Chapter 7 - The Secret That Binds Them 1

795 20 0
                                        

While Jordan and Georgona's wedding is fast approaching, palayo naman ng palayo sa kanya si Jordan. He would always make sure na wala siya sa bahay kapag pinupuntahan nito si Georgie. The two were busy preparing for their wedding.

She enrolled for her first semester in College, she focused on her studies to forget about Jordan but it was an epic fail! Katatapos lang ng klase niya at inaantay niya ang driver nilang si Manong Marco. Dati ay sinusundo siya ni Jordan sa School tapos ay kakain sila sa labas, mas madalas pa nga yata silang mag hang-out keysa sa date nito kay Georgie. How she missed him.

"Mang Marco, ayoko munang umuwi, pakihatid na lang po ako sa Makati, sa Rockwell po tayo dumiretso." Utos niya sa family driver nila. Gusto niya munang aliwin ang sarili.

"Walang problema hija, basta mag-text ka sa mommy at daddy mo ha? Ayokong malagot." Pabirong sabi nito.

Natawa naman siya. She always like Mang Marco. Napakabait kasi nito sa kanilang magkapatid lalong lalo na kay Georgie.

"Don't worry po magpapaalam ako."

"Nandoon din ba si Georgina sa mall na pupuntahan mo?"

"Wala po. Ako lang mag-isa manunuod e."

"Paki-text nalang si Georgie hija, pakisabi ingat siya pauwi, nasira kasi ang cellphone ko kaya di ko siya ma-text. Kung magpapasundo siya, magtext na siya agad sa'yo ngayon." Nag-aalalang sabi nito

This man really have some special feelings for Georgie, sanay na siya dito dahil  para ng anak ang pagtingin ni Mang Marco sa kanila. Nagtataka lang siya kung bakit nagtatyaga pa itong maging driver nila  gayong unti-unti ng umaasenso ang buhay nito dahil sa negosyong Laundry shop. When he she asked him about it, he said that he's saving a large money to follow his own daughter in Canada.

"Sige po." She started to text Georgina. "Sasabihan ko po si ate na ibili kayo ng cell phone."

"Naku wag na hija, nakakahiya sa ate mo..."

"Ah basta po, ipapabili kita kay Georgie ng bagong phone, sigurado bibili agad iyon."

"Salamat kung ganun hija, basta salary deduction na lang ha..."

Tumango na lang siya. Kilala niya si Mang Marco bilang masikap at maprinsipyong tao, hinahangaan niya iyon.

She was in line to buy a movie ticket when she saw a familiar man. It was Jordan. Her heart beats faster, halos gusto niyang tumakbo palapit dito. Gosh! More than a month na niya itong hindi nakikita. Here goes this familiar excitement and nervousness again!

Pero kumunot ang noo niya nang makita ang kasama nitong babae. She was hugging Jordan and even tiptoed to kiss him.

She gritted her teeth. Is he cheating on her sister?! Kilala niya lahat ng kamag-anak at mga pinsang babae ni Jordan pero hindi niya pa nakita ang babaeng ito, so obviously, she's not his relative! The woman was tall and very beautiful, she also looked expensive and must be coming from an elite society. Nakita niyang hinawakan ni Jordan ang kamay ng babae at marahang hinila pababa ng escalator. Sinundan niya ng tingin ang mga ito, she saw Jordan bent his head to whisper something at the woman and the woman giggled.

Nanggigil siya sa inis.

Kahit sa loob ng sinehan ay wala sa pinanunuod ang isip at diwa niya. She couldn't believe this, Jordan is cheating on Georgina and yet she felt that he was cheating on her! She felt like crying. Jordan cannot do this!

Hold your horses Celestine, ask him first kung sino talaga ang babaeng iyon

Pagkatapos ng palabas ay diretso ng umuwi si Celestine.  Matamlay siyang bumaba ng kotse nang makarating sa kanilang manchion. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nakaupo sa sofa ng living room si Jordan. Just about four hours ago ay may kasamang itong ibang babae sa mall tapos ngayon andito agad ito sa bahay nila?

Hate and Desire (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon