Pureé's POV
Ako si Pureé
(pronounced as pyu-rey )
Yan ang sosyal kong tawag sa sarili ko. Eh kase naman yung tunay na name ko parang ewan... yung tipong ayaw mong babanggitin ng kahit na sino lalo na sa harap ng napakaraming tao...
Naalala ko tuloy nung 7years old pa lang ako...
-Flash back-
"Paglaki ko pakakasalan kita. Ikaw ang magiging asawa ko itaga mo yan sa bato!" yan ang palagi ko sinasabi sa kanya kapag inuumpisahan na naman nya akong asarin sa pangalan ko.
Si Matt.
8years old.
Anak ng friend ni Mommy.
Matanda sya sa kin ng isang taon pero mas matured naman ako mag-isip kesa sa kanya.
Akalain mong sa bata kong edad iniisip ko na ang future ko. Ganun ako kakiri este kaadvance pala..."Waaahhh...
Mama si Purisima po binibiro na naman ako.
Ayoko sa kanya mama, sabihin mo sa kanya di ko sya magiging asawa!"
Umiiyak na palagi nyang sumbong kay Tita Lora. Sabay tatakbo sya palayo sa akin habang sumisigaw...
"Ayoko sayo!
Ung teeth mo parang seating arrangement ni teacher pag may exam.One seat apart!
Tapos kulot kulot pa yang buhok mo!
Ang panget panget pa ng pangalan mo "PURISIMA DIOKNO"!
Yuck! Pang matanda....
basta ayoko sayo!"
Mangiyak-ngiyak na sabi niya.Basta ayoko sayo....
Basta ayoko sayo....
Basta ayoko sayo....
-end of flashback-
Yan ang moment na di ko makakalimutan nung dugyot pa lang ako.
Simula pa noon sinabi ko sa sarili ko na gaganda din ako.....
At pag nangyari yun... HU U ka saking Mattias Serano ka!
Kaya naman nagparebond ako ng hair nung high school ako...
Super ganda ng resulta. Long black and shiny na ang buhok ko. Pwede na maging model ng shampoo.
Tapos nag palagay ako ng braces...
kaso...
Sa sobrang grabe yata ng teeth ko ung tipong LDR lang ang peg sa sobrang layo ng distansya nila sa isa't isa eh di kinaya yung simpleng braces lang.
Ang inilagay sa kin ng dentist ko eh ung may parang headband na nakakabit sa braces...
Lalo tuloy ang panget tingnan.
At lalo lang ako inasar ni Matt...
Hay naku Mattias maghintay ka lang. Etong panget na to ang magiging asawa mo promise yan...
De joke lang... kinalimutan ko na yun. Bata pa ako nun... wala na rin sa isip ko ang pag aasawa.
Matapos ang aking pagmumuni muni ay nag ring ang aking cellphone.
"Hello Mom, im here na po. Kakababa ko lang ng plane. Nandyan na po kayo sa may gate? Sige po mom I'll just wait for my luggages."
..... After a few minutes
"Hello baby. Oh how i missed you so much! Mwuah!" Masiglang bati ni mommy.
"Mom... im a big girl now. Stop calling me baby." Natatawang reklamo ko.
"But you are my baby. You will always be my baby" sabi ni mom.
Nakakatouch naman ang sweetness ni mom.
"How about me mom???" Singit ng 9year old younger brother ko.
"Syempre ikaw din. Ikaw ang baby boy namin forever." Sabi ko kay Bryxel habang ginugulo ang hair nya.
"Really?" Sabi niya
"Yes, really." Sabi ko.
"Really na really one million times?"
"Opo.. really na really one million times." Sagot ko sa kanya habang kinikiliti ko xa.
"O sya tama na yan. Let's go home. Nagpahanda ako ng espesyal na dinner kay manang." Mom said.
"Yeah! My favorite part of life!!!!" Magkasabay naming bigkas ng kapatid ko.