MTB: Revelation

40 3 1
                                    

Natapos na ang 1st semester. Sa wakaaasss! Pasado ako. Sana magkaklase parin kami ni Nico sa 2nd sem.

Ako yung babaeng laging excited kaya wag na kayo magtaka kung bakit laging malapit sa disgrasya ang buhay ko.

Pagpasok ko, tiningnan ko agad yung listahan, kung kaklase ko parin ba sya. Habang hinanap ko yung pangalan nya biglang may nagtakip sa mata ko.

"Wag mo na hanapin yung pangalan ko diyan. Di mo ko kaklase." sabi nya.

Pagalis nung kamay, si Nico pala. Nangiti nalang ako sabay yakap sakanya.

"Mamimiss kita." bigla kong sabi.

Nagulat ako sa ginawa ko kaya napalayo ako sakanya. Siya naman ay panay tawa.

"Okay lang yun. Magkikita parin tayo tuwing break at sabay parin tayo umuwe. Walang mababago." sabi nya sa akin.

Namimiss ko tuloy yung pag magkasama kami sa room, yung mga senyasan pag quiz, yung mga tinginan pag boring yung teacher. Yung iirapan nya ko pag tumatabi ako sa mga kaklase naming boys. Lahat lahat!

Nagdaan ang mga Linggo at wala ngang nabago. Katulad parin ng dati ngunit kasabay nito ay ang pagdalas nyang pagkakasakit.

Napapansin kong palaging masama ang pakiramdam nya.

"Ayos ka lang ba? Lage kang ganyan eh."
-me

"Oo naman noh. Wala to" sabi nya sakin habang tumatawa.

Lage nalang sya nakangiti at masaya kaya laging lumalakas ang loob ko. Naiinspired ako sakanya dahil sa lahat ng oras ay masaya sya.

Pero habang tinitingnan ko sya hindi naniniwala ang isip ko na okay sya. Kase parang hindi eh, may iba syang dinadala.

Kaya pumunta ako sa harap nya, hinawakan ko ang balikat nya at tinanong,

"Nico di ka okay. Magsabi ka sakin ng totoo."

Tinawanan lang uli nya ako at inaya ng umuwe. Hayyss! Pinag-aalala nya ko. Pakiramdam ko talaga ay meron syang tinatago sakin.

Nung sumunod na mga araw pagkatapos nung araw nayon' ay absent na naman sya.

Kaya wala uli ako kasabay kumain at umuwi. Namimiss ko sya. Agad! Sagad sagad! :(

Monday na nung pumasok sya uli. Nakatayo sya dun sa pinto ng room ko. Sinalubong nya uli ako ng ngiti.

Pero naiinis ako sakanya kaya di ko sya pinansin at deretcho lang sa pagpasok.

Nung break ay inabangan nya ko sa labas ng room namin.

"Nagagalit kaba kase di kita inabangan sa gate?" tanong nya habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Hindi noh." sabi ko na may pagtataray.

"Eh bakit ka ganyan?"

"Kase naman lagi mo kong pinag-aalala tapos pag tatanungin kita sasabihin mo wala lang yun. Pano naman ako? Ako worried na worried tapos ikaw lage lang masaya." pagsusungit ko.

Tumawa lang sya. Kaya sa sobrang inis ko ay nag walk out ako. Pero hinabol nya ako at hinawakan ang braso ko paharap sakanya.

"Sorry na kung lagi kitang pinag-woworry. Osige ipapasyal nalang kita mamaya. Para ikaw naman ang maging masaya, meant to be." sabay ngiti.

"Hmmpp... Ayoko!" sabay talikod at tumakbo nako papuntang classroom.

Nung uwian ay sinadya kong tagalan ang pag-aayos ng gamit para maghintay sya. Ayawko syang kasabay. Hayy!

Ilang minuto na ko sa room at wala nayung mga kaklase ko. Isasara na sana ng prof ko yung room ng nakita nya ako na andun pa.

Kaya no choice ako kaya lumabas na ako at sumabay kay Nico.

"Tara na." ika nya habang nilagay nya yung kamay ko sa braso nya.

"Im your escort today and forever, meant to be. Kaya wag ka ng masungit jan." habol nya habang nakatitig sakin.

Hayy! Tbh, kinikilig talaga ako. Pinipigilan ko lang kasi kailangan magsungit para lambingin nya ko. Haha #Pabebe

Saan kaya kami pupunta? Papasyal daw kami. Habang nasa jeep ay tahimik lang sya. Kaya tahimik nalang din ako.

Di ko namalayan na nakatulog ako sa byahe. Medyo makulimlim na nung bumaba kami ng jeep.

Ah! Sa Luneta Park pala kami mamasyal. Haha. How sweeeettt! Unti-unti ng nawawala ang inis ko sakanya.

Pagbaba namin ay hinawakan nya ang mga kamay ko at naglakad sa park na para bang there is something between us.

But is there really an US? Or assuming lang ako?

Pero nagtataka ako kung bakit ang tahimik nya. Malayo narin ang nalalakad namin. Best time for remembering memories...

Naalala ko tuwing kasama ko sya, I always feel safe. Yung muntik na kong masagasaan. Sa twing kasama ko sya, aakbayan nya ko o di kaya naman hahawakan yung kamay ko. Yung para bang kami kung umasta sya.

Pinapaasa lang ba nya ako? O totoo talagang may nararamdaman din sya para sakin? Umaasa ako na sana meron.

Naalala ko tuloy nung unang beses nya ako chinat sa facebook.

"Ayan ah. In-add na kita, meant to be."

At tinanong kung ano ang tunay kong pangalan at kung san ba ako nakatira hanggang sa humaba ang ating usapan.

Tinanong mo kung may nobyo naba ako at sumagot ako ng wala. Tinanong mo ako na meron kabang pag-asa sa akin. Ngunit ako'y hindi kumibo dahil di ko alam aking sasabihin dahil ang puso ko'y tumatalon sa tuwa.

Bigla kong naramdaman ang sakit ng talampakan ko kaya napahinto ako. Nginitian ako ni Nico at umupo kami sa malapit na bench.

Nung medyo nawala na ang sakit ay inaya ko ng umuwe si Nico pero tumanggi sya. Patuloy lang sya sa pagtingin sa langit. Kaya nainis ulit ako kasi dinedma na naman nya ko.

Ilan minuto lang ang lumipas...

Niyakap nya kong bigla ng mahigpit, as in sobrang higpit at bumulong sya...

"Mamimiss kita."

Ramdam sa boses nya ang kalungkutan. Kaya tinulak ko sya palayo at tumayo ako.

"Bakit sinasabi mo yan? Para ka namang mawawala na. Ayan ka na naman eh, pinag-aalala mo ko." sigaw ko sakanya at malapit ng bumagsak ang mga luha ko.

"Tara na, uwi na tayo." ngumiti lang uli sya at tumayo't naglakad.

Pero tiningnan ko lang sya at di ako umalis sa pwesto ko.

Napalingon sya sakin at binalikan nya ko. Hinawakan nya ang kamay ko at inaya nakong umuwe.

Pero patuloy lang ako sa pagtingin sakanya. Hanggang sa tuluyan na nang tumulo ang luha ko. Kasabay naman ang pagbagsak ng malakas na ulan.

Hinawakan nya ang mga balikat ko at nagsalita.

"Makinig ka ha! Kaya ayaw ko sabihin sayo dahil ayaw ko ng mag-alala kapa. Ayaw kong maapektuhan kapa. Pero dahil makulit ka, Sayo ko lang to' sasabihin."

Napahinto sya at nakatitig lang sakin.

"Ano na?"

"May sakit ako. Di na ko mag-aaral ng second sem dahil magpapagamot ako."

Natulala ako sa sinabi nya. Biglang huminto ang pagtulo ng luha ko. At lumakas pa ang ulan.

"Nagtataka ka kung bakit lage ako masaya? Kase gusto kong sulitin ang bawat araw. Gusto ko matatapos ang araw ng masaya kasama ka." sabi pa nya.

Niyakap nya ulit ako ng mahigpit. At narinig ko ang mga patak ng kanyang luha pero ikinubli nya iyun sakin.

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon