Hi guys! Nakapag-update ulit. So happy!! Hihihi, so ito na. Puro POV kasi ni tiff yung chapter sixteen ehhh, kaya kay Tricia ulet! Baka kasi nakakalimutan niyo na siya. Hahahaha! Hope you like it :D
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tricia’s POV
Nandito na ako ngayon sa room ko habang iniintay si Tiff at ang next subject ko. Nasan na ba ang bruhang yun?
*after 2 mins*
Tss! Ang tagal naman ni Maam at nasan naba si Tiff? Alam naman nilang mabilis ako mainip. Oo, pati si Maam alam niya. How? Kasi dati sa sobrang tagal niya, sobrang nainip ako at nagsumbong kay mom. Ang mangyayari sana papatalsikin siya sa school. But mom had mercy on her. At mukhang inuulit nanaman niya ang kanyang dating gawi. Pshh, gusto ata matuluyan.
Ilang minuto pa ay natanaw ko na yung luka. Mukhang ewan. -__- Kung maka smile wagas, pero kung makatulala din, mas lalong wagas! Mukhang baliw. Jusko po Lord, ano na po ang nangyayari dito?
“Hoy Tiffany, where have you been?”
“all my la-aaaife~” aba at kinantahan ako ng bruha at umupo na siya sa upuan niya.
“Gaga! Wag mo nga akong makanta kanta diyan!” at nagulat naman siya! Shunga talaga to kahit kalian!
“oh! Sorry naman. Chill lang!” at ang ngiti nanaman niya abot hanggang tenga!
“Eh bakit ang saya saya mo?”
“Wala!” weh? Asa pa! Iba ang pagkahyper ni Tiff ngayon.
“Akin na nga yang phone mo!” at kinuha ko ang phone niya. Nakatitig lang kasi siya phone niya!
At binasa ko yung mga convo nila.
“Oy babae naguusap pala kayo ni Lourenzo? Ikaw ha! Lumalablife! Di man lang sinasabi sakin. Malihim ka!!” tapos inasar ko lang siya.
"Oo. Bakit, inggit ka?!"
“Gaga! Ba't naman ako mainggit? Haha. Tsaka teka, kawawa naman si Luigi!”
"Bakit naman kawawa? Naguusap lang naman kami ah?"
“ Pero by the looks of it natutuwa ka at naguusap kayo. Wag mo i-deny! Halatang halata ko na. So ano? Maguusap parin kayo?”
“Ewan ko! Crush ko siya, pero gusto ko si Luigi pero basta hindi ko alam. Hiniling ko kay Lord na sana may manligaw naman saakin. Tapos ngayon dalwa-dalwa pa! Iiiiiiieeeh!!” Hay nako Tiff!
“Wag ka nga umirit diyan, nakakarindi sa tenga! Tyaka hindi lang dalwa, tatlo! Si Karl pa!” sabay turo kay Karl na kasalukuyang nakatayo sa flatform na parang may sasabihin. Oo, may isa pa.
Si, Karl Gonzales. Matagal na din yun nangliligaw sa babaeng 'to kaso ayaw niya talaga. Matalino naman, gwapo naman, popular din. Pero ayaw talaga. Ano ba taste nito? -___-
"Tsaka teka, dalawa silang nanliligaw sayo?! At pinayagan mong silang dalawa?!"
"Oo, bakit? Mali ba yung ginawa ko?" Ughh, facepalm.
BINABASA MO ANG
I don't believe in love.
RomanceA story of a girl who used to believe in love. But not anymore. Will she have a happy ending?