero alam mo bagay kayo.. Pareho kasi kayo... Parehong.. Nerd!" sabi niya at halos di na siya makahinga sa kakatawa.
"Che! dun ka na nga!" sabi ko at sinipa ko yung hita niya.
"Napipikon. Totoo talaga yii" biglang hinila yung cheeks ko muntikan na ngang matapon yung suka sa bed sheet.
"May pa kwintas kwintas ka pa siguro bigay yan ni Kyle no?" sabi pa niya.
"Hinde! binili ko to!" sabi ko naman habang hawak ko yung pendant ng kwintas at tinitigan ito.
"Wag ka na ngang magdeny jan, Alam mo Bea dalaga ka na at hindi mo yan matatakasan. Alam ko na yang mga ganyan." sabi sa akin ni kuya at sinuklay suklay at inayos yung bangs ko. At patuloy pa rin niya akong inaasar na dalaga na daw ako. Hindi nalang ako umimik.
"Ayos lang yan. Sana kaforever mo na yan. Mukha namang katiwa-tiwala yung mukha ni Kyle eh." dagdag pa niya.
*End of Flashback*
"Naalala ko tuloy lahat lahat ng kalokohan natin sobrang solid pala ng friendship natin 'no?" sabi ko sa kanya
"Naalala ko pa tuloy yung araw na sinagot mo ako sa simbahan."
*Flashback*
4th year high school kami at nag entrance exam kami sa isa sa big 4 dito na university dito sa Pilipinas. Bago kami mag exam dumeretso muna kami sa simbahan umupo kami saglit tapos sabay kaming lumuhod.
"Jinxxx!" sabay namin na sabi at natawa kami tapos nag dasal na kami. Ang lakas talaga ng pagdadasal ni Kyle
"Lord sana makapasa po kami ni Bea kasi dream school po talaga namin to. ulungan ninyo po kaming maabot yung mga pangarap namin. Sana po magkasama parin kami hanggang sa makagraduate. Bigyan din po ninyo sana ako ng lakas para sabihin sa kanya yung mga gusto kong sabihin sa kanya. Kayo na po bahala sa amin. Amen."
Tumingin ako sa kanya at tinanong ko kung bulong ba yun.
"Malakas ba? Okay sorry." sabi naman niya sa akin at napayuko na lang siya bigla.
Wala rin naman kasing tao dito sa simbahan kundi kaming dalawa lang kaya rinig na rinig ko.
"Ano yung aaminin mo?" Tanong ko sa kanya at nakapamewang na ako sa kanya.
"Ano kasi... uhmm... ano.. pwwe--..."
"ANO? SABIHIN MO NA?!" sabi ko naman na atat na atat malaman kung ano man yun. Naiinis pa naman ako lalo na kung binibitin bitin pa ako.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, May Option pa ba?
RomanceNaniniwala ka ba sa tadhana? eh sa Second Chances? Iniisip mo ba kung deserve niya nga ba talaga yung pangalawang pagkakataon na yun? may mga bagay pa kaya na maibabalik katulad ng nararamdaman mo sa isang tao noon?