Hi Guyys! :)
Enjoy <3
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tricia's POV
Kakagising ko lang tinatamad talaga akong pumasok ngayong araw. Dahil hindi ako makatulog ng ayos dahil kay Jonathan. Ang tagal na kasi naming magkasama tapos biglang di kami nagpapansinan? Well alam ko kasalanan ko pero I can't help but reminisce all our memories that we shared. Di ko talaga malimutan yung dinala niya ako sa beach, tapos sinabi niya pa na ako palang daw ang dinala niya doon. Yung sa garden bla bla bla...
"Princess, let's go malelate ka na!!" ayan na nga po si kuya.
"Kuya! Ayoko talagang pumasok"
"Yan ka nanaman, tara na! Magagalit si mommy. Ako na nga nagtapos ng paperworks mo kagabi eh. Ikaw lang pagod?"
Tapos napansin ko ang naglalakihang eyebags ni Kuya Tristien. Ang panget niya. Joke. Hahahaha, pero ambait niya talaga. Hayyy.
"Okay fine, speaking of mommy where is she?"
"Maagang umalis aasikasuhin daw niya ulit ang iyong debut." masiyadong excited talaga si mom next next month pa ang debut ko ha! Pero sinasabi niya na malapit lapit na ang debut ko. Pati tuloy ako naeexcite na. Feeling ko magiging bongga 'to. Aba dapat lang. Tricia Lopez hindi magiging bongga ang debut? Di ppwede! Hahaha.
After 15 minutes, nakarating rin kami ng school.
"Princess, ako ang magsusundo sayo later ahh." nagnod lang ako then pumunta na akong classroom ko. Nakakatamad nga, tatlo lang ang subject ko. Ang pangatlong subject mamaya pang 7:00 hanggang 9:00. Pero bukas wala naman akong pasok. Babawi ako ng tulog, yung tipong mga 20 hours. Hahahahha.
Habang naglalakad ako sa hall, parang nakita ko.. si Chris? *kusot kusot ng mata* Biglang nawala... I'm imagining things again. Imposible namang nandito siya edi sana alam ko. Duh, my mom owns the school remember? Kitang kita ko records ng lahat ng pumapasok at lumalabas dito. So it can't be him.... Right? :( I really miss him na.
I wonder how he is...
"Hoooooy!" ito na nga po si Tiffany na nakalunok nanaman ng mega phone, beatbox, mic, speakers, radios, etc. -____-
"Hoy ka din. Bwisit, ang lakas ng boses mo ahh. Agang-aga, nakakagulat ka sobra!"
"Wow! Nagtatagalog na siya." tapos pumalakpak ang luka. Hay nako ang babaeng ito ah!
"Eh ano naman?"
"Ehhh, wala. Nababago ka na ni Jonathan. Oh wait, speaking of Jonathan, ang tagal niyo nang mag-kasama ah! Hindi pa ba kayo??" what is she saying? Hayyy porket inlove na rin 'tong babaeng 'to gusto niya ako rin? Nope. I don't like.
"Ewan ko sayo. Di ko siya kilala. Bahala ka nga diyan sa buhay mo." tapos iniwan ko na siya. Nakakainis kasi ehh ayoko ngang pagusapan si jonathan ehh? I don't mean to leave Tiff but if she keeps talking about Jonathan, I don't think I can take it. Tsaka no way in hell na magkakagusto ako sa kaniya!
Jonathan's POV
Nandito ako ngayon sa hall, naglalakad. Nakita ko nga si Trish, nakatulala na parang gulat na gulat. Lalapit sana ako sa kanya, kaso dumating si Tiffany.
BINABASA MO ANG
I don't believe in love.
RomanceA story of a girl who used to believe in love. But not anymore. Will she have a happy ending?