Ilang araw pa ang matuling lumipas at Sabado na.
Nagpeprepare na ako ng sarili ko sa pagpunta kina tita Lora.
Nagsuot ako ng isang floral na dress na flowing ang laylayan na umabot sa aking mga tuhod na nagpapakita ng aking perfect pair of legs. May spaghetti strap yun na bumagay sa aking pang model na balikat at leeg. (Pag bigyan nyo na ako sa aking pantasya na sexy at kaakit akit ako... :) ).
Nag apply lang ako ng simpleng lipstick. At naglagay ng konting blush on.
Hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking hair. Hindi ko kelangan magpaganda ng bonggang bongga kc confident ako sa sarili ko. At saka di ko kelangan magpaganda para kay Matt..
Hey.. san nanggaling yun! Di naman si Matt ang ipupunta ko dun kundi si tita Lora.Tok! Tok! Tok!
"Anak ready ka na ba? Tumawag na si tita Lora mo. Hinihintay na niya tayo."
"Yes mom andyan na po."
Si mommy na ang nagdrive papunta kina tita. Pagkarating namin sa may gate nakaramdam ako ng kaba...
Ano toh mga teh?... naeexcite ba ako?... naeexcite ba ako makita c Matt?
No!
No!
No!
Erase!
Erase!
Erase!
Breathe in... breathe out...
Yan ganyan nga Pureè...
"Anak ang tagal mo dyan sa kotse. Ano, may balak ka pa bang bumaba?"
"O-opo Mom, andyan na. Eto na po bumababa na."
Sinalubong kami ni Tita Lora sa may pinto.
"Friend... come in, tuloy ka. Hey... eto na ba si Pureè? Wow... you look so gorgeous! I can't wait to see Matt's reaction when he sees you"
"I can't wait to see Matt too." Pabulong kong sabi.
"May sinasabi ka iha?..."
"Ah wala po tita, i mean... asan po c Matt?"
"Ay naku may game pa sya ngayon but don't worry he will come."
Iginiya nga kami sa may dinning.
"Di na natin hihintayin si Matt. Mauuna na tayo kumain kase for sure lalamig na ang pagkain bago pa dumating un. Ang dami ko pa naman inihanda para pagsaluhan natin. Sayang naman kung lalamig lang."
At nag umpisa na kaming kumain. Napakasarap ng mga pagkain para tanggihan. Wala munang diet.
Ding dong...
Ding dong...
"Wait lang ha baka si Matt na yan", paalam ni tita Lora.
Ilang saglit pa at bumalik na ulit sya kasama ang isang lalaki na pamilyar sa akin ang itsura.
"Ikaw?!?" Sabay naming sambit ng gwapong lalaking dumating.
"Hey... ano ba kayo. Ngayun n nga lang kayo nagkita ulet eh parang gusto nyo na naman ng world war? Matt... ito na si Pureè. Matagal mo sya di nakita di ba? Treat her well. Bisita natin sya ngayon. Halika at saluhan mo na kami" sabi ni tita Lora sa anak na si Matt na kasalukuyang medyo salubong ang kilay.
"It's nice to see you again Matt"
"Yeah right...It's nice to see me... E nung isang araw lang parang gusto mo na ako patayin ah" nang aasar na sagot nya.