Chapter 8 - Secret

170 14 9
                                    

Chapter 8 

Secret

Nagulat talaga ako ng tumambad mukha ni Rain sa akin. I didn't foresee nor expected to bump with him in the hallways. Akalain mo iyon, on going pa lang ang search and operation ko to find him and the time where I least expected him ay dun ko pa ito nahanap.

Pero kung ako nagulat, mas nagulat si Rain. Hindi siguro nito inaasahan na makita rin ako.

"Yuri? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong nito.

"Hinahanap ka," I replied. Hindi ko itinago ang saya sa boses ko. "At sa wakas ay nakita na kita!"

I am still on the second year hallways kaya nakuha nito sigurong nanggaling ako sa classroom nito. Nakita ko kasi ang pagsulyap nito sa direction ng classroom nito na siyang pinanggalingan ko nga kanina.

"Bakit?" nagtataka pa rin nitong tanong.

"Because magtatatlong araw na kitang hindi nakikita. Magpapaturo sana ako eh. Saan ka ba galing?"

"Magpapaturo?" kunot-noong ulit nito. "Diyan lang sa labas," sagot naman nito sa katanungan ko with no elaboration at all.

"Yup!" Nilabas ko ang cellphone ko. "Ito oh," pakita ko dito.

"Cellphone?" di ito makapaniwala ng makita ang hawak ko.

"My Grandpa Pop bought me one. Kaso hindi pa ako marunong gumamit eh. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng ganito. Eh sabi ni Mimi I need to call and text her. The problem is that yun nga, hindi ako marunong," paliwanag ko.

"How could you not know to use this?"

"Hindi ko naman kasi kailangan dati. And whenever I wanted to contact Grandpa in the past, I just used our landline phone," kibit-balikat kong sagot.

"Kaya kitang turuan. But don't you have your class?" paalala nito.

Nanlaki mga mata ko sa narinig. Suddenly I realized what I have done. "Hala! Oo nga pala! Nakalimutan ko!" nagpapanic kong wika.

Narinig kong tumawa ng mahina si Rain.

"Kailangan ko ng bumalik sa classroom, kaya lang..." binitin ko ang sinasabi saka nag-aalanganing tumingin kay Rain.

"Baka pagalitan ka nung teacher," dugtong ni Rain. 

Umiling ako. "Baka hindi na naman kita mahanap."

"About that, I will be waiting for you in the rooftop for lunch. Dun na rin kita tuturuan," saad nito.

Natahimik na ako sa narinig at napayapa ang loob. "Sige! Mayang lunch ha." Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo na ako patungo sa classroom ko.

Lunch time has come. Masayang nagpunta na ako sa rooftop dala ang cellphone at lunch ko. Nagbabaon na ako ng lunch nitong nakalipas na araw dahil hindi ko masyadong feel ang pagkain sa canteen. Sa panlasa ko ay halos pare-pareho silang lahat ng lasa kahit magkakaibang putahe. Tuloy, nagbabaon ako ng lunch sa kabila ng pagprotesta ni Grandpa Pop. I argued that I can buy my snacks in school but not with lunch. Para wala ng magawa si Grandpa ay nag-uwi ako last week ng sample ng lunch mula sa canteen ng school. And panalo na kaagad ako sa aking pleading. Maging kasi ito ay nalukot ang mukha ng matikman iyon.

"Hello Rain!" masayang bati ko kay Rain na kasalukuyang tahimik na nakaupo.

Agad itong bumaling sa direksyon ko. Tinanguan lang nito ako.

Umupo ako sa tabi nito.

"Kamusta?" tanong ko.

"Kamusta?" nagsalubong kilay nito. "Magkausap lang tayo kanina," he reminded me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love For Dummies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon