Hi Guys! Yii, nagupdate ulit ako :D. Char-char ko lang yung chapter fifteen. Sabaw much. Hehehe :D Wala kasi akong magawa kaya mag uupdate ulit ako, ito na po. Hope you like it. :D
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tiffany’s POV
*Bed room*
Nandito ako ngayun sa kwarto ko, nakahiga habang iniisip ang mga nangyari sakin kanina. Grabe ha! Nakakahiya talaga reaksyon ko kanina nung nakita ko si Lourenzo. Secret lang natin to ah. Pero crush ko kasi yon! Pero mas gusto ko si Luigi. >///< Wait ano? Gusto ko? Ano na ba nangyayari sakin? Basta yun na yun.
Pero wait, kamusta na kaya si Luigi? Di ko naman sinasadya yung mga nasabi ko. Di ko din sinasadya na iwanan siya minsan. Ayoko lang talaga na tinatawag akong “BABE” lalo na’t hindi naman kami. Nakakailang kaya. TSaka nakakahiya. Di naman sa ikinahihiya ko siya pero, basta nakakahiya! Pero nanliligaw na siya sakin, wala pa ngang permiso ehh.
“Hoy Tiffany, kakain na!”
“Hoy lalaki! Kung maka-tiffany ka ah, parang hindi mo ako ate ah!” Yeah right. May kapatid akong lalaki. Siya si Marcus. Ako yung panganay at unica iha. Tatlo kaming mag kakapatid, dalawang lalaki tapos isang babae which is ako! Kaya nga unika iha ako diba?
“Oo nalang! Bumaba ka na nga magagalit nanaman si mommy pag di ka pa kumain.”
“Yii, concerned ka sakin! Hahaha!” tapos umalis na siya. Bastusing bata. Pero alam ko namang lab ako niyan. Masarap lang siyang asarin! Haha!
Nagagalit si mommy pag di ako kumain dahil dati nag collapsed na ako. Diba sa school lagi akong kumakain? Kaya pag nauwi ako busog na ako. Kakatamad kaya kumain. At mas lalong nakakatamad bumaba!
“Tiffany, bumaba ka na dyan!” yan sumigaw na si mommy! WOOO SCARY! Nabuhayan ako ng loob at agad akong bumaba.
*Dining room*
“Tiffany!” tawag sakin ni mom.
“Po?”
“Kalian ka ba magkaka-boyfriend?” Hala? Ano daw? Wala man lang paligoy ligoy eh. Grabe si mommy! Direct to the point. Kakagulat.
“Ma? Anong klaseng tanong yan? Nagmamadali?”
“Wala lang anak. Kasi hindi ka pa nagkakaboyfriend eh. Sa edad kong yan, madami nang nanliligaw sakin tyaka may boyfriend na ako ng idad na iyan.” Ano bang pinagsasabi nito? Nakakahiya!!!
“Hala? Ayoko pa!” Bakit ganon? Ibang iba sila sa mommy ni Trish. Mommy ni Trish ayaw na may boyfriend anak niya tapos nanay ko, tinutulak pa ako magkaboyfriend?
“Mom, pano talaga yan magkakaboyfriend eh wala nga dyang nangliligaw!” Ba, yabang nito ah. Palibhasa kasi popular siya sa school niya ngayon!
“Excuse me! FYI, may nangliligaw saakin no!” Yan, nadulas tuloy ako. Wala nang atrasan, Pero yai na! Kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko sa aking monster na kapatid! Rawr!
“Weh, sino ang nagkamaling nanligaw sayo?” Aba, yabang talaga ah!
“Si Luigi Catabay lang naman po!” Wahahaha. Hitsura ng magulang ko at mga kapatid ko, nganga. Priceless. Hahaha!
BINABASA MO ANG
I don't believe in love.
RomanceA story of a girl who used to believe in love. But not anymore. Will she have a happy ending?