Author's note:
Hi guys! ^____^ Long time no update? Sorry guys ha, ngayon lang ako nakahanap ng time para makaupdate. :) Anyways, pinagkasya ko talaga sa busy sched ko ang pag-update nito. Kaya kung may pagka-sabaw itong update na ito sisihin niyo na ako. XD Osya sya, wag na tayo magpatumpik tumpik pa! BOOMKARAKARAKA.
---------------------------------------------------
Tricia's POV
Andito kami ni Tiffany sa canteen ngayon. Kasalukuyan kaming kumakain.. ng wala ni-isa saamin ay naimik.
Para bang nagpapakiramdaman nalang kami.
Naranasan niyo na ba yun? Para bang yun tipong hindi ka magsasalita hangga't hindi siya magsasalita.
Pano kung ganun din nararamdaman ni Tiff? Edi hanggang matapos ang break namin tameme lang kami?!
Di ko ba alam kung bakit kami ganito.
Now that I think about it, hindi lang kami ni Tiff ang ganito. Pati kami ni Jonathan ganito din.
Teka?
May kasalanan kaya silang dalawa sakin at hindi nila sinasabi sakin?!
It can't be..
But pwede din?
AAAAAAAAAAH! ANO BA 'TO. ANG GULO.
Sige na nga. Makapagsalita na nga.
"Huy!!" Bigla siyang napatalon.
"Ha!? Bakit? Bigla bigla ka nalang nanggugulat diyan!"
"Bakit hindi ka nag sasalita, ano bang nangyayari sayo?" Concerned kong tanong. Oo, concern na ako nyan.
"Bakit? Bawal na bang tumahimik?"
"Hmm, hindi naman. Kaso nga lang hindi ikaw yung tipo ng taong marunong tumahimik. Ano ba kase ang nangyayare sayo? Alam ko may tinatago ka!"
"Ah, eh, wala ah!" Pag-aanlinlangan niyang sagot.
"Hay nako Tiff, since grade school best friend na kita at kilalang kilala na kita, kaya alam kong may tinatago ka, kaya pede ba sabihin mo na?!" Pagsigaw ko
"Hindi ka naman galet?!" Napapatingin na yung ibang tao saamin.
"Haaayy, pake ba nila. Parang di ka na nasanay sakin. Tsaka wag mong ibahin yung topic. Sabihin mo na kase!" Pagpipilit ko sakanya.
"Sige na nga!"
"Yan! Magsasalita ka din naman pala eh, pakipot ka pa!"
"Ganito kase, ano, kase ganito, basta ganon, tapos si ano!! Inano ako, tapos yun!" batukan ko kaya itong si tiff?
Kayo ba? May naintindihan ba kayo sa sinabi ni Tiff? Ako kasi, wala. -___-
"Grabe! Ang dami ko namang naintindihan ha?!" Sarcastic me.
"Hayyy. Sige na nga. Ito na talaga seryoso, kase nung umalis ka, diba may pinagkakaguluhan nun? Yung pinagkakaguluhan nila si Luigi pala yun. Tapos bigla ko syang nayakap sa harap ng madaming tao sa sobrang saya ko. Siya kasi yung nagturo nung lesson saakin kaya kita nataasan." Sabay belat niya pa saakin.
" Kaya pala ha! Ikaw ha, pasimple ka pa sa pagyakap."
"Teka nga di pa ako tapos! Mamaya ka na mag side comment," sabi ko nga, tatahimik na ako. "Anyways, pagkatapos ko siyang mayakap, syempre awkward, tapos niyaya nya ako na sabay daw kaming umuwi, no choice naman ako kase iniwan mo ako, wala tuloy akong kasabay. Eh ayoko naman umuwi mag-isa, kaya pumayag na ako! Tapos nagpaalam ako na mag c-cr muna ako, tapos pumunta muna akong cr. Tapos biglang may..."
BINABASA MO ANG
I don't believe in love.
RomanceA story of a girl who used to believe in love. But not anymore. Will she have a happy ending?