Pureé POV
"Thanks for the ride" sabi ko matapos ako ibaba ni Matt sa harap ng gate namin.
Pip! Pip! Busina ng sasakyan
" Andito na pla sina Mommy"
Ibinaba ni Mommy ang bintana sa my driver's seat.
" Hello ijo, nandito ka pla "
" Hi po tita.Hinatid ko lang po si Purisima. Pinasamahan po kc siya sa akin ni mama mag grocery. "
"Thank you ijo. O Pureé bakit di mo siya papasukin sa sa loob at ng makapagmerienda?"
"Yes mom, yun na nga po ang gagawin ko (kahit na wala naman talaga akong balak gawin un...)... pasok ka muna Matt para makapag merienda" At nagdrive na si Mom papasok sa bakuran namin.
"Hindi na, may gagawin pa ako. Next time na lang kita singilin. You owe me one remember that"
"What do you mean? Hoy wala akong utang sayo!"
Di nya ako pinansin at nagdrive na palayo.
TUESDAY NIGHT...
Nasa kama na ako at nagreready matulog ng bigla nagring ang cp ko.
From: +63927-###-####
Me:Hello, who is this please?
Matt: Watch my basketball game tomorrow night at MOA Arena.
(Saan naman kaya nakuha ng lokong to ang number ko...)
Me: I can't. Im busy. I'll be preparing a report.
Matt: I won't take no for an answer. You owe me one remember? It's an order.
Me: but i-
Toot... toot... toot...
Pinagpatayan ako ng telepono ng loko! He is so G-R-R-R!!!
Ah bahala siya. I'm not going to watch his game. Pwede ko naman sabihin sa kanya na nanood ako kahit hindi naman. Sa dami ba naman ng mga tao dun eh mapapansin pa nya kung wala ako... hek hek hek.
SA OFFICE
"Next week pwede na tayo pumunta sa site." Sabi ko sa mga tao ko matapos mareview ang designs ng project na gagawin.
"Ok mag lunch break na muna tayo"
Kuriringgg... kuriringggg ( sorry na agad sa lumang tone ng cp ko hehe)
Me: yes,hello?
Matt: i just want to remind you about the game tonight.
Me: ok, wathever (umiikot pa ang mata ko habang sinasabi ito).
←_←→_→
Matt: ipinareserve ko na ang isa sa front seats for you. At pinapalagyan ko na rin ng name mo. Kaya alam na alam ko kung nanood ka or hinde.
Oh my geeee..... di pala ako makakalusot sa mokong na to. Haist! Mukhang mapipilitan akong manood.
Me: ok fine. Manonood lang pala eh.
Matt: not just that. Magdadala ka ng banner na may jersey number ko at pangalan ko.
Me: ok. Yun lang pala eh. (Manonood lang may banner pa...maarte.)
Matt: and magchecheer ka for me. Yung malakas ha. Yung dinig ng buong arena.
Me: wow ha.. anong palagay mo sa akin? si Athena ng She's Dating The Gangster??? Gusto mo rin ba magsisigaw din ako dun ng "go sexy, sexy love?!?!"
Matt: ikaw ang nagsuggest niyan ha hindi ako, kaya gagawin mo yang sinabi mo.
Me: ang baduy ha. (Rolling eyes again)
Matt: kilala mo ako Purisima. Siguro naman naalala mo pa yung huling beses na di mo sinuklian ang favor na binigay ko sayo...
Toot... toot... toot... (pinagpatayan na naman ako ng telepono)
"Grrr!"
"Hoy friend ano ba nangyayare sayo? Sino ba yung kausap mo sa telepono?" Tanong ni Arnee
"Ang mayabang na si Mattias Serano" naiinis na sagot ko.
"Oh my gosh friend!!!! Kilala mo siya???" ♥_♥
Puso-puso na naman ang mga mata ng friend ko.
Kamag-anak yata to ni Sailor Moon eh. O baka naman isa ito sa mga fan girl ni Rukawa ng Slam Dunk. ( sa mga di nakakaalam ng mga nabanggit ko eh paki google na lang po :) )"Oo, kilala ko. Siya lang naman yung bwisit sa buhay ko na kinukwento ko sayo dati."
"Weeehhh... parang di mo naman mare nababanggit ang name ng ultimate crush ko sa mga kwento mo.." ♥_♥
"Excuse me... nabanggit ko ha. ▶_◀ (singkit mode activated) ... Siya si Matt short for his real name Mattias,like duh!.. Di mo alam un?" ▶_◀
"Ah... siya pala yun..." ♥_♥
Etong kaibigan ko eh may pagka-slow din kung minsan...
"Oo siya na nga yun. At may problema ako sa kanya. Gusto ba nman eh magchecheer ako sa kanya ala-Kathryn Bernardo tonight sa game nya. At gusto pa nya eh magdala ako ng banner na may pangalan nya at jersey number. Eeeewwwnessss.... "
"Pano naging problema yun? Ang astig nga nun eh..." ♥_♥
"At saan naman ako kukuha ng banner sa ganitong oras eh mamaya na ung game?"
"Don't worry girl..." may kinuha siya sa drawer ng kanyang table.
"Charraaannn!... banner." Aba ang loka at meron ngang banner na may pangalan at jersey number ni Matt.
"Bakit meron ka nyan?"
"Halerrr??? Fan girl nga di ba? Dinadala ko yan pag nanonood ako ng game nya pagkagaling ko sa work.At hindi lang yan..."
May kinuha ulet sa drawer.
Oh my geeee.....
Costume ng isang cheer dancer!
"Don't tell me sinusuot mo rin yan pag nanonood ka ng game! º_º"
"You're right my dear. Para kumpleto ang effects. Hoping na mapansin nya ako.. ★_★
Kaso wa epek eh... --_-- "
"Pero ok lang yun. Makita ko lang sya sa loob ng court eh happy na ako ^_^"
Grabeh naman tong friend ko. Ang bilis magbago ng emotions.
"At dahil sabi mo eh magchecheer ka mamaya sa papa Matt ko eh ipapahiram ko sayo yang banner at yang costume ko."
"What??? Sinong may sabi na isusuot ko yang costume na yan? No way!"