Pureè's POV
Nakauwe na kami ni mommy from Tita Lora's house.
Dito ako ngaun sa kwarto at di makatulog.
Ah!!!! G-r-r-r! Ano bang problema nya??? Ano bang ginawa ko para masuklam sya sa akin ng ganun? Kung ang tinutukoy nya ay dahil sa mga pang aasar ko sa kanya noong mga bata pa kami... halerrr??? Ang tagal na nun. So pathetic. Sabi nya nagbago na sya. Sabi nya nagmature na sya. Eh ano pala yung pinakita nyang ugali sa kin kanina? At mas ok pala sya pag wala ako dito sa Pilipinas hah!....
Hhhmmm...
Sige lang Matt. Papanindigan ko yang sinabi mo. Sisiguraduhin ko na di talaga magiging ok ang pakiramdam mo habang nandito ako..
Hehehe (evil grinn)At dahil di ako makatulog eh binuksan ko ang aking laptop. Inopen ko ang aking fb at sinerch ulet ang account nya. Binasa ko ang mga post sa wall nya.
'Guyz, thanks for watching our game tonight. Next game samahan nyo ulet ang team namin ha. See yah all on wednesday
#winner'
Hmmm... ano kaya kung manood ako ng game nya...
At patuloy ako sa pag browse ng account nya. May nakita akong picture na nakatag sa kanya na may kasama syang magandang babae.
Caption: "My sweetie i miss you so much. I can't wait to be with you again. I promise to win my international tennis game here.
From London with love♡" -- end of caption
Girlfriend kaya nya ito? Bakit walang "in relationship" na nakalagay?
Nagpatuloy ako sa pagbrowse hanggang sa makatulog ako.
SUNDAY
Church mode at Immaculate Conception Parish...
Solo flight ako kc maagang pinuntahan ni mommy ang little Bro ko sa area kung saan sila nagcamping with his co-boys scouts. Kaya di rin namin sya kasama ni Mommy kagabi sa dinner.
Type kong magsimba ng maaga eh kase maggogrocery pa ako. "Bilin ni Mommy". Masunurin naman ako. Heheh.
Napakasolemn sa loob ng church. Tulad pa rin ito sa dati nung bata pa ako. Dito talaga kami madalas magsimba noon lalo na nung buhay pa si Daddy.
Mataman akong nakikinig sa sermon ng pari.
Time for greeting and giving peace na...
I greeted lahat ng katabi ko with my lips smiling on them. They smiled back naman.
Binati ko rin ang mga nasa likuran ko....
"Hi iha... peace be with you."
"Tita Lora! You're also here! Peace be with you. Hi Matt... peace be with you too..."
He just smiled a bit.
Hmp. Ang suplado naman... wala man lang "peace be with you too..."
Natapos na ang misa.
"Tita una na po ako sa inyo. Pinaggogrocery po kase ako ni Mommy."
"Sige iha. Do you have a car with you"
"Wala po. Magtataxi na lang po ako."
"No, Matt is going with you. Pareho naman kaming may dalang car. Gusto sana kitang samahan kaso i have an appointment pa to attend to. Matt could you be an angel and bring Prureè sa grocery store?"