Tricia’s POV
FRIDAY
Nasa kwarto ako nang bigla akong tawagin ni Kuya.
“PRINCESS! SI MOMMY! NATAWAG!” Sigaw niya.
“Oo na! Oo na! Saglit lang.”
Ay onga pala, si Mommy nasa Cebu ngayon. Business trip.
Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ko si Kuya. Binigay naman niya agad sakin yung cellphone.
[Hello? Princess?]
“Hi Mom!”
[Anak, oo nga pala, makakauwi na ako bukas ng mga 3:00 or 3:30pm. Kasi may meeting ako ng 10am, siguro matatapos yun ng 12nn. Tapos 1pm ako makakarating ng airport. Kaya masusundo pa kita sa activity mo.]
“Ah eh sige mommy.” Sabi ko.
“Loud speaker mo!” Sabi ni Kuya. Edi ni-loudspeaker ko nga.
[Ikaw muna in-charge diyan, ha? Princess?]
“HUH? Mommy bakit si Tricia yung in-charge!! Why not me? T^T” Pagmamaktol ni Kuya. -.-
[Anak kasi, mas responasable si Princess kesa sayo.]
“HUWATTTT!”
[Hayaan mo na, Tristien. Next time, ikaw na ang in-charge. Does that sound okay to you?]
“Hmm, sige na nga.”
[See. Osya, bye bye na mga anak! Miss ko na kayo. Mag-ingat kayo ha? At ikaw Tristien wag mong papasakitin ulo ni Princess ha? Sige na, bye na! See you tomorrow.]
“Bye mommy! We love you!” Sigaw ni Kuya.
“Mommy, love you!” Pahabol ko.
[Aww, love you too mga anak! Bye!]
*toot toot toot*
Pagkababa na pagkababa ni Mommy ng tawag, bigla akong pinitik ni Kuya sa ulo.
“Problema mo ha? Basta-basta ka lang namimitik!”
“Ang daya mo!”
“Huh? Bakit naman?” Pagtataka ko.
“Ikaw ang ginawang in-charge ni Mommy. T_T”
“Huh? Parang yun lang.”
“EEEEH! Kasi eh!” Pagtatampo niya. Tapos pinitik niya ulit noo ko.
“Sus! Sabi nga ni mommy, wag mo pasakitin ulo ko! Bleh! Ay oonga pala kuya, paano na bukas? Kelangan hindi si mommy ang magsundo sakin!” Bigla ko nanamang naalala yung sabi ni Jonathan.
Buong week, yun lang ang nasa isip ko. Kinakabahan ako. Eeeeek. >___<
“Ewan ko sayo! Ikaw yung in-charge diba?” Sabay walk out ni kuya.
“Ehh kuya naman e! Please? Pretty please? Pretty please with sugar on top?” Sabay pout ko.
BINABASA MO ANG
I don't believe in love.
RomanceA story of a girl who used to believe in love. But not anymore. Will she have a happy ending?