Chapter excerpt

376 16 20
                                    

L O V E  F O R  D U M M I E S

"What are you doing?" he asked me, his brows met with confusion.

"Wait lang... I think I'm having a heart attack," I explained while holding my chest.

"W-what!?!" He immediately grabbed my hand. "Let's go to the hospital."

"NOOOOO!" I shouted. Napapasong kinalas ko ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Just don't touch me," I hissed.

Nagtaka na naman ito at tila naguluhan sa sinabi ko. A questionable WHY is readable in his face.

I sighed. I looked at him in the eyes. "May galit ka ba sa akin? Why are you trying to kill me?"

"The heck do you mean?!" nawiweirduhang tanong nito.

"I'm experiencing this heart attack everytime you are near," I explained. Tapos ay binigyan ko ito ng aking makamandag na death glare. "If I'm gonna die because of this, promise, mumultuhin kita!"

He remained blank for a while, siguro dinidigest nito ang mga pinagsasabi ko. When he recovered, nakita kong tumaas ang sulok ng labi nito at nanatili iyon sa ganoong posisyon. Parang natatawa din ito na ewan. Parang may alam ito na hindi ko alam.

"Ba't ganyan ka makatingin?" di makatiis na tanong ko. "Alam mo ba kung anong nangyayari sa akin?"

He gave a soft chuckle. "Yup!"

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko. "So, why am I like this?" curious kong tanong.

"You are in love, dummy."

"Love? With whom? You?" taas kilay kong tanong.

"W-well...yeah...based from what you said," medyo naghesitate pa ito sa pagsabi nun.

I remained silent for a while. Sinisink-in pa lang ng utak ko mga nireveal nitong kasagutan.

"But I love Grandpa Pop. Love ko rin si King. Love ko si Mimi. Marami akong love na tao. Anong pinagkaiba nung sa iyo?" naguguluhan kong tanong nang finally ay pumasok na sa utak ko yung sinabi nito.

Nag-iwas ito ng tingin. Napaubo-ubo pa ito.

"Your love with me is...." naghahanap yata ito ng appropriate words pero wala itong mahanap. Later on, naggive up ito at napailing-iling na hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "Shit! You are making this difficult for me," frustrated nitong wika.

"Ano na?"

Nagbuga ito ng malalim. Napatirik pa mga mata nito at sinapo nito ang ulo.

"Basta!"

"Huh? Anong basta?"

"Basta you love me, you dummy!"

============================

Sakurainbloom: Sabihin niyo po kung okay lang. I like honest feedback above all things. thanks po! :)

Love For Dummies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon