MTB: Move On

32 5 0
                                    

Monday na naman bukas at excited na ako pumasok. Kasi naman magkikita na naman kami.

Simula nung tinanong nya ko kung naniniwala ba ako sa tadhana, di na sya mawala sa isip ko.

Habang nasa tuktok na ko ng pagpapantasya ko, bigla namang kumatok yung pinsan ko sa kwarto ko. Haynakoo ano ba naman yan!?

Binuksan ko ang pinto at humarap sakin ang napakacute kong pinsan na Maye. Kaya naman nawala na yung inis ko. Niyakap ko sya at binuhat papunta sa kama ko.

"Ate Elay pwede pahiram ng papel at pencil?" tanong nya.

"Oo naman. Sige eto.." -me

Nagsulat sya at binigay nya sakin. Ang sabi nya ay idikit ko daw yun sa pader ko para lagi kong maalala.

This is note to you:
Pag may nawala, may darating ; pag may nasira, may papalit.

Pagkatapos kong mabasa, di ko napigilan na maluha. Tumingin ako sakanya at ngumiti.
Napagisip isip ko tuloy, tama sya. Di pa end of the world dahil lang naghiwalay kami ni Brix.

Pero bigla din pumasok sa isip ko na.. di kaya si Nico na yun. Yung darating at papalit? O M G! Pagibig na itooo.

What if nga si Nico na? Is this a sign? Ito na ba ang simula? Tama kailangan na talaga kalimutan ko na ang dapat kalimutan. Dahil eto na yung right time para mag move on ako at maging masaya.

Di ko ma-imagine pero ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay maging magkaibigan kami. Mas maging close sa isa't-isa and to know more about each other; to build a great friendship with him. :)

--

"Goodmorning Philippines! Goodmorning Manila! Goodmorning Goodmorning to you Nico mylaaabbss." sabi ko habang umiikot sa kwarto ko.

Hayys. Baliw na ata ako! Gusto ko lang naman simulan ang araw ko ng masaya. Goodvibes lang.

Pagpasok ko, wala pa sya. Hanggang sa nagbell na pero di parin sya dumarating kaya kung ano ano na naisip ko, absent kaya sya? O baka naman late? Ano na kaya nangyare dun? Hayynakoo. Nagsimula na ang first subject pero wala parin sya.

Nung recess, napakalungkot ko dahil wala sya. Wala akong gana kung di ko lang din naman sya makikita.

Nagring ang phone ko. Cate is calling...

Kaya lumabas ako ng room at sinagot sya. Pagkatapos ng tawag nya ay naligaw ang tingin ko sa tapat ng admin. Nakita ko si Nico. Yeeah! Di ako pwede magkamali, sya yun. Yung pumasok sa guidance. Pero bakit? Why oh why would he go there?

Sa sobrang curiousity ko ay nagpunta ko dun at tumingin tingin. Pinakinggan ko ang mga boses na naririnig ko mula sa pader.

Di ko nagustuhan ang mga salitang narinig ko. Totoo ba yun mga narinig ko? Sana ay hindi totoo. Pero boses mismo ni Nico yung nagsabi? Di naman siguro biro yun? Di pwedeng mangyare yun! :( Noooo!

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon