Chapter 4 - Jonathan Lee

311 14 5
                                    

Jonathan's POV

Nandito kami sa canteen ngayon. Kasama ko sina Ted, Lorenzo tsaka si Luigi. Tapos na kami kumain at aalis na sana kami nang may nakabunggo saking babae.

Kitang kita ko kung pano nahulog yung pagkain niya at kung paano natapon yung juice sa damit niya.

Mukha siyang naiirita na nayayamot na naiinis na nababadtrip na ewan. :D

Tutulungan ko kaya siya o hindi? Eh hindi ko naman siya kilala eh. Magso-sorry nalang ako. Tama, magsosorry na ako tapos aalis na ako. Di na ako manggugulo pa. 

"Ay miss, I'm sorry." sabi ko dahil wala na akong iba pang masabi sakanya at naglakad na ako papalayo.

Hindi pa ako nakakalayo ng 15 steps biglang may sumigaw, 

"Hey! Ikaw! Mr. Juice!" huh? Ako kaya tinutukoy nito?

Napalingon ako sakanya tapos tinuro ko sarili ko. "Me?"

"Hindi! Ako, ako! May iba pa ba?" Hindi naman niya idol si Vice Ganda sa pagiging pilosopo niya ha?

"Pwede namang siya, or siya, or siya, or siya yung tinutukoy mo," tapos nagturo ako ng kung sino sino. "Di naman kasi Mr. Juice pangalan ko!" 

Kamalayan ko naman di ba na ako pala si Mr. Juice?! :D

Mukha naman siyang naasar sa sinabi ko. Pagt-tripan ko muna 'tong babaeng 'to. Ang pikon niya tapos ang dali niya maasar! Wahahaha! Bumalik na yung mood ko na mang-asar. :>

"Ugh! Basta ikaw! How dare you walk away from me earlier?" sabi niya ng pagalit. Mukha siyang dragon na reading-ready na mambuga ng apoy sakin sa sobrang galit! WAHHAHAHA! 

Nilapitan ko siya tapos ningitian ko siya. 

"Eh miss, ano pa bang kelangan mo sakin? Nagsorry na nga ako eh." 

"Can't you see you spilled juice all over me? Kung hindi ka lang pahara-hara sa daan!" sigaw niya. 

"I didn't spill juice all over you, natapon lang siya dahil nabunggo mo ako. At hindi mo naman ako mabubunggo kung tumitingin ka sa dinadaanan mo. Sooo, it's your fault." I calmly explained and then I flashed another smile! :D

"No! It's your fault, pahara-hara ka sa daan!" pagmamatigas niya.

"No, it's your fault miss."

"No, it's yours!"

"It's yours."

"I said it's yours so it means it's yours. I'm never wrong!" Never wrong? Wehh? Di nga?

Pinapaligiran na kami ng students. Naririnig ko pa yung bulong ng iba. May superpower ako e, malakas ang pandinig! HAHAHA!

I don't believe in love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon