MTB: Changes

27 5 0
                                    

Nung gabing yun, balot ako ng kumot sa lamig. Tanging braso ko lang ang aking kayakap. Di ko mapigilan ang luha na bumagsak mula saking mata.

Nakatanaw sa alapaap habang bumubuhos ang ulan at tinanong ang Diyos kung bakit ganito? Lagi nalang akong nawawalan. Ginagawa ko naman ang lahat ngunit di parin sapat.

Sa pagsubok ko uling magmahal, mawawala na naman ba sakin si Nico?

Ang daming tanong na tumimo sa isip ko na di ko alam kung san mahahanap ang sagot.

Mahirap to' para sakin pero mas mahirap para sakanya. Pero kakayanin ko dahil...

Mahal ko siya. At ayaw ko syang mawala :(

I always find myself in this situation.

Biglang pumasok sa isip ko yung time na yun...

One time nung hinatid nya ako sa sakayan. Bago ako sumakay ng jeep ay hinalikan nya ako sa noo. Ramdam ko ang pagmamahal sa kanyang mga kamay na nakahawak saking likuran.

Tinulak ko sya nun at sinabing ...
"Uy ano ba? Baka mamaya ma-fall ako sayo." biro ko.

"Bakit di ka pa ba nahuhulog?" sabay tawa nya.

Ngayon ay di na ko umaasa na magiging katulad ng dati ang pagpasok ko sa Monday. Dahil alam ko lahat ay mag-iiba ulit.

Wala na akong Nico na makikita at makakausap. Wala ng Nico na maghahatid sa akin. Wala na kong kasabay kumain.

Kung may magagawa lang sana ako para mapabilis ang paggaling nya. :(

Napakalaking kawalan sa akin ng pag-alis nya. Pero naniniwala ako na pansamantala lang iyon. Di magtatagal ay magkakasama muli kami.

Pero asahan mo Nico, sa mga sandaling wala ka sa aking tabi ay di ako maghahanap ng iba. Ikaw lang mamahalin ko habang buhay. Ikaw lang! Sa piling mo ay masaya ako at di kita ipagpapalit pa. Kaya maghihintay ako hanggang sa magbalik ka. Bawat araw ay kasama ka sa aking mga panalangin. Bawat araw ay di ako matatakot umasa na sa pagsikat ng araw ay maaring makapiling na kitang muli.

At sa panahon na yon ay masisimulan na natin ang pagmamahalan na binuo ng ating pagkakaibigan. .

*THE END*

(AN: Alam ko medyo sad ang ending pero who knows. Baka masundan pa ang ending. So I'll just update u guys.)

Thanks for reading. Hope ya'll like it and please vote :)

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon