MTB: Break Up

62 8 4
                                    

Im at Cate's house, it's our bonding day today.
Sa kalagitnaan ng malakas naming tawanan ay biglang nagring ang cellphone ko. Oh it's my Dad calling ...

"Umuwe kana ngayon na. Mag-uusap tayo." sigaw ng Daddy ko sabay baba ng phone.

Biglang kumabog ang dibdib ko at nanlamig sa kaba. Di ko malaman kung bakit ganoon ang tono ng boses nya.

Kaya agad ako umuwe. Pagdating ko, naabutan ko sina Mama at Daddy sa sala at nakatingin lang sakin na para bang nakagawa ako ng krimen. Umupo ako at nanahimik sa harap ng kanilang kinauupuan.

"Umamin ka sa amin Elay. Ayaw na naming pahabain ito. Nobyo mo ba si Brix?"

Napahinto ako ng marinig ang tanong na iyon at di ko malaman kung ano ang isasagot. Lalong nanlamig ang aking mga kamay na para bang ilan saglit lang ay hihimatayin na ako.

"Saan nyo po nalaman yan? Sino po nagsabi sainyo?" tanong ko ng may pagtataka.

"Di na mahalaga yun. Elay pinalaki ka naming maayos, mamili ka naman ng lalaking papatulan mo. Makipaghiwalay ka sa lalaking yun, sa ayaw at sa gusto mo." ika ni Daddy na galit na galit na nakatingin saakin.

Tuluyan ng umagos ang mga luha sa aking mga mata at napaluhod. Dahil ang pag ibig na matagal kong inilihim at iningatan ay nabunyag na at kailangan ko ng putulin.

Nang gabing iyon ay tinext ko si Brix at ipinaalam ang tungkol dito. Hinintay ko ang sagot nya ngunit wala hanggang sa makatulog ako.

Kinaumagahan, habang nag-aalmusal kami ay binaggit sa akin ni Mama na dadalin na nya ko sa Manila at doon ko na ipagpapatuloy ang aking pag-aaral. Tumanggi ako at umalis ng bahay.

Pumunta ako sa bahay nila Brix. Doon ay nagkausap kami.

"Brix ayaw kong tapusin ang relasyon nating dalawa. Ayaw ko sa Maynila. Brix mahal kita. Gumawa ka ng paraan." pagmamakaawa ko sakanya.

"Wala na tayong magagawa Elay. Sundin mo nalang ang magulang mo. Para sa ikabubuti mo." sagot nya sakin ng walang pag-aalinlangan.

Pero mas lalo pang gumuho ang mundo ko ng may biglang dumating na bisita sa bahay nila. Pinagbuksan ito ng pinto ni Brix. Laking gulat ko ng tawagin siya ng isang magandang babae na nakatayo sa harap ng pinto na "Mahal" ...

Ngumiti na lamang ako sakanilang dalawa at umalis ako ng walang imik na para bang di ko sinasadyang umeksena sa moment nila.

Wala akong natakbuhan pagkatapos ng paguusap na iyon kundi si Cate. Di ko napigilan ang sarili ko't niyakap si Cate at tuloy tuloy na pumatak ang luha ko. Di ko kaya ang sakit na nararamdaman ko sa oras na yon. Di mawala sa utak ko ang mga tanong na...
"Bakit? Anong pagkukulang ko ... para gawin nya yon' sakin? Minahal ko naman siya. Handa akong bitawan lahat para sakanya pero bakit ganito?" Unti unti akong winawasak na tila ba pinapatay ako.

Napakasakit dahil yung taong akala ko na magliligtas sakin ay siya palang taong mas lalo pa akong lulunurin sa dalamhati.
Ang akala kong lalaking bubuo sa aking buhay ay ang siyang dudurog ng puso kong sawi.

Kaya ako na mismo ang nagsabi sa Mama ko na dalin na ako sa Maynila noon ding Linggo na yon', kahit malayo pa ang pasukan dahil sa kagustuhan kong nakalimot.

Ngunit sa paglipas ng araw, di parin mawala ang sakit na dulot sakin ng mga pangyayare. Di ako makapaniwala na isang iglap ay magbabago ang lahat. Natanim sa aking isipan na hindi na ako magmamahal muli ng sobra. Dahil lahat ng lalaki ay manloloko at isasantabi ka nalang pag sawa na sila sayo.

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon