MTB: Closeness

29 6 0
                                    

Mula nung araw na yon, di ako mapakali kakaisip nung mga narinig ko. Hanggang ngayon ay di ko parin sya nakakausap.

Omg! Bakit ganito? Hayy. Tatlong araw na syang absent. Nag-aalala na ko kahit di pa kami close. Sana pumasok na sya bukas para naman ngumiti na tong' labi kong nakasimangot.

Kinabukasan, habang nasa sasakyan ako, umaasa ako na sana ay nandun na sya, na papasok na sya at makikita ko na sya. Bawat hakbang ay panalangin kong ayos na sya.

Kase naman sobrang miss ko na sya. Agad? Oo agad. Haha. Pagpasok ko ng room ay wala sya. Kaya ang pag-asa ko ay naglaho na naman. Ano na ba nangyayare sakanya? Malapit na kong mapraning.

Pagdating ng prof namin, agad ko syang nilapitan at tinanong ..
"Sir, alam nyo po ba kung bakit absent si Nico?"

"Ms. Gonzales he is now undergoing in some medications. But no need to worry kase maayos na naman sya. Baka bukas ay makapasok na sya."

Sana ngaaa kase malapit nakong mabaliw.

Kinabukasan ay di parin nawala ang pag asa kong makikita ko na sya at di nga ako nabigo. Sa gate pa lang ay nasilayan ko na sya. Ang malungkot kong mukha ay napalitan ng ligaya.

"Meant to be! Tara dito." tinawag nya ko at ngumiti.

"Nico buti pumasok kana. Ano ba nangyare sayo?"

"Wala. Nagbakasyon lang." sabi nya habang tumatawa.

Nagulat ako nang akbayan nya ko bigla habang naglalakad. Di na ko nakatanggi kaya hinayaan ko nalang. Di naman na ako nag-alala dahil mukha namang okay sya.

Buong araw ay magkausap lang kami sa room at parang hindi na natapos ang pag uusap namin.

Nung uwian na, nilapitan nya ako habang nagaayos ako ng gamit sa bag. Tinanong nya ako kung pwede daw ba nya ko ihatid sa bahay.

"Wag na. Nakakahiya eh! Malayo bahay namin." sabi ko.

At di na sya umimik at nagsabay nalang kami hanggang sa labas ng school.

Nung pasakay na ko ng jeep, sumigaw sya ng "Ingat ka."

Pagbaba ko ng sakayan pauwe ng subdivision, tatawid na sana ako ng biglang may parating na mabilis na van at biglang may humila sa bag ko palayo sa kalsada.

Paglingon ko, si Nico pala. Si Nico ang nagligtas sakin para di ako masagasaan.

"Ano ba? Sabi ko sayo mag-iingat ka eh." sigaw nya sakin na alalang-alala.

Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Natulala lang ako sakanya dahil di ko maisip kung pano sya biglang sumulpot sa eksenang malapit ng machugi ang bida.

Pakiramdam ko tuloy siya si Matteo Do at ako si Steffi Cheon.

"Oh ano tinitingnan mo? Tara na nga. Mabuti pa ihatid na kita sa bahay nyo. Baka nagwawalang aso naman makasalubong mo." pagpapatawa nya.

Di ko naman napigilan tumawa dahil sobrang nakakakilig sya.

Nung gabing yun, walang ibang nasa isip ko kundi yun oras na yun. Kahit na muntik na kong mamatay, kinikilig parin ako. He's my superhero.

Kaso nga lang, di ko parin nakukuha yung number nya, di ko pa natatanong kung ano name nya sa facebook, or kung may twitter ba sya, or Line or WeChat o baka naman meron syang Viber! Sadlayp

No communications at all.

Kaya ayon ang goal ko bukas.

Pagpasok ko ay andun ulit sya sa gate. Hinihintay nya ulit ako pero this time may bago. O M G! He gave me three red roses.

Di tuloy ako nakapagsalita at napangiti nalang. At alam ko halata sa itsura ang kilig na nararamdaman ko.

Kaya bigla syang tumawa at inaya na kong pumasok. At katulad ng dati ay walang katapusan ang kwentuhan namin.

Habang naglalakad na kami palabas ng campus ay hinawakan nya ang bag ko na nakasukbit sa balikat ko, na parang ayaw nya ko pakawalan.

"Ihahatid na kita lage simula ngayon."

Dalawa ang nararamdaman ko nung minutong yon. Una, Nakakahiya kase napakaclumsy ko kaya kung ano ano nangyayare sakin. Pangalawa, natutuwa kase iniingatan nya ko."

He always make me speechless.

Lumipas ang mga araw at unti unti na naming nakikilala ang isa't-isa. Dumalas narin ang pagkikita at paglabas namin kahit weekends. At nagkaroon narin kami ng komunikasyon.

Pero ito lang ang sigurado, masaya ako kung ano meron kaming dalawa ngayon. Sana magtagal pa ang pagkakaibigan namin dahil ayaw ko ng mawala pa sya.

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon