"Welcome home 'nak" si manang.
"Manang! Namiss ko po kayo at ang mga luto nyo." Sabi ko.
"Kumusta ang america? Kumusta ang trabaho mo dun bilang architect?"
"Ayos lang po manang... pinadala po ako ng company dito sa Philippines pansamantala pra magtake over sa senior architect nmin na nakaleave for some months. There are certain medical issues lang po na di pwede ipagpaliban." Sabi ko kay manang habang umuupo ako sa napakalambot na sofa ng aming sala.
"Baby, halika na sa komedor at ng makapaghapunan na tayo." Sabi ni mommy
Komedor???
Haist... si mom talaga namana ang pagkakastila ni lola pati sa pananalita.
-----------
Matapos ang masayang salu-salo ay dumeretso ako sa aking kwarto para magpahinga..
I took a shower first and wear my evening "costume". Wahehehe. Pajama at simpleng body hugging na sando lang naman po ang suot ko pag natutulog. Akala nyo yata kung anong costume noh? Peace... :-D
Napagod ako pero di pa nman ako inaantok. Manood kaya muna ako ng tv.
Binuksan ko nga ang tv at naghanap ng channel na pwedeng panoorin... sa aking pag-i-scan ay napadaan ang channel sa PBA. Di naman ako mahilig manood ng basketball... haist!... ililipat ko na lang sa iba....
Ng may biglang mahagip ang aking mga mata. Isang familliar na mukha ang aking nakita..
Parang kamukha sya ng kakilala ko.
Di nman siguro sya yun. Di nman sya ganun kagaling maglaro ng basketball para makapasok sa PBA. Saka ang lampa lampa kaya nya... hehe (smirk).
Haist... mabuti pa ay matulog at maaga pa ako bukas papasok sa office...
-----------
MOMMY IVY's POVNakakatuwa naman at medyo matagal ko makakasama si Pureè. Namiss ko ang anak ko. Kung maaari nga lang sana na dito na lang sya sa Pilipinas magtrabaho. Kaso gusto nya sa America eh kase nandun daw ang magandang opportunity.
Di naman sya kelangan magtrabaho sa malayo kase ok naman ang business na naiwan ni Lucio para sa mga anak namin bago sya namatay sa aksidente.
Kumikita naman ang mga apartment na pinaparentahan namin na sila mismo ng daddy nya ang nagdesign nung bata pa lamang sya.
Pero di ko sya pipigilan sa gusto nyang gawin kung dun sya magiging masaya... ang magtrabaho sa America.
Nasa ganito akong pag-iisip ng bigla magring ang cellphone ko..
Ring...
Ring...
Ring...
"Hello mareng Lora. Oo nandito na sya. Kakarating lang kanina. Talaga??? Naku di ko napanood. Salu-salo sa house nyo? Ngayong darating na Sabado? Oo ba.. sige pupunta kami.