Chapter 10

8 0 0
                                    

5:30 a.m.

Naisipan kong  magjogging sa isang park malapit sa aming house.

Medyo marami rin palang tao na nagjojogging dito kahit na ganito pa lang kaaga. May mga matatanda na nagzuzumba sa isang quadrangle. May grupo ng mga kalalakihan na mukhang atleta na nagjojogging din.

May mga nasa middle age na naglalakad na may bitbit na alagang aso.

May mga kabataang lalaki na nag eexhibition habang sakay ng mga bisekleta nila.

Sa gilid naman ay may mga stall ng mga kakanin at iba pang pagkain na pang breakfast.

Nagstretching muna ako at inilagay sa mga tenga ko ang headset. Gusto ko kc mag sound trip habang nagjojogging.
Mas nakakagana tumakbo.

Nag umpisa na ako tumakbo.

Medyo malawak din pala ang park na ito. Di ko pa man nalilibot ang buong park ay tagaktak na ang pawis ko.

Paliko na ako ng bigla akong mabunggo ng kasalubong ko.

"Aayyy!" Sigaw ko.

May deprensya na Ba ang mga senses ko dahilan para lagi na lang akong mabunggo. O etong mga bumubunggo sa akin ang may deprensya...

Napaupo ako sa lakas ng impact. Buti na lang madamo  ang park.

"Ooooppppsss.... Sorry miss". Anang isang lalaki habang inaalalayan ako sa pagtayo.

Ipinagpag ko ang bahagi ng katawan ko na napabagsak.

" hey... Its you. Hi Puree"

"Ui Ef, as in Efren. Ikaw pala. Bakit andito ka sa park ng barangay namin?" Wika ko.

"You mean taga dito ka rin sa barangay na ito?" Balik tanong ni Ef.

"Magkabarangay pala tayo?" Tanong ko naman.

Ang galing no? Puro tanong kami. Wala man lang sagot.

"Kakalipat lang ng family namin mga 2weeks ago. Sa sampaguita street kami. Ikaw Ba?" Tanong ni Ef.

"Sa kampupot street naman ako." Pati pangalang ng street namin mabaho pakinggan, sing-baho ng name ko. Haissstt....

"Uy talaga??? Nadadaanan ko yung street na yun bago makarating sa house namin. Dalwang kanto lang pala ang pagitan natin eh." Masayang sabi nya.

"Balita ko dito rin sa barangay na to nakatira si Serano."  Lahad nya.

"Ah oo sa calachuchi street nman sya. Tatlong kanto ang layo sa house namin" sabi ko sa kanya.

"So... personal mo pala talaga siyang kakilala?"

Ang dami nyang tanong ha..
Mukhang enteresado sya Kay Matt...
Hmmmm... Hindi kaya..... Beki sya????
Di nman siguro.
Napapilig ang ulo ko habang nasa  ganoong kaisipan...

"Hindi mo sya personal na kilala?" Inakala yata nya na yun ang sagot ko sa tanong nya kanina dahil sa pag iling ko.

"No, I mean kakilala ko sya. Kababata ko sya. Dito sa park na ito kami madalas dalhin ng mga mom namin nung mga bata pa kami." Kwento ko habang binabalikan sa isip ko ang itsura ng park na ito nung kabataan ko.

"Oh, I see..." Sabi nya.

"I bet, di ka pa rin nagbbreakfast. Tara samahan mo naman ako. May nakita akong stall ng pagkain sa banda dun. Mukhang masarap ang pagkain nila." Aya  niya sa akin.

Napangiti naman ako. Gutom na nga rin ako. . 6:00 a.m. pa lang naman ngaun. May oras pa ako kumain at mag ayos ng sarili bago pumasok sa office.

"Tara, unahan tayo papunta dun. Kung sino ang mahuli ay sya ang magbabayad ng kakainin natin. Sabi ko sa kanya"

"Sige bah!" Nakangiting sagot nya. Sabay takbo di pa man ako nakakahuma.

Ewan ko Ba kung ano ang naisip ko at nakipagbet ako sa kanya. Late ko na napagtanto na di nga pala ako mabilis tumakbo.

As expected talo ako... Sigh....

Nakaupo na sya sa isa sa mga table na may umbrella at nakangiting naghihintay sa akin.

Humihingal pa ako nung makarating sa kainan na sinasabi nya.

Bago pa man ako makalapit ay may bumunggo na naman sa akin..

"Aaarrraaayyy... Ano Ba namang umaga ito oh. Di pa man tumataas ang araw eh kotang kota na ako"

Ang kaibahan lang nung kanina  kasabay ko bumagsak yung nakabanggaan ko kaya di ako masyado nasaktan kc nasa ibabaw ako ni.... Matt?????

Hala!
Taranta akong tumayo.

"Bakit Ba nambubunggo ka? May deprensya Ba talaga yang paningin mo?" Galit Kong tanong. Habang pinapasadahan ng mabilis na tingin ang kabuuan nya. Nakajogging pants sya at sweat shirt. Pawisan sya na mukhang nagjogging din.

"Ako pa talaga ang sinasabihan mo ng ganyan? E ikaw nga itong bumangga sa akin. Nagjojogging lang ako dito eh nang aano ka eh." Inis na sagot ni Matt.

Sabay lapit ni Ef .

"Are you guys OK? Ok  ka lang Ba Puree? May masakit Ba sayo" Nag aalalang tanong ni Ef.

"OK lang ako. Wag mo na akong alalahanin. Tara na. Kain na tayo. Gutom lang to." Sagot ko sa kanya habang hinihila ko siya sa kamay para igiya sa lamesang napili nya kanina.

"Wait." Pigil nya sa akin. At humarap Kay Matt.

"Pre, you may join us if you want."

"No thanks pre." Sabi ni Matt.

"I insist pre. Wala na ibang space kundi dun sa table na Napili namin."

"Halika na nga gutom na ako. Ayoko malate sa office". At hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at hinila sila papunta sa table. Ang Arte kase. Kakain lang eh pahiya hiya pa.

Tahimik lang naman silang sumunod sa akin.

Maganda ang pwesto ng kainan na ito. Puro table sya with umbrella. Masarap ang hangin  at nakaharap sa isang malaking fountain. Madami kumakain. No wonder... Masarap kase talaga ng pagkain dito.

Umorder na kami. Parepareho kaming  tapsi ang inorder. Parepareho din kami nagsabaw ng kape sa kanin. At Sabay Sabay pa ha. Pati pagsubo. Sabay Sabay din kami napapikit pagkatapos ng Unang subo.

Pagdilat ng mga mata namin nagkatinginan kaming  tatlo at nagkangitian.

" it is good that the three of us have something in common...." Sabi ko sa kanila habang ngumunguya.

"Yeah. I believe in that."sang ayon ni Ef.

Tatango tango lang si Matt.

" maiba ako... Kayo bang dalawa kahit off-court na e di pa rin nagpapansinan? I mean, game is a game. As in laro lang diba.....
Di nman siguro masamang magpansinan at maging  friends off-court." Mahaba Kong litanya.

"Wala kang alam..." Sabi ni Matt na tila may itinatagong kwento sa likod ng kanyang sinabi.

Napailing na lang si Ef ...
"Tsk! Tsk! Ang tagal na nun pre..." Sabi nya. At pinili na lang manahimik.

"Hhmmmm... Tila may something kayong dalawa ha... Malalaman ko rin yan." At inubos ko na ang pagkain.

"Miss, may I have our bill?" Tawag ko sa serbidora.

"Eto po mam"

Aabutin ko na yung bill para bayaran pero naunahan ako ni Ef.

"Wag na, ako na to. Syempre di oo naman hahayaaang babae ang magbayad." Sabi nya.

"Ako na, may pustahan tayo eh. Ako ang nahuling dumating kc mabagal ako tumakbo kaya ako ang talo." at pilit kong kinukuha sa mga kamay nya ang bill.

"Hinde.. Ako na nga. Wag mo na isipin ung bet." Sabi nya.

"Ako na nga sabi" at nakikipaghilahan  pa ako sa kanya sa bill... Nang biglang hinablot ni Matt ang bill at iniabot sa serbidora kasama ang 500 pesos.

"Here miss. Keep the change" wika niya sabay  tayo at tuluyan ng umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinasabi ko na nga baTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon