"Hoy mars, mars, huy!" Sabay tapik sa noo ko.
"Haaarrraaayyy... masakit din yun ha." Hinaplos ko pa ang aking noo.
"E bakit kase nakatulala ka diyan?"
"E kase naalala ko nung highschool pa kami ni Matt. May favor siya na hiningi sa akin kapalit ng favor na binigay nya sa kin. Di ko ginawa yung favor na hinihingi nya." Sabi ko.
"And?..." si mars tila naiinip na naghihintay ng kasunod ng aking sinasabi.
"Ah wala naman. Wag mo na isipin yun. Back to work na tayo" Medyo natataranta ko pang sabi sa kanya.
Tik
Tak
Tik
Tak
Tik
TakIlang oras pa ang matuling lumipas...
"Ui mars ano pa ginagawa mo dyan? Gabi na o. Mamaya mag uumpisa na ang game ni papa Matt."
.........
Driving to the arena...Piiipppp
PipippBongga ang traffic.
Lagot ako... malelate ako sa game nya.
Nakailang minuto pa bago mag green light.
"By heavens! Nakarating din sa wakas"
"O ano na girl tara na sa cr at magchange costume ka na! Dali!"
Habang nasa cubicle ng cr eh di pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko ito... haist.
Matapos lang to lagot ka sa akin Serano. Gagantihan kita.
Pagharap ko sa salamin di ko mapaniwalaan na sakto sa kin ung costume na tila ba ginawa para sa akin.
"Mars nakacostume ka rin? Thank you sa support ha. Your a real friend talaga..." nangingiyak ngiyak ko pang sabi kay Arnee
"Siyempre naman. Malay mo mapansin na nya ako this time."
"Ganon??? Akala ko pa nman kaya ka nagcostume din para suportahan ako. Yun pala may hidden agenda ka." Sabay hampas ng mahina sa kanyang balikat.
"Gusto rin naman kita suportahan talaga mars alam mo yan. Siyempre friend kita. Pero mas malamang yung kagustuhan ko na mapansin nya ako. Hehe" saka siya ngumiti ng OA at nag peace sign pa ang loka!
Hiyang hiya nman ako habang papasok ng arena. Alam mo yung feeling na lahat ng mata eh sayo nakatingin.
Patay nag uumpisa na nga ang laban.... at nangunguna sa score board ang kalaban nina Serano.
"Tara na mars. Hanap na tayo ng seats. Gosh! Im so excited." Sabi ni Arnee na mukha ngang excited na excited.
Teka...
Oh my...
Tama ba itong nakikita ko?
May pangalan ko nga yung seat na nasa first row malapit sa station ng mga team mates nya na di pa lumalaro.
"Ui mars halika. Hayun may bakanteng seats. Kaya lang may pangalan... Pu..
Pur...
Teka mars... pangalan mo ba yun???"
"Purusima!" At nilaksan pa talaga ng loka ang pagbasa sa pangalang nakasulat.
"Ano ba wag ka nga maingay nakakahiya"
Time out kc kaya walang naghihiyawan.
"Haleerrrr... basketball court to mars. Natural lang dito ang malakas ang boses at ang sigawan. Come on, dun tayo uupo sa upuang may pangala mo. Wag ka nang choosy. Walang ibang space kundi doon. Saka sigurado ako ikaw lang ang may pangalang purisima dito" at hinila na ako papunta sa sinasabing upuan.